Dumating amg araw na pinaka ayoko. Well, hindi sa ayoko pero naboboringan ako pag may ganitong kaganapan. Yes, tama hula nyo. Dumating na ang araw ng busninees party. Ika nila mama, may ganitong kaganapan dahil umuwi si tito Raoul sa Pilipinas
The heck?
Dagdag pa na hindi naman kabusiness partner ang mga Faller. Mabuti na nga lang at nandito si Kisha
"Hi cous!" Bati sa akin ni Kisha pagkaupo nya sa tabi ko
Round table kasi ang mesa na may walong upuan. Ako, si kuya, si Kisha, si ate Paris, si ate Aya, si kuya Wade, si ate Zane at si kuya Kale ang kasama namin sa mesa
Nag simula ang program at puro kineme lang naman pinagsasasabi nilang lahat. Hindi ako nakikinig kasi hindi naman ako pala business. Napansin ko rin si Kisha na panay phone din sya. Sila kuya lang ata nakikinig, kahit minsan si ate Paris nag phophone
"Kee An, makinig ka" rinig kong sabi ni kuya
Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang paglingon nila sa amin
"Ayoko makinig, nakakaboring kaya" mahinang sabi ko
Nakita ko ang pag iling ni kuya pati na rin ang iba
"You need to listen or perhaps huwag puro phone" mariin na sabi ni kuya
Tinignan ko si Kisha na tahimik na nagkakalikot sa phone nya, "Bakit si Kisha?"
"Kisha, put down your phone" saway ni ate Paris sa kapatid
Agad na napatingin si Kisha kay ate Paris, "Pero ate"
Nanlaki mata ni ate Paris, "No buts. Ibaba mo yan"
Tinignan ako ni Kisha, "Tsk, nandamay pa"
Nginisian ko naman sya, "Bawal ako, bawal ka rin para fair"
Ngumuso kami pareha at walang nagawa kundi humarap sa stage kung saan nag sasalita si tito Raoul. Alam naman kasi namin na hindi ok sila ate Paris at si tito kaya medyo nag taka ako na nandito siya ngayon
Well, walang magagawa eh
Dumating ang dinner time at hindi buffet. Agad na binigyan kami ng mga waiter ng mga pagkain sa mesa namin. Sinimulan ko ang pagkain at nagpatugtog ng slow music sa background
"Ang pangit ng lasa ng manok" rinig kong kumento ni Kisha sa gilid ko
Agad ko naman syang siniko dahil biglang may lumapit sa amin upang salinan ng juice ang baso namin
"Kumain ka na nga lang dyan, dami mo pang kumento eh" bulong ko sa kanya
Hindi na sya umimik pa kahit na hindi na nya ulit ginalaw ang manok. Parang ginutay gutay nya ang manok para mag mukhang kinain nya
After kong kumain ay nag paalam ako para mag punta sa banyo
"Victor! Hindi mo anak si Kee An!" Rinig kong sigaw nung nag lalakad ako sa pasilyo papuntang banyo
Huh? Hindi naman talaga ah
"Tinuri ko na syang anak, Arthur! Don't you dare take her away from us!" Rinig kong sigaw pabalik
Sila papa at ninong nag tatalo?
"Alam ko na ang lahat Victor!" Rinig kong sabi ni ninong
Nag tago ako sa pasilyo at pinakinggan mabuti sila
"Huwag mo akong pangunahan Arthur! I know what to do!" Sagot naman ni papa
Habang nakikinig sa kanila ay unti unti akong napapakunot ng noo. Hindi naman ako anak talaga ni papa dahil ampon ako. Baka kilala nila pareho ang tunay kong magulang, at sinasabi ni ninong na ibalik ako pero ayaw ni papa
Tama, tama
Aalis na sana ako dahil hindi ko gustong manghimasok sa usapan nila nung makarinig ako ng mga katagang nagpalito sa akin
"Victor! Kee An is my daughter!" Sigaw ni ninong kay papa
Napalingon ako sa kanilang dalawa, "Papa? Ninong?"
Nung marinig nila akong mag salita ay para silang nabubusan ng malamig na tubig at alanganin akong tinignan. Si papa ang lumapit sa akin. Hahawakan nya sana ako pero umatras ako
"K-kanina ka pa dyan, anak?" Kabang tanong ni papa sa akin
Nakaramdam ako ng pagkainit sa gilid ng mga mata ko at biglang lumandas ang
likido na galing sa mata ko pababa sa pisngi ko"T-totoo po b-ba iyon?" Kahit hirap na ako ay nagawa kong banggitin iyon
Nakita kong lumapit si ninong sa akin, "Nagpa DNA test si Victor--"
"Pa...." putol ko sa sinasabi ni ninong at tinignan si papa na nakayuko lang
Naramdaman ko ang pagdating ni mama at agad akong dinaluhan, pero iniwasan ko sya. Tinignan ko silang tatlo
"Ano po ba ang totoo?!" Umiiyak kong sabi at napasandal sa pader dahil naramdaman kong nanghihina tuhod ko
Napayuko si papa ganon din si ninong, habang si mama ay umiwas sa akin ng tingin
So, alam din nya?
"Ma, pa, ano po ba ang totoo?" halos garalgal na boses ko dahil sa iyak
Hinawakan ako sa kamay ni mama, "Anak............
...............isa kang Villaloso"
Sa sobrang iyak ko ay napadausdos ako sa pader at tinignan silang tatlo na pinapanood lang ako
"B-bakit hindi nyo sinabi?! B-bakit nyo inilihim sa akin?!" Tanong ko sa kanilamg tatlo
"Anak, recently lang namin nalaman dahil nagpa DNA test si Arthur gamit ang buhok ninyong dalawa" sagot sa akin ni mama at lumuhod sa harap ko rin para mag pantay ang mukha namin
"Ma. Alam kong hindi ako Leonda pero--"
"You're a Leonda, Kee An. You will always be a Leonda" putol sa akin ni mama habang umiiyak na rin
Umiling ako ng ilang beses at itinakip ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko ma prosess
Kapatid ko si ate Aya?
"S-sino po nanay ko?" Umiiyak kong sabi kahit nakataklob ang mukha ko
"I'm your mom, Kee An. Ako lang" sagot ni mama sa akin
Nilingon ko sya ganon din si ninong Arthur na pinagmamasdan din pala ako
"A-anak ako sa labas?" Impit na sabi ko
"No, no, no, don't say those words please" agad na sagot ni mama at niyakap ako
Mula sa pagkakayakap sa akin ni mama ay iniangat ko ang tingin ko kay papa na ngayon ay tahimik na umiiyak din. Tinignan ko si ninong na nakayuko na ngayon
"Pero bakit.....bakit ang alam ko ay sa ampunan ako galing?" Tanong ko pang muli
Kinalas ni mama ang pagkakayakap nya sa akin, "Nakuha ka namin sa ampunan dahil doon ka lumaki. I didn't know na yung anak na pinalaki ko ay anak ko talaga"
Napasandal ako sa pader na nasa likod ko habang hindi matigil ang pag iyak ko
"Ma, I'm tired" pagkasabi ko nun ay puro itim na ang nakita ko
Someone's POV
"Sir, tapos na po"
"Well then. Number one, check"
Marami pa ang susunod sa kanya
-----------------------------------------Who saw this coming?
Kung meron, edi ang galing nyo naman manghula
Kung wala, ok lang yan.....
BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Ficção AdolescenteKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin