Present Time
"Kee An! Anak! Baba ka, may maganda kaming balita ng papa mo!"
Pagkarinig kong sigaw ni mama mula sa baba, ay dali dali naman akong bumaba. Hindi naman ganyan reaction ni mama pag hindi importante
"Ano po iyon ma?" Tanong ko pagkababa ko
Masaya nyang inabot sa akin ang isang white envelope. Taka ko naman itong kinuha sa kamay ni mama
"Ano po ito?" Tanong ko
"Open it" nakangiting sabi ni mama sa akin
Nilingon ko si kuya Kurt na nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ako habang ngiting ngiti. Out of curiosity ay binuksan ko na ang envelope
"Good day mr and mrs Leonda. This is to inform you that your daughter, Kee An Leonda got accepted in Harshal University"
Loading....
Loading....
Loading....
Wait.......
HARSHAL UNIVERSITY?!
"Ma, pa, kuya, please tell me I'm not dreaming" sabi ko habang nakatingin sa kanilang tatlo
"You're not, Kee An. Congrats!" Sabi ni papa at niyakap ako
Naramdaman ko namang nakisama sa yakapan sila mama at kuya
Ghad! Akala ko hindi ako matatanggap sa University na iyon. All along, inisip ko talaga na kung hindi ako papasa sa Harshal, mag papadala na ako sa San Francisco para dun mag high school
Pero bruh, natanggap ako! Dream school ko talaga ito simula palang. Ito kasi yung parang "Harvard" ng Pinas, kaya maraming gustong dito makapag aral. Medyo may kamahalan lang ang tuition pero hey, sobrang sulit nya
"Tara, mag celebrate tayo. Bumili ka na rin ng mga gamit mo, Kee An" sabi ni mama sa akin at tumango naman ako
Sumakay kami sa family car namin at nag drive si papa papunta sa mall namin. May kalapitan lang naman sya sa bahay, kaya hindi hassle ang pag punta
Pagkarating sa parking ay agad kaming bumaba. Syempre binabati kami ng mga nakakasalubong na trabahador dito sa mall
"Saan nyo gusto pumunta? Restaurant or sa National Bookstore?" Tanong ni papa pagkapasok
"I'm starving dad" rinig kong sabi ni kuya Kurt
"Oh sige, kumain na muna tayo" aya ni papa sa amin
Pumili kami ng restaurant na aming kakainan. Nag away pa kami ni kuya kasi mas gusto nya ang Italian kaysa sa Japanese, eh yun ang gusto ko. Kaya sila mama nalang ang nag decide para hindi kami mag talo ni kuya
Pumasok kami dito sa Mary Grace na restaurant. Oo, sa huli dito pala bagsak namin
"Waiter" sabi ni papa pagkaupo namin
Agad kaming nilapitan at binigay ang menu. Sinabi ko ang gusto kong kainin, ganon din si kuya saka kami nanahimik pareha
Nag iisip ako. Ano kayang magandang bag, sapatos, damit at kung ano-ano pa para sa high school ko?
"After this, sa National tayo para makabili ka, Kee An, ng mga gamit nya for school" sabi ni mama sa akin habang kumakain
Tumango nalang ako bilang sagot. After kumain ay nag bayad na si papa para makaalis na kami. Pag pasok ko ng National, ako lang dahil nag libot na silang lahat dito sa mall, ay kumuha na ako ng cart na pag lalagyan ko ng gamit
Dumeretso ako sa aisle ng mga notebook at nag lagay ng mga limang notebooks. Isang doted, dalawang ruled, at dalawang grid. Pag kakuha ko non ay pumunta ako sa mga ballpen at kinuha ang lahat ng kulay na available sa g-tech. Pagkatapos ay mga oslo, pad paper, index card at kung ano-ano pang school supplies ang nilagay sa cart ko
Nung nasiguro ko ng ok na at wala na akong nalimutan, ay dumeretso na ako sa counter. Habang nakapila ako ay may pumwesto sa likod ko na isang lalaki. May katangkaran ito sa akin, matangos ilong, mapupulang labi, meztiso--
"Mam?"
"Ay, mam" gulat kong sabi
Narinig kong tumawa ang lalaki sa likod ko kaya hindi ko nalang sya pinansin. Nung nabayaran ko na lahat ng pinamili ko, ay lumabas na ako ng National ay pumasok ako sa isang boutique para bumili ng damit
Lakad lang ako ng lakad habang namimili ng mga damit na bibilhin ko, kahit na marami rami naman na ang napili ko
After ko bumili ng mga damit, ay pumunta na ako sa sikat na bag store dito sa mall namin at binili ang bagong labas na product nila
Pagkatpos, ay pumunta ako dun sa shoe store, kung saan kami madalas bumibili ng sapatos, at bumili ng white shoes at black shoes
Nag text ako kayla papa na tapos na ako bumili ng mga kakailanganin ko, at nasa food court lang ako kumakain ulit
Hello, nakakagutom kaya mamili
Luminga linga ako, nag babakasakaling nandito na sila papa pero iba ang nakita ko. Yung lalaking gwapo sa National ang nakita ko. Nakapila sya sa isang Siomai house at mukhang bibili
Crowded na ang mall dahil malapit na mag pasukan. Third week na ng May at first week of June ang simula ng klase sa Harshal
"Hi sis!"
Nagulat ako nung nandito si kuya Kurt sa gilid ko
"Oh, kuya, nandito ka lang ba?" Tanong ko sa kanya
"No, actually kakarating ko lang dito ngayon lang, tapos natanaw kita" sabi nya sa akin at naupo sa tabi ko
Pinagmasdan nya ang mga paper bags na nakaupo sa tabing upun ko
"Andami ah. Wala ng nalimutan?" Tanong nya sa akin
"Wala na kuya. From the school supplies hanggang sa sapatos, tapos na" sagot ko
"Kamusta naman kaya ang credit card mo nyan" biro nya sa akin at napangiwi ako
"Buo pa naman ang debit ko kuya, don't worry" sagot ko sa kanya
"Oh well. Tara na sa parking, sabi ni dad kanina pag nakita daw kita, samahan na kita sa parking" sabi ni kuya
Tumayo na sya kaya ganon din ako, "You sure? Eh paano ang susi?" Tanong ko
"May duplicate ako, and baka nandoon na rin sila" sabi nya at saktong tumunog phone namin ng sabay
"Meet us sa parking, Kee An" basa ko sa message ni mama sa akin
"See? Oh tara na" sabi ni kuya at tinulongan ako mag bitbit ng paper bags ko
Sumulyap ako for the last time sa food court para hanapin yung gwapo sa National, at hindi naman ako nabigo doon. Nakita ko syang nag lalakad papunta sa isang table, at mukhang nakita pa nya ako. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako, pero parang nakita ko syang ngumiti sa akin
--------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/216603483-288-k806071.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Fiksi RemajaKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin