Chapter 10

60 2 0
                                    

Gaya nga ng usapan namin nila Yasin, dumating sila dito sa bahay ng mga 12:45 pa. Sila ni Evron ang nauna dahil sabay nga sila hinahatid

"Ah kuya, si Yasin at Evron pala. Guys, kuya Kurt ko nga pala. Tapos yung katabi nya, girlfriend nya si ate Aya. Tapos mga pinsan ko si ate Paris and Kisha, and then si kuya Wade, boyfriend ni ate Paris" pakilala ko sa kanila nung nandito kami sa sala

Dito muna kasi kami nila Yasin habang iniintay namin ang iba, para mamaya sabay sabay kaming aakyat sa third floor. Inabutan naman na sila ngayon ng juice na ginawa ng maid

"Ang yaman nyo talaga, Kee An" narinig kong bulong ni Yasin sa akin, na mukhang narinig ni Evron sa tabi nya

"Malamang Yasin, Leonda si Kee An eh" sagot ni Evron sa kanya

Nakita kong napairap sa hangin si Yasin habang nakatingin kay Evron. Ako naman ay natawa nalang sa kanila. Nasa entertainment room na ngayon sila kuya at nanonood sila ng movie. Sayang nga dahil nandito ang banda eh

Nung may mag doorbell ay agad na binuksan ng maids ang pinto at sabay na pumasok sila Derron at Lexter. Agad namang namangha si Lexter sa bahay namin, habang si Derron ay dirediretso lang pumasok

"Tara sa third floor" aya ko agad sa dalawa

Tumayo ako agad at inaya na sila sa third floor namin. Yung third floor kasi, dalawa lang ang rooms doon. Studio room, para sa akin, at yung office nila papa

Pagkadating namin sa studio room, agad na pumwesto sila sa mga instruments na nakalaan for them. Kumpleto naman dito ang mga instruments, may recording pa nga eh

"Ang yaman nyo naman Kee An" puri ni Lexter sa akin

Si Derron ay kanina pa walang sinasabi at pumwesto sya sa guitara. Tinignan nya kung nakatono ito at kinuha nga nya ang guitara

Since jamming lang naman ang gagawin ngayon, naupo kami sa mga stools dito at paikot ang puwesto namin

"Anong gusto nyong kanta?" Tanong ni Lexter habang nag bebeat sa beat box. Ayaw nya kasi gamitin yung drums ko kasi mamahalin daw. Mahirap na baka masira pa nga

Nilingon nila ako, "Kayo, ano ba alam nyo?"

"Ben&Ben songs. Alam nyo yun?" Tanong naman ni Yasin

Agad naman akong may naisip na kanta. Balak ko na kasi dati pa na mag record, pero sadyang tinatamad ako eh

Sana lang pumayag sila

"Pwede naman, kaso anong kanta nila?" Tanong ni Evron habang tinitipa ang mini keyboard na nasa kanya

"Leaves. Kung ok lang sa inyo" sagot ko at agad silang sumang ayon

"Kahit hanggang chorus lang" sabi ni Derron

Since si Derron ang nag guguitara, pinangunahan nya ang tono. Si Yasin, taga panood lang. Moral support!

~I can think of all the times

You told me not to touch the light

I never thought that you would be the one

Syempre pinangunahan ko yan. Although ako lang raw ang pakakantahin nila

Si Yasin ay pinagmamasdan ang ako habang kumakanta, ganon din ang boys. Si Lexter ay ngumiti sa akin at pinagpatuloy ang pag beat sa beatbox

~And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can decide

~Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until, you learn to forgive

Hanggang dun lang nila ako pinkanta since yun ang sabi kanina. Binaba nila Derron at Evron yung kanilang instruments, at nag slow clap naman si Yasin at Lexter

"I told you pare, tama ang decision mo na tanggapin si Kee An sa banda" sabi ni Lexter at sinuntok nya si Derron sa balikat

Nag kibit balikat na lamang sya bilang sagot, "Well, welcome sa banda, officially"

Nagpalakpakan naman sila sa akin kaya tumawa ako sa kanila

Biglag may kumatok sa pintuan ng sudio room kaya naman tumayo ako at binuksan iyon

"Gusto nyo kumain?" Tanong ni kuya Kurt sa amin

Nagsitanguan naman silang lahat, kaya bumaba na rin kami. Sakto namang pagbaba namin sa second floor, kalalabas lang ni Kisha sa entertainment room. Agad ko syang inakbayan kaya nagulat naman sya ng slight

Agad nyang nilingon sila Derron na nasa likuran ko ngayon, "Oh, hello"

Niingon ko sila Derron at Lexter, "Si Kisha pala, pinsan ko"

Si Lexter ang pumansin sa kanya, "Hi Kisha, nice to meet you"

Ngumiti naman si Kisha, "Likewise" Nilingon naman nya ako bigla, "Una na ako bumaba ah"

Pagkasabi nya non ay bumaba na sya at iniwan niya kami dito

"She's pretty" rinig kong sabi ni Evron kaya agad ko syang nilingon

"Sus, ang pamangkin ko oh, Kisha Demopolous pala ah" asar ni Yasin sa kanya

Umiing iling si Evron at nauna ng bumaba

Bahay nya kasi eh

"Tara na nga, sundan na natin iyon, baka saan mapadpad pa yun eh. Sa laki ba naman ng bahay nila Kee An" sabi ni Lexter at inakbayan ako

Well, hindi naman na ako umangal pa dahil bukod kay Yasin, masasabi kong isa sya sa mga kaclose ko agad sa banda

Pag baba namin ay naabutan namin si Evron sa dulo ng staircase, nakatayo at nag iintay ata sa amin

"Tara na sa dining" aya ko sa kanya at pnangunahan na

Pagdating namin sa dining area, wala doon yung mga pinsan ko at yung kapatid ko. Agad kong nilingon sila manang na ngayon ay  nag aayos ng mesa para malagay na yung pagkain na kakainin namin

"Ah manang, nasan sila kuya?" Tanong ko sa kanya

"Ay mam, sa swimming pool area nalang daw po sila para hindi makaistorbo sa inyo" agad nyang sagot

"Ah, ganon po ba? Sige, salamat po" pakasabi ko nun ay umalis na sya kaya naman naupo na kami

Naupo sa tab ko si Lexter, habang si Yasin ay tumabi kay Derro, at si Evron tumabi kay Yasin

"May swimming pool kayo?" Gulat na tanong ni Yasin habang kumukuha ng pagkain

"Ah oo, nasa likod sya. Mamaya after kumain, gusto nyo mag home tour tayo?" Tanong ko sa kanila at agad namang tumango si Yasin at Lexter

Yung dalawa, kanina pa walang sa mood eh

"Hindi ba kayo natatakot dito?" Tanong ni Evron habang nakaturo sa chandelier sa gitna ng mesa

Umiling ako bago sumubo, "Nakasanayan na namin eh"

Pagkatapos non ay tahimik na kami kumain. Todo excited naman si Yasin dahil makakaikot sy dito sa bahay namin

"Yasin, napaka OA mo" sita ni Evron sa kanya

"Ano ka ba, bahay ito ng mga Leonda oh. Andami kayang gustong makita io, kaya sulitin na natin noh. #gaanokayakayamansiKeeAnLeonda" manghang sabi naman nya

"Tsk, parang walang bahay eh. Yaman yaman mo, ganyan ka umasta eh" sabi ni Evron sa kanya

"Tsk, ikaw kung wala kang sa mood, huwag mo sa akin ibuhos lahat. Lechugas naman oh" sagot naman ni Yasin

Umiling iling nalang ako. Naramdaman kong lumapit sa tainga ko sa Lexter kaya tumigil ako sa pag iling

"Pag pasensyahan mo na, ganyan yang dalawa talaga" bulong nya sa akin at tumango ako

Bigla naman may tumikhim kaya nilingon ko agad kung sino yun. Si Derron pala

"Saan ilalagay ito?" Tanong nya. Tinutukoy nya yung pinagkainan nya

"Dyan lang, yung mga maids kasi mag aayos eh" sagot ko at tumango naman sya sa akin

---------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon