Chapter 5

69 5 0
                                    

Natapos ang buong Chemistry period na puro discussion tungkol sa mga topic na pag aaralan namin within the whole year. Nag ayos na ako ng gamit para makalabas na ng laboratory room, at pagpihit ko ng pintuan ay sakto lumabas galing sa Biology lab si Derron

Umiwas ako ng tingin nung lumabas ako at nag kunwaring parang hindi ko sya nakita

Kaso mali ang akala ko

"Snacks time na ah, sabay ka sa akin pababa?" Sabi nya nung nahabol nya ako sa pag lalakad

Nilingon ko sya ng bahagya, "Ah iintayin ko pa si Yasin eh"

"Well, every break time sa amin sumasama si Yasin dahil partly parte sya ng barkada namin" sabi ni Derron

Sa sinabi nyang yun ay napatigil ako, kaya naman nagkaroon sya ng chansa na pumunta sa harap ko at tignan ako

Well I get the part na pamangkin ni Yasin si Evron pero di ko naman ineexpect na close din sya kayla Derron

"Ha? Oh edi--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung hinatak ako ni Derron. At nag pahatak naman ako

Habang nag lalakad kami pababa ng building, may mga nakita akong nakatingin sa aming dalawa at may mga nag bubulungan pa

"Diba sya yung transferee?"

"Wow. Close na sila agad ni Derron? Ako nga ilang taon nandito, hindi ko makausap yan ng matino eh"

"Correct ka dyan, napaka suplado kasi"

"I heard na isang Leonda daw yung girl"

Haysus. Kelan ba mawawala ang mga chismosa sa mundo?

Pagkarating namin sa canteen nila ay halos malaglag ang panga ko sa gulat. Tae, nasa mall na ba kami? Bakit may food court akong nakikita ngayon?

Nabalik lang ako sa katinuan nung biglang dumating yung mga kabanda ni Derron. Sinalubong nila si Derron hanggang sa mabaling amg tingin nila dito. Unang pumansin sa akin si Lexter

"Hi, my lady" bati nya sa akin at kinindatan ako

Confirm. #Chickboy #Player

"Uh, hello" alanganin kong bati sa kanya

"I know you love your face Lexter, pero baka basagin ko yan ngayon" biglang sabi ni Derron kaya nilingon ko ito

Tumawa si Lexter at binalingan si Evron, "Nasaan na ba tita mo?"

Out of nowhere ay biglang nag salit si Yasin, "Excuse me?"

Oh, kelan pa yan nandito?

Tumawa naman si Evron at binalingan si Yasin at ako, "Looks like hindi ka na mag isang babae sa atin ngayon, Yas"

Ngumiti ng malapad si Yasin at nilingkis ang braso nya sa akin, "Of course! Tara, order tayo"

Mag lalakad na sana ako papuntang counter nung hatakin ako ni Yasin paupo sa isang table na malapit sa amin

Akala ko ba oorder?

Pagkatingin ko sa mesa na nasa harapan ko, may menu na nakalagay dito. Pinatitigan ko muna iyon ng matagal hanggang sa ilagay ni Yasin ang kamay nya sa menu kaya nagulat ako

"Hey, hindi mag sasalita ang menu kung ano ang ioorder mo" sabi nya sa akin

Tumango ako binuksan ang menu. Nandito lahat ng food stores na nandito sa canteen, kung yun ang tawag nila. Nag hanap lang ako ng familiar food sa akin at yun ang in order ko

Hanep, restaurant ang peg?

Habang nag hihintay ng pagkain namin, naisp ni Lexter na makipag chikahan sa akin, since sya ang kaharap ko ngayon

"So, saan ka dati nag aaral?" Tanong nya sa akin

"Well, home schooled talaga ako ever since eh" sagot ko sa kanya

Tumango tango sya, "Feeling ko matalino ka kasi from home schooling, nandito ka ngayon nag aaral sa isa sa sikat na University sa bansa"

Tumawa ako ng bahagya, "Hindi naman. Nachabahan ko lang yung entrance exam"

Mag tatanong na sana ulit sya nung sumingit si Derron sa usapan

"Lexter, kuha ka nga ng mga utensils, para pagdating dito ng pagkain, kakain nalang" singit ni Derron

Umirap sa hangin si Lexter bago sya tumayo at kumuha ng mga utensils sa hindi kalayuan lang. Habang kumukuha sya ng utensils, ay sakto namang dumating ang pagkain namin. Naramdaman kong may sumiko sa akin kaya nilingon ko ito

"Bakit?" Tanong ko kay Yasin

"Ano next class mo? Bio ako" Tanong nya sa akin

Inalala ko saglit ang sched ko, "History"

Tumamgo sya, "Yun yung nasa kabilang building. Hatid nalang kita mamaya"

Agad akong umiling, "No need. Kaya ko na ito"

Hindi sya sumagot bagkus ay nilingon nya ang boys. Una nyang tinanong si Evron

"Next class mo boi?" Tanong ni Yasin sa kanya

"Math" plain na sagot ni Evron sa kanya

Binalingan nya si Derron, "Ikaw?"

Bumuntong hininga si Derron muna, "Chem"

Nilingon nya si Lexter na kararating palang, "Ikaw Lexter?"

Kumunot ang noo ni Lexter bago nya ibinaba ang utensils na nakuha nya, "Anong ako?"

"Ano next class mo?" Tanong ni Yasin

"History, bakit?" Taka nyang tanong

Ngumiti ng malapad si Yasin, "Good! Sabay na kayo ni Kee An after nito"

Binalingan ako ng tingin ni Lexter, "Sure, why not?"

Narinig kong may nahulog na kubyertos at galing pala iyon kay Derron. Tumawa muna si Evron bago nya pinulot ang utensils na nahulog

"Pare, paano mo ngayon kakainin yang palabok mo kung wala kang tinidor?" Tawang sabi ni Evron

"Nawalan ako ng gana kumain eh, ang panget ng lasa pala" sagot nya

Pinatitigan ko ang palabok na inorder ko rin. Hindi ba masarap? Sayang naman pera ko kung ganon. Ngunit maraming tao ang gutom ngayon kay kakainin ko pa rin

Unang subo palang ay hindi maipagkakaila ang sarap nito. Akala ko ba hindi masarap?

"Derron, masarap naman ah. May mali ba yang taste buds mo?" Tanong ko sa kanya habang tiniginan ang palabok nyang hindi na nya ginagalaw

"You can have mine, if you want" supladong sabi ni Derron

Tsk, mukhang tama nga sila. Suplado itong isang ito

Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang, bago pa matapos ang oras. Pagkatapos namin kumain, may agad na nag linis mg mesa namin kaya tumayo na kami

"Oh Lexter, ikaw bahala dyan kay Kee An ah" bilin ni Yasin bago kami nag hiwalay ng landas

Habang nag lalakad kami papunta sa building kung nasaan ang History room, tinanong ko si Lexter para naman may pag usapan kami habang nag lalakad

"Bakit nakahiwalay yung History sa ibang subjects?" Tanong ko

Nakapamulsa na sya ngayon mag lakad habang ang backpack nya ay nasa kaliwang balikat, "Hindi ko rin alam sa admin eh. Bago lang kasi ako dito nung first year high school. Kayla Derron mo itanong yan"

Nag kibit balikat nalang ako at tumingin nalang sa daanan. Ang History room pala ay isang room lang sya dito sa gilid ng field. Akala ko building kasi sabi ni building eh

Pumasok kaming sabay ni Lexter at naupong magkatabi, since dalawahan lang ang desk dito, unlike sa Music room na tatluhan at sa Chem lab ay anim sa isang mesa

----------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon