Note : I just want to say thank you sa lahat ng mga nagbasa ng Take her to the moon for me (BTS SERIES 3). Thank you so much! I salute to the readers na nagbasa nito simula umpisa hanggang dito sa dulo. Thank you and Merry Christmas! ♥️😭😘💕
Imagine this is how Wendy looks like (No portrayer pero gusto ko lang na mavisualize niyo) :
Hoseok's POV
"Appa!" Rinig kong sigaw ng anak naming babae ni Wendy. Agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
Kakauwi ko lang kasi galing sa mga events na pinuntahan namin nila hyung. Sobrang pagod na talaga ako pero biglang nawala yung pagod ko nung makita ko yung anak ko at asawa ko na naghihintay sa akin. Matapos ang yakapan naming dalawa ni Hermione ay hinalikan ko ang ulo ng anak ko at lumapit naman kay Wendy na ngayon ay nakangiti at nakatingin lang sa aming dalawa.
"Hi sunshine!" Nakangiting bati ko sa maganda kong asawa. Nilapitan ko siya at agad na kinulong sa mga bisig ko.
"Kamusta ka naman sa work mo Sunshine?" Tanong nito sa akin.
"As usual, masaya na nakakapagod." Sagot ko sa tanong niya.
Hinalikan ko siya sa noo at kumalas na sa pagkakayakap at saka hinalikan ang baby bump. Naramdaman ko naman na niyakap ako ng anak namin at sabay kaming tatlo na tumawa. Kaagad ko naman binuhat ang anak namin at pumasok na sa loob.
"Appa, you know what Miss Penny said that I'm smart! And she gave me four stars! Here oh!" Nakangiting sambit ni Hermione sa akin habang pinapakita pa niya yung apat na stars na nasa magkabila niyang kamay.
"Wow! Ang galing naman pala ng baby namin!" Manghang sambit ko sa anak namin na ngayon ay tumatawa.
"Of course naman Appa! Nagmana po kaya me to the both of you!" Confident na sagot naman ni Hermione sa akin. Pinisil ko yung pisngi niya at agad na pinupog ng halik ang mukha niya.
"HI HYUNG!" Rinig kong sigaw ni Jungkook, Jimin, at Taehyung sa likuran ko.
Binaba ko muna yung anak namin at gulat na nilingon yung tatlong magugulong isip Bata! WHAT?! PAANONG NANDITO SILA?! akala ko ba umalis na sila! Sinamaan ko sila ng tingin at nakita ko din na nasa likuran nung tatlo sila hyung. Anong nangyayari dito?!
"Grabe naman yang tingin mo sa amin hyung. Mukhang gusto mo ata kaming saksakin ng baba mo ah!" Mapangasar na sambit sa akin ni Pandak.
"TITO!" Rinig kong sigaw ni Hermione at kaagad na tumakbo sa kinaroroon nung anim.
"Hi! Baby hermi!" Bati nilang anim sa anak namin ni Wendy.
BINABASA MO ANG
Take Her To The Moon For Me |J-HOPE| COMPLETED ✔
Fanfic{BTS series #3} "I love you so much that I'm willing to save your life... that I'm willing to give my own life in order for you to live longer... I want to see your happiness... I'm sorry but I need to do this... I'm taking you Wendy to the moon for...