Chapter 26

41 2 0
                                    

"Derron Faller right?" si papa ang nag tanong

Yep, pagkaapak namin mismo ni Derron sa loob mismo ng bahay, pinaupo kami ni papa at tinanong na

"Yes po, mr Leonda" magalang na sagot ni Derron kay papa

Narinig kong tumikhim si kuya at umalis sa pagkakasandal sa hamba ng hagdan, "Alam mo bang hindi namin pinapayagan na magkaroon ng boyfriend si Kee An,
lalo na at nag aaral palang kayo"

Napalunok ako sa sinabi ni kuya. I know that rule, at sumaway ako doon

"You must be the son of Robert Faller" si mama ang nag sabi nyan

Agad na tumango si Derron, "Yes po. I'm the son of Robert Faller and nakababatang kapatid po ni Tanya Faller"

Sa pag banggit ng pangalang "Tanya", agad akong napatingin kay kuya na umasim bigla ang mukha. Mukhang lahat ata kami ganon dahil nakatingin kami kay kuya na ngayon ay nakabusangot na

"Yeah right. History repeats itself huh" si kuya ang nag sabi nun habang tinititigan nya si Derron

"And you must be the ex of my sister, Tanya" sagot ni Derron kay kuya

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago basagin ni papa ang nabubuong tension sa dalawa

"Oh well, lets see kung saan kakayanin nyo both" sabi ni papa at umalis para pumunta sa kusina, na sinundan ni kuya

Naiwan si mama sa amin at agad nya akong hinarap, "Kee An, Derron hindi sa pinangungunahan ko kayo ah, pero masyado pa kayong bata and nag aaral pa kayo"

Hinawakan ko kamay ni mama, "Ma, promise hindi magiging sagabal sa pag aaral ko. Gusto mo ma, grumaduate akong honor eh"

Agad na umiling sa akin si mama, "That's not what I mean sweetie. Ang sa akin lang, know your priorities muna. Ang realtionship, makakapag hintay iyan sa tamang panahon, and Kee An, you're just 15 years old"

Bumuntong hininga ako, "Ma, please just this once lang po, payagan nyo ako"

Nilingon ni mama si Derron at binalik ang tingin nya sa akin, pero bumalik ulit tingin nya kay Derron

"Hijo, if ever saktan mo itong anak ko, I don't know what I'm going to do with you" iyan ang huling sinabi ni mama bago sya umalis at sundan sila papa na ansa kusina

Napasandal ako sa sofa, at napahilamos ako sa mukha ko. Ramdam ko ang paninitig ni Derron sa akin

"Now what?" Sabi ko

Bumuntong hininga si Derron saka ako hinawakan sa kamay, "No matter what happen, I will stay Kee An"

Tumango naman ako. Naputol lang ang paninitig nya sa akin nung makita kong unakyat si kuya sa taas, at padabog na sinara pinto nya

"Kee An, Derron, lets eat muna" si mama ang nag aya sa amin habang nakasilip sa hamba ng pinto ng kitchen

Tumayo ako at inaya si Derron, "Tara na"

Tumayo na rin sya at sabay kaming nag lakad papunta sa kitchen. Nandoon si papa at kinakausap sya ni mama. Naputol lang iyon nung pumasok kami pareho

"Maupo kayo, kumain muna kayo ng meryenda" sabi ni mama at minwestra ang dalawang tinapay at juice na nasa tray

Inabot ko kay Derron ang isang tinapay at juice at bumaling ulit ako kay mama, "Sa dining nalang po kami munang dalawa"

Tumango si mama sa akin habang si papa naman ay hindi ako inimik. Tahimik kaming pumunta sa dining area at doon kinain ang meryenda namin

"After this baka umuwi na ako, hinahanap na kasi ako nila mom sa bahay" sabi ni Derron sa akin pagkaupo nya

Kumagat ako sa sandwich at saka tumango, "Pahatid nalang kita--"

"No need Kee An, mag papasundo nalang ako" putol nga sa akin

Katahimikan ang nanaig sa amin pareha hanggang sa pumasok sa dining area si papa. Tinignan ko sya habang nag lalakad at tumigil sa gitna ng mesa

Tumikhim muna sya, "I'm not going to say na suportado ako fully, pero ito lang tandaan nyo pareha. Kapag napapansin kong nagiging hadlang ang mayroon sa inyong dalawa sa pag aaral nyo, mas mabuti ng mag hiwalay kayo. As of now, pag iisipan ko muna kung welcome ka hijo oh hindi"

Pagkasabi ni papa nun ay umalis sya at sinundan naman sya ni papa. Pagkatapos namin kumain ay saktong dumating ang driver nila Derron. Hinatid ko muna sya sa gate bago ako umakyat sa kwarto ko

Saglit akong nag palit ng damit bago ako sumalampak sa kama. Gosh! Bukas may concert na naman kami, kailangan kong mag practice pero nababahala ako kayla papa

Hindi ko alam kung gaano ako katagal humiga doon pero bigla kong naisipang bumangon. Nag lakad ako sa hallway para hanapin kung nasaan ba silang lahat. Wala kasi sila sa baba, dahil obviously nag siakyatan sila kanina. Napatigil ako sa paglalakad nung makarinig ako ng iyak ng bata

Bata? Kelan pa kami nagkaroon ng bata dito?

Sinundan ko ang tunog at nag end up iyon sa kwarto nila mama. Mabuti na nga lang at hindi iyon nakasara totally kaya nasilip ko ang loob. Nakita kong may karga si mama na bata at pinapatahan ito sa pag iyak, habang si papa naman ay kumkuha ng gatas para may maitimpla sa bata

Don't tell me nagkaroon kami ng kapatid ng hindi ko alam

"Jessica, ito na yung gatas" si papa ang nag sabi nun at inabot kay mama ang bote ng gatas

Kinuha ni mama iyon at agad na pinainom sa baby ang gatas na nasa bote. Hinele hele ni mama yun hanggang sa makatulog yung bata at inilapag nya ulit sa crib yung baby

Pinagmasdan nila papa yung baby na ngayon ay nasa crib na

"Kamukha mo sya, Jessica" si papa ang nag sabi non

Umiling si papa, "Hati ang features nya sa amin"

Bigla akong bumahing kaya napatingin silang dalawa sa akin

"Anak, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah, dapat natutulog ka na"






















"Kee An, gising na. Mag uusap tayo"

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ko sa kama. Nakatulog na naman ako? At nanaginip na naman ako

Nilingon ko si kuya na nakaupo dito sa paanan ko, "Bakit kuya, ano pag uusapan natin?"

Nakita ko ang pag buntong hininga nya, "Hindi ko kayo susuportahan ni Derron"

Bigla akong nalungkot sa sinabi nya

"Pero kapag may napatunayan na sya sa amin, saka ko sya susuportahan" dugtong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya

Bigla ko naman syang niyakap ng mahigpit, "Salamat kuya"

Naramdaman ko ang pag hagod nya sa likod ko, "Basta ikaw, hindi kita matiis eh"

--------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon