Chapter 8

53 1 0
                                    

Gaya ng sabi ni kuya, umakyat agad ako after ko kumain. Nakasalubong ko pa nga sya sa hallway pababa. Diretso ligo ako pagpasok ko ng kwarto dahil ramdam ko ang lagit ng katawan

Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, nakita kong may nag notif sa phone ko kaya tinignan ko iyon

Third Year Band

Yasin Torres added you to the group

Lexter changed your nickname to vocalist

Tumawa naman ako at nag tipa ng mesahe

Vocalist: Hi guys! Btw, alam na ni kuya na pupunta kayo bukas sa bahay

Pagkasend ko nun ay binitawan ko na ulit ang phone ko para makapag patuyo ng maayos. Nung nasiguro ko mg maayos at tuyong tuyo na sya, tinanggal ko sa saksakan yung blower at binalik sa lalagyan ko. Kinuha ko ang phone ko at dumapa sa kama, since wala namang gagawing homeworks. Binuksan ko ulit yung gc namin at mayroon na akong 100+ unread messages

Ang bibilis mag type a infairness

Binasa ko yun lahat at puro plano yun para bukas. Wala naman akong problema dahil nandito lang naman ako at hindi lalabas. Aakyat lang ng dalawang palapag. Nung mabasa ko lahat ng mensahe nila, lumabas ulit ako para umakyat sa aming gym dito sa bahay

Pagkabukas ko ng pinto ay nandoon si kuya Kurt din, nasa Lat pull-down machine sya at naka white shirt at naka suot pa ng airpods. Bonga noh. Nung napansin nya ako ay tumigil sya saglit at naupo. Pinunasan nya ang pawis nya at tinanggal ang isang piraso ng airpods nya

Sinabit nya ang twalya nya sa balikat nya, "Ano ginagawa mo dito?"

Naglakad ako palapit sa Treadmills habang sinusuot ko ang airpods ko rin. Tinatli ko na rin ang buhok ko bago ako sumakay. Nilingon si kuya na nasa Lat pull-down machine pa rin

"Himala ata at naisipan mo mag exercise. Anong nakain mo?" Tanong sa akin ni kuya habang nag lalakad sya papunta sa Air Bikes

Sumakay sya sa isa doon at tinignan ako, kaya tinignan ko rin sya habang tumatakbo

"Ano?" Tanong ko sa kanya at tumigil sa kakatakbo nung natapos

Inilingan nya ako kaya lumipat ako sa next equipment na Agility Ladders. Yung dalawa lang kasi ang madalas kong ginagamit pag nandito ako sa gym namin. Minsan pag sinisipag, tinatry ko rin mag Air Bikes, pero ngayon kasi tinatamad ako

After a minute ay natapos ako sa Agility Ladders at naupo muna sa sahig. Nakita kong si kuya na kakababa lang sa Air Bikes at ganon din ang ginawa nya, naupo rin sa sahig

Lumapit ako sa kanya habang nag pupunas ng pawis. Nakabukas ang aircon dito sa gym room, pero parang hindi ko naman nararamdaman dahil sa pawis ko

"Araw-araw na ako mag ggym kuya" sabi ko sa kanya at naupo sa tabi nya

Huminga sya ng malalim, "Huwag naman araw-araw, mga two-three times a week lang, ok na" sabi nya sa akin

Walang umimik sa amin pareho hanggang sa nag pasya kaming bumaba na para makapaligo na at makapag bihis sa aming mga kwarto. Kaliligo ko lang, maliligo ulit ako

Nag bihis na ako this time ng pantulog na damit. Actually, shorts at shirt lang naman sya, pero oh well. Hindi ko na pinatuyo pa ang buhok ko. Nilingon ko ang orasan na nasa itaas lang pintuan ko at malapit na mag 6 pala. Malamang luto o niluluto na yung dinner namin

Binuksan ko na ang pinto ko at bumaba na. Tahimik ang buong bahay kaya rinig na rinig ang mga pag tapak na paa ko sa hagdan, lalo na at naka tsinelas ako. Sinilip ko ang kusina at nandoon nga ang lahat ng tao. Abala sila sa pag luluto ng dinner

"Ay mam Kee An, nandito na po pala kayo. Intayin lang po natin, malapit na matapos niluluto namin" yung mayor doma ang unang nakapansin sa akin

Tinanguan ko sila, "Sa pool side nalang po ako kakain, pakidala po ng pagkain ko doon"

Agad na tumango yung mga katulong namin, "Yes mam"

Lumabas ako ng bahay papunta sa pool side namin. Hindi naman madilim dito dauil bukas ang lahat ng ilaw namin dito. Pagkarating ko sa pool side namin, sinawsaw ko ang mga paa ko sa pool at tiningala ang kalangitan na may bituin

Naramdaman kong may naupo sa gilid ko at halatang si kuya yun

"Ano ginagawa mo dito? Malmok ah" puna nya sa akin

Nilingon ko sya, "Eh sa gusto ko dito kuya eh. Ang cool kaya"

Umiling naman sya sa akin habang natatawa. Hindi nag tagal ay dumating ang pagkain ko. Nakalagy sya sa tray para pwedeng lumutang pag nilagay ko sa tubig

"Manang, pakuha ng pagkain ko rin po" agad na sabi ni kuya

Tumango naman si manang at agad na pumasok sa loob ng bahay para kunin ang pagkain ni kuya. Hindi naman nag tagal ay dumating ang pagkain nya. Gaya nung akin, nasa tray din sya para pwedeng lumutang sa pool. After that ay iniwan na kami ni kuya dito sa pool area

Sinimulan ko ang pagkain ng dinner ko at ganon din si kuya

"Nga pala, may tanong ako kuya sayo" kapagkuwan ay sabi ko para naman hindi kami balutin ng katahimikan

Sumimsim muna sya sa juice nya at nilingon ako, "Ano yun?"

"Pansin ko lang, bakit hindi nyo ako tinuring na iba?" Tanong ko sa kanya

Nangunot ang noo nya, "Iba? Paanong iba?"

Tumikhim ako, "Like, kahit ampon ako diba, tinuring nyo akong parang kadugo. Just like you, ni hindi ko naramadamn na hindi kita kapatid eh. You always make me feel na totoong kapatid kita"

Sumeryoso ang mukha nya, "Just because you're not my sister by blood, hindi ibig sabihin na hindi kita kapatid. Yes, hindi tayo related sa isat isa, but hindi naman doon nasusukat ang lahat eh"

"Saka, our family is open sa mga adoption. Tignan mo sila tita Brian, may ampon din sila na si Kisha. You see, we don't care kung hindi ka namin kadugo or what so ever, ang importante sa puso natin, kapatid at kapamilya ka namin" dagdag pa nya

Halos maluha ako sa sinabi nya kaya niyakap ko sya ng napakahigpit. Hindi ko ineexpect na ang isang Kurt Leonda ay mag sasabi ng ganito ka seryoso sa akin

No doubt kaya minahal sya ng todo ni ate Aya eh

---------------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon