"Anong ginagawa mo dito?"
Nagkibit balikat sya, "Parang mas maganda if sabay tayo mag practice para alam natin ang flow"
Oo, tama hula nyo. Derron Faller is in the house!
Hinatak ko na sya papasok ng bahay, "Teka, tawagan ko lang sila mama"
Tinanguan naman nya ako kaya tumalikod ako at dumeretso sa telephone namin dito sa sala. Mag didial palang sana ako pero pinigilan na ako ni manang
"Nako mam Kee An, alam na po nila mam Jessica na nandito po si sir Derron" sabi ni manang sa akin
Nangunot noo ko at ibinaba ang telephone, "Po? Eh paano naman nangyari iyon?"
"Kanina pa po kasi si sir Derron sa labas ng gate. Hindi ko po sya pinapasok agad dahil tinawagan ko pa po sila mam. Eh balak ko nga po kayong tawagin, kaso sabi naman ni mam Jessica, eh huwag na lang po" sagot ni manang sa akin
Nilingon ko si Derron na nakatayo sa may pinto at pinagmamasdan ang buong bahay. Binalik ko ang tingin ko kay manang na ngayon ay nakatingin pa rin pala sa akin
Bumuntong hininga ako, "Oh sige po" Nilingon ko muli si Derron, "Kumain ka na ba?"
Napalingon naman sya sa akin, "Not yet"
Binalik ko ang tingin ko kay manang, "Pakigawa na lang po kami ng meryenda. Anong oras na rin po"
Agad na tumango si manang sa akin, "Sige po"
Umalis na sin manang kaya tinawag ko na si Derron para makaupo habang nag hihintay
"Sorry. Teka, nag chat ka ba sa akin na pupunta ka?" Tanong ko sa kanya
Tumikhim naman sya, "No"
Tumango tango naman ako
"Mam Kee An, handa na po ang pagkain" biglang sabi ni manang sa akin
Tumayo ako at nilingon si Derron, "Tara?"
Hindi sya nag salita pero tumayo sya at sabay kaming nag lakad nga papunta sa dining area namin. May simpleng pagkain na nakahanda dito na makakain namin
"Mamaya after nito, akyat na tayo. Hanggang anong oras ka ba?" Tanong ko sa kanya at naupo na
Naupo na rin sya, "Anytime. Wala naman akong ginagawa sa bahay"
Nanahimik nalang ako at sinimulan ang pagkain. Ganon din ang ginawa ni Derron. Pagkatapos ay umakyat na kami sa studio ko
"Bale kanina kasi nag record na ako. Ikaw naman ngayon" suggsetion ko habang itinutulak ang pinto
Tinulungan naman nya ako sa pag bukas, "Ok then. Tapos lets try na sabay tayo. You know what I mean?"
Tumango ako, "Yeah" Itinuro ko ang recording room ko dito sa studio ko, "Pasok ka na doon. Alam mo naman siguro mag set up?"
Tumango naman sya sa akin bago sya nag lakad doon. Ako naman ay pumwesto na dito sa mga manuals para maiplay ko ang kanta nya. Nakita kong sinuot na nya ang headphones. Pagkatapos ng ilang segundo ay nag taas sya ng kamay at nag ok sign
"Ok. Play ko na yung Lay Me Down ah" sabi ko dito sa microphone para marinig nya ako sa recording room
Pinatugtog ko na ang Lay Me Down at agad naman ng kumanta si Derron
~ Yes I do, I believe
That one day I will be, where I was
Right there, right next to you
And it's hard, the days just seem so dark
The moon, and the stars, are nothing without youWala akong masabi. Napakalinis, napalamig, napakaganda ng boses nya. Unang bigkas pa lamang nya ay nakakaya na nyang makakuha ng attention sa mga manonood. Parang anghel ang kumakanta
~ I'm reaching out to you
Can you hear my call
This hurt that I've been through
I'm missing you, missing you like crazyHabang nandito ako sa labas ng recording studio, hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya. Napakasoulfull ng boses nya. No wonder kung bakit andaming nagkakandarapa, at himahanga sa kanya
~ Can I lay by your side, next to you, to you
And make sure you're alright
I'll take care of you,
And I don't want to be here if I can't be with you tonightChorus part na at medyo mataas, pero bakit ganon? Yung boses nya nakakalunod pa rin?
Buong kanta nya ay nakatunganga lang ako sa kanya. Sa sobrang tulala nga ay kinailangan nya pa akong tawagin sa microphone na nakadugtong doon para marinig nya ako
"Next song na tayo, para naman makapag practice tayo ng sabay" sabi nya sa microphone
Agad akong tumango, "S-sure!"
Agad ko namang pinatugtog ang Pagtingin
~ Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag nalang muna
Hintayin nalang ang hangin
Tangayin ang salitaOh shit! Ibang genre na ito pero nakakalunod pa rin!
Derron mag tigil ka at baka mahulog ako ng tuluyan sayo! Mahirap na baka hindi mo ako masalo
Bigla naman nanikip dibdib ko sa sinabi ng isip ko. No! Mali, mali, mali, mali!
~ Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtinginHabang kinakanta nya yung chorus ay nakatitig sya sa akin. Hindi ko alam pero ramdam ko na umagat ang lahat ng dugo ko sa pisngi
Kinikilig ba ako? Tsk! Paasa naman yan eh
~ Bakit laging ganito?
Kailangan magka-ilangan
Ako ay nalilito
Hmm... hmm...Wala na. Isa lang masasabi ko ngayon sa inyo
NAHULOG NA PO ANG ISANG KEE AN LEONDA KAY DERRON FALLER
TAMA BA ITO O MALI?
"Hey"
Napabalik lamang ako sa realidad nung marinig kong mag salita ulit si Derron mula sa microphone sa loob
Agad ko syang tinignan, "B-bakit?"
Ayan sige, nautal ka tuloy Kee An
"I said, pasok ka na dito para makapag simula na tayo mag practice" sabi nya sa akin
Nabalisa naman ako pero agad akong tumango, "S-sige. Saglit"
Agad akong nag tungo dito sa recording studio. Binigyan naman nya ako ng space para hati kami both. Mabuti nalang at dalawang microphone ang nandito sa recording studio. Extra ang isa
"Yun nga lang, walang mag pplay sa manuals" sabi ko sa kanya
Sandali syang nanahimik, "Kaya mo ba ng acapella?"
Sa sinabi nyang yun ay nanyuo lalamunan ko, "S-slight?"
Nag kibit balikat sya, "We have no choice kundi mag acapella, Kee An"
Tumango ako sa kanya. Since ako ang mauunang kumanta, inihanda ko na ang phone ko sa lyrics. Habang si Derron ay naupo muna dito sa sofa
Tumikhim muna ako bago ako nag simulang kumata
Derron's POV
Mhmm, she has a beautiful voice. Plus, she is very kind, beautiful, at napakafriendly sa lahat. No wonder mahal sya ng lahat sa kanyang old school or should I say old house. Paano ko nalaman iyon? Easy, because of my sister
---------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/216603483-288-k806071.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Enough To Love You
Fiksi RemajaKee An Leonda Side story ng Ang Larong Sinimulan Natin