Chapter 7

67 1 1
                                    

Kinahapunan non ay dumeretso na ako ulit sa pinaka gate ng University. Nag text sa akin si kuya na he's on his way na papunta dito. I told him na huwag na akong sunduin, but he insisted. Kaya heto ako sa waiting shed ng University, iniintay dumating ang kotse

Kanina pa nakaalis sila Yasin at Evron. Sabay pala sila sinusundo dahil mag kalapit lang bahay nila. Si Derron naman ay hindi namin mahagilap after nung last class namin

Nagulat ako nung may naupo sa tabi ko, "Alone?"

Nilingon ko ito at si Lexter pala, "I guess so? Wala naman akong kasama ngayon eh"

Tumawa naman sya ng bahagya, "Sino iniintay mo?"

"Yung kuya ko, sabi nya papunta na sya dito. Ikaw?" Tanong ko sa kanya

Bigla namang humangin ng malakas kaya nilagay ko ang mga takas kong buhok sa likuran ng tainga ko

"I'm just waiting for my driver" sagot naman nya

Tumango nalang ako at nanahimik nalang ulit. Up until now, hindi ako makapaniwala na naging kaibigan ko yung mga banda ng year namin. Plus the fact na sinali nila ako bilang vocalist nila

Like, hello? Transferee lang po ako dito

Natanaw ko naman di kalayuan ang sasakyan ni kuya, at mukhang na stuck sya sa traffic dito sa drop off place ng University. Agad naman akong tumayo at kumaway para makita nya

Sinuot ko na muli ang bag ko at nilingon si Lexter, "Mauna na ako ah"

Nginitian naman nya ako, "Sure. Ingat kayo"

Pagkasabi nya non ay nag lakad na ako sa kotse ni kuya para kahit papaano ay maka U-turn na sya. Habang palakad ako doon ay nag text sya sa akin na sinasabing sa likod daw ako maupo

"Nakita mo ako agad?" Bungad nya sa akin nung binuksan ko yung passengers seat

Nilingon ko yung nasa front seat at si at Aya yun, "Hello ate!"

Nginitian naman ako ni ate Aya, "Hello rin. Maupo ka na para makaikot na tayo"

Agad akong naupo at nag U-turn na agad si kuya para makaiwas na sa gitgitan. Nilagay ko sa tabi ko ang bag ko para mas kumportable ang pagkakaupo ko

"Kumusta ang first day?" Tanong sa akin ni kuya at dinungaw ako sa rear mirror

"Masaya sya kuya, as in! May mga kaibigan na rin ako and mga taga banda sila! Ginawa pa nga nila akong vocalist nila para daw yung vocalist nila ngayon, ay makapag focus sa pag guguitara" kwento ko sa kanilang dalawa ni ate Aya

"Taga banda? Boys?" Tanong ni kuya at tinignan ako ng matalim

"Well kasi ganito yung kwento. Yung una ko talagang naging kaibigan is si Yasin, babae sya. Nagkataon lang na pamangkin pala nya yung isa sa mga banda ng year namin, and ayun naging close din ako sa kanila" sagot ko naman

Nakita kong napangiti si ate Aya, "Ayaw mo ba nun Kurt, kilala na agad sya kahit transferee lang sya"

Yes! Go ate Aya! Pagtanggol mo ako kay kuya!

"Pumayag ka maging vocalist, Kee An?" Tanong sa akin ni kuya

"Opo, kasi why not diba? Saka, gusto ko kuya itry" sagot ko at ngumuso

Please mag work ka, please mag work ka

"Fine, basta dapat kilala ko sila ah. I'm just protecting you, lalo na at babae ka pa naman" seryosong sabi ni kuya

Awww, kahit kelan si kuya napakaprotective. Mukha lang hindi, pero sobrang protective nyan sa akin

Speaking of, "Sabi ko sa studio ko nalang sa bahay kami mag jamming bukas, kung ok lang kuya"

Tinignan ako ni kuya ng matalim, "What time?"

Huminga ako ng malalim, "After lunch I guess?"

Nakita kong bumuntong hininga si kuya, "Fine. Mabuti na rin yon at makikilala ko sila"

"Yehey! Thanks kuya!" Agad kong sabi

Mahirap na baka bawiin pag sinumpong

Naramdaman kong lumiko yung sasakyan namin, "Although bukas makikitambay daw mga pinsan natin sa Demopolous"

Agad akong napaayos ng upo, "Really? Anong oras daw kuya?"

"Mga 10 daw sabi ni Paris" sagot ni kuya

Nakita kong nilingon ni kuya si ate Aya, "Babe, sama ka ba?"

"Mhm, pwede naman. Wala naman akong ginagawa sa bahay eh" sagot ni ate kay kuya

#THIRDWHEEL

Naging tahimik na ang buong byahe. Galing pala sila both sa office nila at sinundo ni kuya si ate Aya bago nila ako sinundo sa Harshal

"Bye Kee An, bye Kurt" paalam ni ate Aya nung nakarating kami sa bahay nila

Nag yakapan sila bago sinarado ni ate Aya yung pinto. Nag drive na ulit si kuya pauwi ng bahay

"Really? Nilalanggam ako sa inyo ni ate eh" asar ko kay kuya

Tinawanan naman nya ako, "Talagang hindi ka lumipat dito sa harap ah? Dyan ka talaga sa likod?"

Tumawa naman ako bago ko iniisang hakbang ang passengers seat para makapunta sa front seat. Halatang nagulat si kuya sa ginawa ko dahil hindi ko naman ginagawa yun lalo na pag nandyan sila mama

Edi nalagot ako kay papa diba

"Ikaw, kung mapaano ka, lagot ako kay dad" sabi ni kuya habang nag mamaneho sya

Sinuot ko ang seat belt at naupo ng kumportable, "Sabi mo huwag sa likod, edi umupo ako sa harap. Ano, ayos ba?"

Umiling iling nalang sya kaya tumawa ako. Kumaliwa na ang sasakyan at pumasok na kami sa subdivision namin. Syempre no need for pass dahil kilala kami dito since sa amin ito, kaya dirediretso lang kami

Nung nakarating kami sa bahay ay bumaba na kami pareho ni kuya sa sasakyan at dumeretso sa loob. May mga maids na bumati sa amin pag pasok at pinadiretso nila kami sa kusina for miryenda daw

"Mag shower lang ako manang, wait lang. Ikaw ba Kee An?" Tanong sa akin ni kuya at niluwagan ang neck tie nya

Naupo ako pagkahugas ko ng kamay at kumuha ng tinapay na inihanda ng maids namin, "Kain muna ako, para isang sipilyo lang mamaya"

Tumawa naman sa akin si kuya, "Kahit kelan, napakatamad mo"

Nilapitan nya ako kaya hinampas ko sya, "Hoy, paalala ko lang sayo. Sino kaya nag tyatyagang puntahan ko nung panahong nag mumukmok ka sa kwarto mo, ha?"

Tumawa naman sya at niyakap ako at hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko, "Well ikaw syempre. Ikaw lang nakatiis nun eh"

Nilingon ko si kuya, "Oh see. Maligo ka na nga, ang baho mo!"

Tumawa ulit sya at umalis sa pagkakayakap sa akin, "Maligo ka na rin after eating your bread. Amoy araw ka na"

Babatuhin ko sana sya ng table napkin na malapit sa akin, nung tumakbo nya sya paalis ng kusina

Kahit kelan talaga si kuya, napaka epal

-------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon