Chapter 35

70 1 0
                                    

AN:
Kung napapansin nyo na medyo fast forward yung last three chapters diba. The reason is, backtsory lang naman sya doon sa mga nangyari kay Kee An nung nasa London sya

"Leonda, Kee An. Summa Cum Laude!"

Pagkarinig ko ng pangalan ko ay agad akong umakyat sa stage, kasunod sila mama para kunin ang diploma ko at award ko. Nakipag kamayan kami sa mga dean at saka kinuha ang parangal ko

Agad naman binaliktad ni mama yung taling nakaluwit sa gilid ng sumbrero ko para masabing graduate na talaga ako. Nag picture pa kami sa gitna, kaming tatlo ni papa bago kami bumaba ng stage

Sandling nag close remarks yung dean saka pinatugtog ang graduation song namin. The moment na tumunog yung musical ay agad namin initsa yung sumrero namin sa ere

"Finally! Tapos na! Graduate na ako!" Masayang sabi ko

Nagulat ako nung may umakbay sa akin, "Congrats, Architect Kee An!"

Napahagikhik naman ako, "Ikaw rin, congrats soon to be Engr Kevin"

"Picture tayo! Remembrance!" Aya ko sa kanya at nilabas ko ang phone ko sa bulsa ng toga ko

Itinaas ko ang kamay ko para makapag selfie kami. Nung humupa na ang mga tao ay lumapit sa akin sila mama. Si Kevin ay nilapitan naman ang mga magulang nya

"Congrats anak!" Masayang sabi ni mama sa akin at niyakap ako

Inabot naman ni kuya sa akin yung boquet ng sunflower, "Congrats architect"

Natawa naman ako. Inaya ako ni mama na mag picture ng solo at sumang ayon naman ako. Sumunod naman ay niyaya ko si kuya na samahan ako bago kami nag family picture

"Architect Kee An!" Tawag sa akin ni kuya

Nandito na kami ngayon sa isang high classed restaurant at kumakain kami ngayon ng lunch namin

"Yes, Chief Financial Officer Kurt?" Nakangisi kong sabi sa kanya at nag tawanan naman sila mama

"Sanaol graduate na. I'm still going to med school" narinig kong sabi ni Rex

Mag dodoctor kasi sya. About sa pagiging doctor at architect namin ni Rex, walang say mga magulang namin tungkol doon. We came from a family na puro negosyante, pero that doesn't mean na susunod kami sa yapak nila

"Edi huwag ka mag doctor" rinig kong sagot ni Faith sa kapatid

Tinapunan sya ng tingin ni Rex, "Palibhasa kasi, after this you're going to work sa company natin"

Tumaas kilay ni Faith, "Is that my fault?"

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan sila. Ganyan talaga yang dalawang yan. Kahit ang tanda na, puro bangayan pa rin sila sa maliit na bagay. Btw, accountant kasi si Faith kaya sa company nila siya mag tatrabaho

"When are you going back sa Pilipinas, kuya Victor?" Tanong ni tita kay papa

Tumikhim naman si papa at pinunassn ang bibig nya ng table napkin, "Well naka book kami 2 days from now"

Nilingon naman ako ni mama, "Do you want to come with us na, anak?"

Sandali akong nanahimik. Wala naman sa plano ko na mag stay dito sa London after graduating. Balak ko is mag chill muna ng ilang araw bago umuwi

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon