Chapter 25

50 1 0
                                    

Nalaman nalang namin ni Derron nung hapon na, na hindi pala pumasok sila Evron at Yasin ngayong araw. Nakatanggap kasi kami ng mensahe galing sa kanila nung hapon na rin. Wala naman silang sinabing rason, pero bukas daw ay makakaasa silang nandito sila

Magkasama lang kaming dalawa ni Derron the whole day habang umiikot sa mga booths. May mga times na may nag papapicture sa amin pareha at sinasabing bagay daw kami, kaya ito namang si Derron inaamin na mag girlfriend-boyfriend kami. Sa paglalakad din namin non ay mga ilang beses din namin nakasalubong si Lexter

Gaya nalang ngayon

"Derron! Kee An!" Tawag nya sa aming dalawa

Tumatakbo syang lumapit sa amin

"What is it?" Supladong tanong ni Derron

Imbes na sumagot ay inilabas ni Lexter ang phone nya at ipinakita sa amin iyon. Wala naman akong ibang nabasa kundi....

Derron Faller and Kee An Leonda are now in a relationship!

PS: Si Derron mismo nag sabi

1.9k reacts   2.6k comments  600 shares

Agad kong binuksan ang comments section

Hazel: My god! So si Kee An pala tinutukoy last night?

Mitzi: I knew there is something between them

Isha: I can't believe it!

Kassy: Woahhhhh. This can't be real!

Trisha: So totoo yung kumakalat na tsismis

Trizza: Guitaris and vocalist! What a good combination!

Dhenmlhy: For sure Kee An is just his toy. Ni hindi naman marunong mag seryoso si Derron. Kawawa naman. She is a Leonda at mag papaloko lang sya?

Magaganda yung una unang comments eh, kaso yung si Dhenmlhy......tsk!

"Hey, you ok?" Tanong sa akin ni Derron at inakbayan ako habang pinagmamasdan reaction ko

Hinarap ko sya, "Is it true? Pinaglalaruan mo lang ba ako?"

Sa sinabi kong iyon ay napakunot noo nya. I should know by now na hindi naman nya ako seseryososhin para hindi na mag tagal

"W-what are you talking about? Don't tell me naniniwala ka dyan sa sinabi ni Dhenmlhy?" Iritang sagot nya sa akin

Tumikhim si Lexter na nandito pa rin pala sa harap namin, "I know Derron from the start. Nandoon ako nung panahong tinatrato nya ang babae na parang laruan, but believe it or not, nag bago sya simula nung dumating ka dito"

Tinignan ko si Lexter at binalik ang tingin ko kay Derron. Bumuntong hininga sya at masuypng hinawakan kamay ko

"Please, maniwala ka sa akin. I know that I'm such a playboy way back then, ni wala sa vocabulary ko ang pagseseryoso eh. Not until I met you, Kee An" malambing na sabi ni Derron sa akin habang tinitignan ako ng diretso sa mata

Narinig ko ang pag tikhim ni Lexter sa harapan namin, "I should go now. Sinabihan ko lang kayo tungkol dito, and please huwag masyadong PDA, respeto sa mga single sa tabi-tabi"

Nakita ko ang pag silay ng ngiti sa labi ni Derron sa sinabi ni Lexter, "Get lost you fvcker. Ang sabihin mo naiingit ka lang"

Nag taas ng dalawang kamay si Lexter na parang nahuli ng mga pulis, "Fine fine, naiingit ako. Makaalis na nga"

Hindi ko naman maiwasan na matawa habang pinagmamasdan ko syang umalis. Natigil lang ako nung makita kong nakatingin pala sa akin si Derron

Nag taas ako ng kilay, "What are you looking at?"

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon