Chapter 36

104 1 0
                                    

Lexter's POV

"Pare, nakauwi na si Kee An ngayon" anunsyo ko kay Derron

Mula sa pakikipag titigan nya sa anak nyang si Gian ay napa angat ang tingin nya sa akin

"What did you say?" Tanong nya na parang hindi nya ako narinig kanina

Bumuntong hininga ako, "Don't act like you didn't hear me Derron. Matalas pandinig mo noon pa"

Nilingon nya ang paligid ng bahay nya, "Manang, pakiakyat po muna si Gian sa taas"

Agad na lumapit si manang, "Yes sir"

Sinundan ko ng tingin sila manang at yung inaanak ko bago ako nag baba ulit ng tingin kay Derron

"Kelan pa?" Tanong nya sa akin

"Ngayon lang. Nag post sya sa ig nya ng picture ng manila" sagot ko sa kanya at nakita kong napahilamos sya sa palad nya

Alam ko naman na mahal pa nya si Kee An kaya nga nag taka ako na paano nya nabuntis si Yasin noon

"Ghad, pati ba naman yan sumabay?" Narinig kong bulong ni Derron kaya agad na nag init ulo ko

"Ano bang problema mo kung bumalik si Kee An? Edi umakto ka nalang na parang normal" puna ko sa kanya

He looked at me irritated, "Yasin is in the hospital for fvcking 3 weeks. Uncouncious sya at naka life support machine nalang sya"

Sa sinabi nyang iyon ay napatanga ako

Yasin is.......dying?

Naupo ako sa tabi nya, "W-what happened?"

"She saved our son 3 weeks ago. Muntik mabangga si Gian at si Yasin ang kasama nya that time. As a mother, pinrotektahan nya anak nya kaya sya ang nabangga ng sasakyan. Pero hindi ko alam na malala pala ang nangyari kay Yasin kaya naka coma sya ngayon. Ilang beses syang nag flat line, at ngayon ay naka life support machine nalang sya" kwento ni Derron habang nakayuko sya

"I'm sorry pre, hindi ko alam" sagot ko sa kanya

Tumayo sya kaya napatingin ako sa kanya, "Pupunta ako sa hospital, sasama ka ba?"

Tumango naman ako. Saglit na umakyat si Derron upang bilinan siguro si manang na aalis kami pareho

"Lets go"

Kee An's POV

"Kee An!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nandito ako ngayon sa Reyes Hospital at nagulat akong may nakakakilala sa akin dito

"K-kisha?" Gulat kong sabi

Tumatakbong lumapit sa akin si Kisha at agad akong niyakap, "Kelan ka pa nakauwi? I heard grumaduate ka ng Summa Cum Laude. Congrats Architect!"

Natawa naman ako, "Ikaw? Kumusta ka?"

Ngintian nya ako, "Hayun, nag mamanage ako ng isang restaurant. Oh diba, kinain ko rin yung sinabi ko dati na ayoko sa negosyo-negosya na iyan. Tapos ngayon, patambay tambay ako dito sa hospital ni dad"

Tumango ako. Mukhang dalawa ang doctor sa pamilya namin or hindi rin

Inakbayan naman ya ako bigla, "Anong ginagawa mo dito? Napadpad ka bigla ah"

"Pinapapunta ako dito ni mama. Pag daw pumunta ako dito kasi, makikita ko yung isa sa pinakanamiss kong tao, at mukhang ikaw yun" sagot ko kaya humagikhik sya

"Kumain ka na? Tara sa caf ng hospital" aya nya sa akin at dinala nga ako dito sa caf

Naupo kami dito malapit sa mga food stalls at sya ang umorder dahil treat daw nya sa akin iyon

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon