School concert na! At, sobra akong kinakabahan. Bale sa one week nitong school concert, tatlong beses kaming kakanta. Monday, Wednesday at Friday. Bale may tatlong araw din kami para mag liwaliw sa concert na ito. Monday ngayon, as usual, at mamayang 6pm ang oras ng kanta namin
"Kee An!"
Napalingon ako kay Yasin nung niyakap nya ako. Nandito kami sa designated tent namin. Bale nakalaan ito for the bands dahil dito kami mag sstay, or mag bibihis, retouch at kung ano-ano pa
Kahit lumulutang utak ko ay nagawa ko pa rin syang ngitian, "Uy, nandito ka na pala"
Pinagmasdan nya akong mabuti bago syang ngumiti, "Huwag ka ngang kabahan. Look at you, para kang natatae tapos hindi makita ang banyo"
Kahit na alam kong biro iyon, hindi ko maiwasan na mailang. Ganon ba ang reaction ko ngayon? Well, masisisi nyo ba eh sa kinakabahan ako, kahit na 10am palang. Paano pa kaya pag mga 5pm na diba
"Relax lang kasi, Kee An" narinig kong sabi ni Lexter sa gilid ko
Nakpwesto kasi ako dito sa isang upuan na kaharap ng isang salamin. Parang makeup table sya. Si Lexter naman ay nakaupo dito sa isang monoblock chair sa tabi ko. Habang si Yasin, ay nakaupo dito sa mahabang upuan sa gilid, katabi nya si Evron. Si Derron ay nakaupo sa isang monoblock chair paharap sa akin, habang tinotono ang guitara nya
Ang gwapo nya talaga
Kee An, seryoso na
Humarap ako muli sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Hindi kami maaaring lumabas ngayon kahit na mamayang gabi pa naman ang time namin. Hindi namin alam kung bakit, pero sadyang hindi daw talaga puwede
Nag ring ang phone ko at agad ko itong tinignan. Si Kisha pala ang tinatawag kaya sinagot ko na agad
"Hello" bati ko sa kanya habang lumalayo ng bahagya sa banda
[I heard na banda nyo raw tutugtog mamayang 6]
Nangunot noo ko, "Oo, paano mo nalaman?"
Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya
[Duh, nakalimutan mo na ba cous na sa Faxon University ako nag aaral? Malamang binigyan kami ng details para sa mangyayari ngayong araw, diba]
Dahil sa sinabi nyang iyon ay mas lalo akong kinabahan. Tae, kung kanina kinakabahan na nga ako, mas dumoble, o nag triple ang kaba ko ngayon
Bakit ko nga ba nakalimutan na taga Faxon si Kisha? Sabi na eh familiar
Lumunok ako muna bago nag salita, "Cous kinakabahan nga ako eh. Paano kung bigla akong pumiyok? O di kaya ay bigla kong makalimutan ang lyrics?"
Pinakabisa kasi sa amin ang kanta dahil hindi naman kami puwedeng may kodego sa stage
[Tsk! Napakanega mo kahit kelan, cous. Think positive kasi! Magiging maganda ang kalalabasan nyan. Tiwala lang!]
Napahilot ako sa sentido ko, "Hindi mo ako masisisi cous. First time ko sumali sa banda, at agad agad ay kakanta ako sa madla"
Nakarinig ako ng kaunting ingay sa kabilang linya
[Sorry, kakapasok ko lang kasi sa campus nyo. What is it again?]
Bumuntong hininga ako, "Paano kung ma fail ko ang expectations sa akin? Eh baguhan lang naman ako at wala naman akong proper training sa ganito"
[Cous, huwag ka ngang panghinaan ng loob. Kaya mo yan! Fighting! Isa kang Leonda, so kaya yan! Tibayan mo loob mo!]
Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga ulit, "Aish bahala na si batman mamaya"
Narinig ko syang tumawa. Aba, tinatawanan pa ako ng pinsan kong ito ah
[Baka raw humabol si ate Paris mamaya. And when I say ate Paris, for sure kasama nya si kuya Wade, and pag kasama si kuya Wade, may kuya Kurt, and pag kasama si kuya Kurt---]
Inunahan ko na sya, "May ate Aya. Ghad!"
Tumawa naman sya sa kabilang linya
[We got you! Oh sige na, ibababa ko na at mag eenjoy ako dito sa mga booths nyo. See you mamaya sa stage, cous!]
Bumuntong hininga ako ulit, "Fine. Sabihan mo ako pag nandyan sila kuya"
[Hmm-mhm. Itetext nalang kita pag final na pupunta silang lahat. Pero pag si ate Paris lang, kahit huwag na]
Tumango naman ako, "Oh sige. Basta pag kasama si kuya, sabihan mo ko agad"
[Sure thing cous! Bye!]
"Hmm-mhm, bye rin" pagkasabi ko nun ay ako na mismo ang nag end ng call
Bumalik ako sa makeup table at naupo muli. Napatingin naman kaming lahat nung may pumasok sa tent namin. Si dean lang pala
"Iha, iho, kumain muna kayo sa labas" sabi ni dean sa amin
Si Evron ang nag salita, "Akala ko po ba bawal kaming lumabas?"
"You can, pero kung needed lang talaga. Like for example, kakain or mag babanyo" sagot ni dean kay Evron
Tumango naman na kami, "Sige po dean, salamat po. Kakain na po kami mamaya" si Yasin yung nag salita
Tumango sa amin si dean bago sya lumabas ng tent
"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Lexter sa amin
Nag taas ng kamay si Yasin, "Ako nararamdaman ko na. Kayo ba?"
Umalis sa pagkakasandal si Evrob at pinatitigan kaming lahat, "Ganito nalang. May dalawang lalabas para bumili ng pagkain"
Agad akong nag taas ng kamay, "Ako, I'm willing naman"
Tumango si Evron sa akin, "Sino sasama sa kanya?"
"Ako nalang"
"I will accompany her"
Nagkasabay sila Derron at Lexter sa pagsasalita kaya nangunot ang noo ni Evron
"So, sino sa inyo?" Naguguluhang tanong ni Evron
Sumandal si Lexter sa monoblock chair nya, "At the same time tinatamad pala ako lumabas, ang init eh"
Nilingon ni Evrob ai Derron na nakatingin pala sa akin, "So, Derron at Kee An, kayo bumili ng pagkain"
Inilabas ko ang phone ko para matype ko ang mga order nila. Isa isa ko silang kuhanan ng order, habang si Derron ay nangugulekta ng pera. Nung matapos na namin ay sabay kaming lumabas ng tent namin, at doon namin nakita ang mga tao
"Huwag kang mawawala, mahirap na baka hindi kita makita agad at di tayo makabalik sa tent agad" sabi ko kay Derron at hinawakan sa braso
Nilingon nya ang kamay ko na nasa braso nya bago nya ako tinignan
Baka ayaw nya ng hinahawakan ko sya
Aalisin ko na sana ang kamay kong nakahawak sa kanya ng pigilan nya ito at hinawakan ang kamay ko. Halos magwala naman ang puso ko sa ginawa nyang iyon
"There, para hindi talaga mahihiwalay" sabi nya at nag simulang mag lakad nga
At dahil nga hawak nya ang kamay ko, pati ako ay napalakad na rin kahit nasa state of shock pa rin ako
"Totoo ba ito?" Mahinang bulong ko habang nakikisama na sa mga tao dito
------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Teen FictionKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin