Chapter 27

38 1 0
                                    

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang one week school concert. Maayos naman ang naging flow ng aming banda nung last two concerts namin. Pero may napansin lang ako na everytime na wala kaming concert, wala ang Torres cousins

Bakit kaya?

Ngayon is just an oridinary day. Papasok na naman ako sa aking klase, pero may kakaiba dahil kasama ko si Derron ngayon. Nasa second class na kami ngayon at luckily magkaklase kaming dalawa

"Mamayang snacks time sunduin kita sa klase mo. What's your class after this?" Tanong sa akon ni Derron nung makapasok kami sa Math class namin

Nangalumbaba naman ako, "Chemistry. Ikaw ba?"

Ngumuso sya at tumango, "History"

Agad akong napaayos ng upo, "Huwag mo na akong sunduin, ang layo ng History building dito sa main. Sa caf na tayo mismo mag kita"

Tinitigan naman nya ako ng mabuti, "I insist Kee An"

Tinaasan ko naman sya ng kilay, "Huwag na nga sabi, kaya ko naman eh. Doon na mismo sa caf tayo magkita"

Sandali syang nanahimik at pinagmasdan nya ako ng mabuti. Parang sinisigurado pa nya kung nagbibiro ba ako o seryoso ako

Bumuntong hininga naman sya, "Fine. Abangan mo ako sa entrance ng caf"

Hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na ang prof namin. Gaya ng dati, puro notes, recite at pakikinig lang ang ginawa ko. Si Derron on the other hand, may sariling mundo at halatang hindi naman nakikinig. Nakakapagtaka nga lang dahil lagi syang perfect sa quizzes kahit na hindi sya nag pepay attention during class

Nung natapos ang klase namin ay agad kong inayos ang gamit ko

"Hatid na kita sa chem lab" sabi nya sa akin pero hindi ako pumayag

"Derron, ang chem lab ay nandito rin sa same floor. Ang mabuti pa, bumaba ka na at pumunta na sa History building para hindi ka malate" sabi ko sa kanya at agad syang napabuntong hininga

"Fine. See you later Kee An. I love you" paalam nya bago ako hinalikan sa noo

Yung ibang nakakita non ay nagsipagtilian. May iba pa ngang hinampas ang braso ng katabi nila eh. Pwera sa isa

"Tsk. Anong nakakakilig doon? I can't wait to see Kee An crying because of Derron" si Dhenmlhy ang nag sabi non

Umiling nalang ako at lumabas ng classroom. I just don't get it. Bakit ang ibang tao nakikielam sa buhay ng may buhay. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang sila?

"Ate Kee An!"

Naputol ako sa pag iisip nung nakita ko si Chelsy di kalayuan

Tinaas ko naman ang kamay ko at kumaway, "Hi Chelsy!"

Tumakbo naman sya palapit sa akin, "Next class mo ate?"

"Chemistry. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya

"Sad to say pero math" malungkot nyang sabi at ngumuso pa

Natawa naman ako ng bahagya, "Huwag ka ngang malungkot. Hayaan mo, lilipas din yang pagkadismaya mo tuwing Math class"

Lumiwanag naman ang mukha nya, "Sana nga ate. Oh sige ate, dito na ako. Bye"

"Bye Chelsy" paalam ko sa kanya bago sya pumasok ng math room at ako naman ay nag lakad papuntang Chem

"Hi Kee An" nagulat ako nung batiin ako ni Lexter sa gitna ng daan ko

"Oh, chem din ba ang subject mo?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya

"Oh tara, sabay na tayo" aya ko sa kanya

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon