Chapter 17

15 3 0
                                    

Wendy's POV







Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang gumala kaming dalawa ni Hoseok. Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil nag-aayos ako ngayon para sa anniversary party ng company namin ngayon. Kahapon pa nakauwi sila Mikey galing sa Team building nila. Hindi pa kami nagkikita ni Mikey pero parating na siya ngayon dito para sabay na kaming dalawa at siya ang mag-aayos sa akin.






"Sweetie." Rinig kong katok at tawag ni Mom sa labas ng pinto ng kwarto ko.





Tumayo naman ako sa pagkakaupo dito sa kama at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Mom na nakangiti sa akin at iba ang pinahihiwatig nito. Nagtataka naman ako na tinignan si Mom.




"May packaged ka sa baba. Hulaan mo kung kanino galing." Halatang kinikilig ang boses ni Mom. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman ako nag-order ng kahit na ano.




Bumaba kami ni Mom at nakita ko yung malaking pink na teddy bear na nakaupo sa sofa namin sa living room. Nanlaki ang mata ko at nagulat sa nakita. Pero... Impossible naman na para sa akin iyong binili ni Hoseok last time na nagpunta kami sa mall. Pero baka hindi rin galing sa kanya yan.





Nilapitan ko yung malaking stuff toy at nakita Kong may maliit na card na nakapatong sa tyan ng teddy bear. Kinuha ko iyon at nanlaki ang mata ko. G-galing nga sa kanya itong big fluffy pink teddy bear. Bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ako ng hindi inaasahan.





"Dalaga na talaga ang sweetie namin ng daddy niya." Masayang sambit ni Mom. Nilingon ko si mom at hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.




"Dalaga naman na po ako Mom." Nakangiting sambit ko kay mom. Nilapitan ako ni Mom at niyakap.




"Oo naman dalaga ka na. Siguro kung nandito ang daddy mo siguro nagtatanong na iyon ngayon at ipapahanap ang lalaking nagbigay ng malaking teddy bear sa nag-iisang prinsesa niya." Pangaasar ni Mom sa akin. Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan niya ang teddy bear na nakaupo sa sofa.





"Ma'am nandito na po si Miss Mikey." Rinig Kong sambit ni Manang Kay mom.




"Ahh ganoon ba papasukin mo na siya." Utos ni mom. Kaagad naman na lumabas si Manang at pinapasok na si Mikey.




"WAAAAH ANG LAKI NAMAN NG TEDDY BEAR NA IYAN WENDY!" Rinig kong sigaw ni Mikey pagkapasok pa lang niya sa living room namin.





"Oo ang laki laki ng regalo ng secret admirer ng anak ko Mikey." Pangaasar ni Mom sa akin. Lumapit si Mikey sa akin at nakangiti siya ngayon sa akin.




Hinawakan ni Mikey ang magkabilang braso ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Tinapik ko naman ang likod Niya.




"Mikey.. bitaw.." saway ko kay Mikey. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at nagpeace sign pa.




"Ay! Hehehe.. sorry nadala lang ng emosyon. Pero grabe! Kanino ba galing iyang malaking teddy bear na iyan Wendy?" Tanong ni Mikey sa akin. Pero bago pa man ako makasagot ay nagpaalam si Mom na pupunta muna siya sa kitchen para ihanda ang pagkain na ihahanda ni mom para sa bisita namin.





"Galing kay Hoseok.." sagot ko sa tanong ni Mikey. Nanlaki ang mata ni Mikey sa mga narinig Niya.




"Talaga?! Omg!!" Kinikilig na sigaw ni Mikey nang sabihin ko kung sino ang nagbigay nitong malaking teddy bear.




"Oo totoong kay Hoseok galing iyan." Sagot ko. Lumapit naman si Mikey sa malaking pink na teddy bear na nakaupo sa sofa.




"Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi totoo na may relasyon si Hoseok at Minha. Kasi bakit ka bibigyan ni Hoseok ng ganitong kalaking regalo kung may relasyon silang dalawa nung babaeng iyon." Spekulasyon ni Mikey. Nilingon ako ni Mikey at bakas ang pangaasar sa mata niya.





"Baka naman kaya binigay ni Hoseok sa akin ang malaking pink na teddy bear na iyan dahil magkaibigan kami. "Palusot ko. Ayoko kasing umasa na may nararamdaman din sa akin si Hoseok. Baka masaktan ako kung aasa ako.





"Ano ka ba! Hindi magreregalo ng ganyan ang kaibigan lang. Tsaka hindi mo naman birthday or what. Kaya sure na sure ako na may feelings din siya para sa iyo!" Buong kumpyansa na sambit ni Mikey.





"Ayokong umasa na may nararamdaman siya para sa akin Mikey. Ayokong masaktan dahil umasa ako sa wala." Sagot ko. Ayokong masaktan ako dahil umasa ako na may feelings si Hoseok para sa akin.





Lumapit si Mikey sa akin at pinulupot ang kamay niya sa braso ko. Tumingin naman ako sa nag-iisang best friend ko. Nakangiti pa rin siya sa akin samantalang nasasaktan naman ang nararamdaman ko ngayon sa loob ko.




"Oo nga naman. May point ka naman Wendy. Kaya huwag na muna natin istress ang sarili natin dahil sa feelings chuchu na iyan. Ang kailangan nating gawin ngayon ay mag-ayos na para sa party!" Sambit ni Mikey sa akin.





Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa hagdan at umakyat na para pumunta sa kwarto ko. Tama kailangan ko munang intindihin ngayon ang party na pupuntahan namin ngayong hapon. Ayokong istress ang sarili ko at kailangan ienjoy ko ngayon ang party na pupuntahan namin ni Mikey. First time ko kasing umattend sa isang party. Hindi naman kasi ako umaattend dati tsaka bata pa ako nung huling attend ko. Noong nandito pa si Dad.





_______________

Someone's POV





I am already preparing for the party I am going to today and I am also preparing the plan I have prepared for that woman. Humanda na siya mamaya dahil titiyakin kong hindi niya malilimutan ang maliit ko lang naman na regalo para sa kanya.


I threatened her but she didn't seem to take everything I said seriously at ang kapal pa ng mukha niya na landiin si Hoseok noong mga araw na wala ako.




Makikita talaga ng malanding babae na iyon ang hinahanap niya. Kung inaakala niya na hindi ako seryoso sa mga sinabi ko sa kanya pwes humanda siya mamaya.





Get ready for what I'm going to do to you Wendy Park. I will make sure you really get lost in the path and life of Hoseok and I. Mark my words Wendy. I can do everything just to have the man I love and I can be bad for love.





I will make sure you really leave my life because you are a flirt and attention seeker bitch.







____________________________

Author : Sino nga ba ang someone na iyan? Kilala niyo siguro. Anong gagawin Niya Kay Wendy? Abangan. Double update for this day! Enjoy reading!






Vote and comment!

Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon