Chapter 28

42 2 0
                                    

Nung hapon, biglang nag announce ng maaga pala kami pauuwiin ngayon dahil may visitors from other countries na mag lilibot ng buong University. Syempre, ayoko pang umuwi kaya inaya ko si Derron na mag mall nalang, and luckily pumayag sya kahit medyo nag rereklamo sya

"What are we going to do in the mall?" Mga ilang ulit na nya yang tinanong sa akin

Mabuti at walking distance dito ang mall kaya no need na sunduin kami ng driver namin. Malamang sa malamang, dito rin tatambay ang iilan sa schoolmates namin ngayong hapon

"Matagal ko ng gustong gawin ito eh. Ice skating tayo, what do you think?" Tanong ko sa kanya at nilingkis ang kamay ko sa braso nya

Nilingon nya ako at umiling, "As if makakahindi ako sayo"

Nginitian ko naman sya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pag pasok namin ng mall, may mga ilan akong nakitang schoolmates namin

Oh diba tama hula ko

"Tara na, akyat tayo" masayang sabi ko sa kanya at hinatak sya

"Wait, kumain muna tayo. I'm starving. Ikaw ba hindi?" Tanong nya sa akin

Tinignan ko sya, "Sakto lang. Sige kain muna tayo para may energy mamaya sa skating"

Inaya nya akong kumain sa isang fine dining restaurant lang. Sabi nya mas ok na dito dahil mas crowded sa mga fast food stores, which is tama nga naman

Right after namin kumain, inaya ko na syang umakyat sa third floor ng mall para makapag ice skating. Syempre KKB kami ni Derron dito dahil mura lanag naman. Yung unlimited na ang pinili namin para sulit. Nag sukat lang kami ng sapatos bago namin iyon suotin

"Tsk, paano ba ito sinusuot?" Bulong ko sa sarili ko dahil ilang ulit kong sinubukang itali ang sintas pero hindi ko makuha ang technique

Nakita kong pagkatapos itali ni Derron ang sapatos nya ay kinuha nya ang isang pares ng paa ko para itali ang sintas

"Tell me, is this your first time?" Tanong nya sa akin habang tinatali nya sintas ko

"Oo. Hindi naman kasi ako sumusubok sa mga skating na iyan" sagot ko sa kanya

Nung matapos nya itali ang isang pares ng sapatos, ay sinunod nya ang isang paa

"Eh bakit ka nag aya. Mamaya kung mapaano ka sa skating ring" sabi nya sa akin habang tinatali ang sintas

Ngumuso ako, "Ikaw ba, nakapag skating ka na ba?"

Nakita ko ang pag buntong hininga nya, "I lived in New York for almost 6 years at madalas nag sskate ako doon"

Tumango naman ako habang nakanguso, "Then at least kasama kita. I know hindi mo ako papabayaan later, saka sabi ko sa sarili ko pag first time ko mag skate kasama ko ang boyfriend ko"

Umangat naman ang tingin nya sa akin at nginitian ako, "Well then, you just need to trust me" sabay kindat sa akin

"DERRONNNNNNNN! HUY ANG DULAS, DAHAN DAHAN NAMAN!"

Yup, iginaya nya ako papasok ng ring at unang tapak ko palang sa yelo ay nag sisisigaw na ako, at todo kapit pa sa braso ni Derron

Narinig ko ang mahinang tawa nya habang iginagaya nya ako papunta sa gitna

"Just relax Kee An, hindi naman kita hahayaan mahulog dito. Saka balance your feet, hindi pwedeng nakatagilid yan. Just imagine you're just walking" rinig kong sabi nya sa akin

"But I can't! Ni hindi ko nga kayang tumayo ng maayos, lakad pa kaya" sagot ko sa kanya

Naramdaman kong hinatak nya ako kaya napatili ako ako. Wala na akong pake kung pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon