Backstory
Pinalaki ako sa bahay ampunan. Tinuri ko na iyong sariling bahay simula pa noon. Ang mga nag tatrabaho doon, tinuri ko silang mga magulang. Ang mga bata, ate, kuya na naroon, tinuring, ko silang mga kapatid. Kami na ata ang may pinakamalaking pamilya sa balat ng lupa
Kaya pag may umaalis dahil inaampon sila, nalulungkot ako, kasi mawawalan kami ng isa sa pamilya. Syempre, hindi ko rin maiwasan mainggit, kasi bakit sila naampon, ako hindi
Nawalan na nga ako ng pag asa na may aampon sa akin. Hindi sa gusto ko ng umalis ng bahay ampunan, pero para maranasan ko naman kung ano ang feeling kapag wala ka na doon
Pero nag bago ang lahat ng ampunin ako ng mga Leonda
Leonda. Isa sa mga sikat na pamilya hindi lamang sa bansa, kundi pati sa buong mundo. Isa mga tinitingalaan at hinahangaan na pamilya. Paano ko nalaman ang mga bagay na iyon? Dahil lagi akong updated sa business world
Nung una, medyo naiilang ako kapag lumalabas kaming pamilya. Like, hello? Inampon ka ba naman ng isa sa kilalang pamilya, sino ba hindi mawiwindang doon?
May mga oras na binabash ako ng ibang may makikitid na utak ng mga netizens, pero dahil na rin kayla mama, nagagawa kong hindi pansinin nalang iyon
Sadyang, may mga tao talaga na walang magawa sa buhay kundi mang bash ng mga tao
Kaya mula sa Venice Tizon naging Kee An Leonda ako
Bunsong anak ng mga Leonda. Kapatid ni Kurt Leonda. Pinsan ni Paris Demopolous at Kisha, at marami pang iba
Sino mag aakala na ang batang nangaling sa ampunan, ay napapabilang na ngayon sa mga sikat na pamilya sa mundo
"Kuya Kurt! Buksan mo nga itong pinto mo!" Bulabog ko sa kanya
Hay nako, mag mula kasi nung nangyari sa kanila ni ate Aya, nagkanda gulo gulo na buhay ni kuya. Palaging nasa loob ng kwarto. Nagkukulong
"What do you need, Kee An?" Tanong nya
"Ibababa ko lang dinner mo kuya! Buksan mo na, dali!" Sigaw ko ulit
Ako kasi ang nag dadala ng pagkain sa kanya simula din non. Although sabi ni mama, pwede namang ang nga maids na ang gumawa, pero sadyang ayoko talaga
Nag bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako. Madilim ang kwarto, parang walang taong natutulog dito. Amoy alak din, kaya mabaho pero sanay naman na ako
Paano ba sya nakakatagal dito?
"Ibaba mo lang sa usual spot" rinig kong sabi ni kuya
Ibinaba ko sa side table ang tray ng pagkain nya. Nakabukas naman ang lamp shade kaya kita ko ang mukha nya
Umiling iling ako, "Tsk. Ngayon nag iinarte ka dyan. Sino ba kasi may kasalanan?"
Hindi sya sumagot
Kinuha ko ang mga nakakalat na basura sa sahig, "Sabi mo titino ka na. Sabi mo seryoso ka na kay ate Aya. Ano nangyari? Bakit ka nag come up sa planong lokohin sya?"
Again. Hindi sya sumagot
"Tapos ngayon mag mumukmok ka dito. Get up kuya. Hindi ikaw ang nabiktima!" Sermon ko
This time nilingon na nya ako. Umiling ako sa kanya at kinuha nag mga damit nyang nakakalat sa sahig at nilagay uyon sa laundry bag
"Hanggang kelan ka ba mag kukulong dito, kuya? Huwag ka ngang pa victim. Ikaw ba napagkaisahan? Ikaw ba naagrabyado? Hindi! Kayo ni ate Paris ang gumawa ng gusot sa matagal ng unat. Kayo ni ate Paris ang nanakit, kaya wala kayo, o ikaw karapatan na magmukmok dito" patuloy ko sa panenermon nya
Umupo sya sa kama nya, "Minsan naiisip ko kung mas matanda ka ba sa akin o hindi eh"
Nag kibit balikat ako, "Ewan ko. Sinasabi ko lang naman kung ano ang sa tingin ko ang tama. Kaya kuya, get up na! Look around you, napakadilim. Nasisikatan ka ba ng araw?"
With that ay binuksan ko ang ilaw pati na rin ang kurtina nya, na mag sisilibing daanan para makapasok ang liwanag sa labas. Agad na nasilaw si kuya sa ginawa ko, kaya natawa ako
"Oh diba, nasilaw ka. Tumayo ka na kasi at mag patuloy sa buhay. Wala kang mararating kuya kung palagi ka lang nandito. Tumatakbo ang oras. Ano, ang oras ang mag aadjust for you? Ikaw ang mag aadjust" sabi ko sa kanya
Nung makuha ko na ang last bottle ng alak ay lumingon ako kay kuya, "Labas na ako ah. Huwag mong papatayin ang ilaw at huwag mong sasarado ang kurtin"
Tumango sya sa akin, "Sige Kee An, bossing"
Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ako. Sana ito na ang last day na pupunta ako doon at makikita ang makalat na kwarto ni kuya
"Kee An, anak, galing ka na naman ba sa kwarto ng kuya mo?" Tanong ni mama nung makasalubong nya ako sa hallway
"Opo eh" magalang kong sagot
Tinignan nya ang plastic bag na hawak ko na puno ng bote ng alak, "Iyong batang iyon talaga, oo. Kelan ba iyon titino? Ipapainom ko sa kanya ang Rhea alcohol sa kwarto mo eh"
Tumawa naman ako, "Soon mama, nararamdaman ko, malapit na tumino si kuya. Babalik sya sa dati"
"Hay sana lang. Oh, ibaba mo na iyan para maihabol ng katulong sa basura" sabi ni mama sa akin at tumango ako
Bumaba ako sa first floor at inabot ang plastic bag sa isa sa katulong na nakita ko. Gets na nya iyon dahil palaging ganon naman ang ginagawa ko
Nag hugas ako ng kamay bago ako bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko ang tv na nandito sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Ganito palagi ang ginagawa ko dito since vacation naman na
Pa chill chill lang dahil wala namang mga lakad, at tambay lang sa bahay. Well, dapat may out of country kaming Leonda family, pero dahil hindi ok sila ate Paris at kuya Kurt, naudlot
Sayang yung Switzerland oh
Nung wala akong mapanood na maganda, nag lagay ako ng dvd na papanoorin ko sa dvd player. Payapa lang akong nanonood nung may kumatok bigla sa kwarto ko
"Bukas po iyan" sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa tv
Narinig kong bumukas iyon at may mga yabag ng paa akong narinig
"Kee An...."
Napalingon ako sa nag salita, at si kuya iyon
"Why? Buti naman lumabas ka na ng kwarto mo" sabi ko sa kanya
"Maybe tama ka nga, kailangan ko nga gumalaw galaw na habang may oras pa" sabi nya
"See? Sabi sayo eh. Oh, gumalaw ka na kuya, bakit ka pa nandito? Sulitin mo ang araw oh" nakangiti kong sabi
"Yeah, yeah" sabi nya bago sya lumabas ng kwarto
"Yes! Sa wakas, ok na si kuya!" Sigaw ko
Tumunog ang phone ko at nakita kong si Kisha iyon
"Yow?" Bungad ko
[Ok na si ate. What about kuya Kurt?]
Yes, pinlano talaga namin na kausapin o i-realtalk ang dalawa para makatulong naman kahit papaano
"Ok na rin"
[Nice one cous!]
"Yepperssss"
[I hear the sound of your tv. Nanonood ka ba?]
Nilingon ko ang tv, "Watching a movie, to be specific"
[Oh. Sige, bye]
With that ay nawala na ang tawag
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Подростковая литератураKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin