Chapter 15

45 3 0
                                    

Natapos ang morning class ko ng wala namang nagyayaring kakaiba. Buti nga at hindi ako naliligaw dahil may mga signs naman pala sa bawat floor

Dati kasi, hindi ako tumitingin doon kaya naliligaw ako

Oh well, ngayon ay pababa na ako papuntang canteen para sa aming lunch break. Naka airpods pa ako at pachill chill lang, ng biglang may humawak sa braso ko

"Tara, sabay na tayo" si Derron pala

Teka, si Derron?

"What? Tatayo ka nalang ba dyan?" Suplado nyang sabi nung mapansin nyang hindi ako kumikilos

Pumikit pikit muna ako, at kunurot sarili ko para ma convince na totoong nangyayari ito. Kaso badtrip dahil bigla nalang akong hinatak nitong lalaking ito

"Mauubos oras natin pag nanatili tayo doon" sabi nya sa akin habang nag lalakad kami

Out of nowhere, bigla naman akong nakaramdam ng parang something na umiikot sa tyan ko. Nakakakiliti sya at the same time, nakakabother na parang may lumilipad

"Hey, Derron. Oh, sabay ulit kayo ni Kee An?"

Nagulat nalang ako ng nandito na pala kami sa canteen nila, at nandito na kami sa table kung nasaan sila Lexter

Si Lexter pala bumati sa amin

Pinili kong maupo sa tabi nya, habang si Derron ay naupo sa tabi ni Yasin

"Alam mo, bagay kayo ni Lexter" biglang sabi ni Yasin kaya lahat kami napabaling sa kanya

"Saan nanggaling yon, Yasin?" Tanong sa kanya ni Evron

Nag kibit balikat lang si Yasin, "Nothing. Napapansin ko lang na lately, ang dalas nila both magkasama"

"Yun lang?" Tanong ni Lexter sa kanya

Bumuntong hininga si Yasin, "Ganito nalang, habang iniintay natin ang pagkain nating lahat, lets play a game"

Game?

"What game?" Derron asked

"Spin the bottle lang naman sya, but since nasa campus tayo and bawal gumawa ng mga eskandalosang gawain, ang choices lang ay truth or double truth" sabi ni Yasin habang iniikot ikot ang dulong buhok nya sa daliri nya

"What's the catch, Yasin?" Tanong ni Evron sa kanya

Tinignan naman sya ni Yasin, "What? Katuwaan lang naman ito eh"

Wala kaming nagawa dahil agad na pinaikot ni Yasin ang bote ng tubig, at agad na tumigil iyon kay Evron

Nilingon sya ni Yasin, "Ok my dear pamangkin, truth or double?"

Bumuntong hininga muna si Evron bago sumagot, "Truth"

Nangalumbaba si Yasin, "Kung magkakagusto ka sa campus, sino?"

Sandaling natahimik si Evron, "I think you taga second year, si Chelsy"

Napatango tango naman kaming lahat. Sa pagkakaalam ko, si Chelsy yung team captain ng volleyball eh

Ipinaikot na ulit ni Yasin ang bote, at tumapat iyon kay Derron. Tinignan ni Yasin ito, "Truth or double?"

Derron hissed before answering, "Tsk, truth"

Ngumisi si Yasin, "May nagugustuhan ka na ba?"

"Of course" mabilisan na sagot naman nya

Ngiting tagumpay naman si Yasin bago nya ipinaikot ang bote. Tumigil naman iyon kay Lexter

"Oh boy. Pick now" sabi ni Yasin sa kanya

"Double truth" matapang na sagot ni Lexter

Agad na ngumisi si Evron, "Lexter. Kung may nagugustuhan ka na, sino sya?"

Napatingin sa gawi ko si Lexter, "Lalayo pa ba ako? Edi syempre yung nasa katabi ko ngayon"

Agad naman kaming inasar dalawa since kami lang naman ang magkatabi. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya nanahimik nalang ako. Naputol lang ang kanilang asaran nung mag salita si Derron

"Tsk. Lexter, kuha ka na ng mga utensils" basag ni Derron sa asaran

Nagkatinginan naman sila Lexter at Evron at nag palit palit din ng mga tingin sa aming dalawa ni Derron

"Padaan lang Kee An" bulong ni Lexter at agad akong tumayo para mabigyan sya ng daanan

Habang nakatayo ako, hindi ko maiwasan mapatingin sa gawi ni Derron. Yung itsura nya parang pinagsakluban ng langit at lupa ngayon eh. Para syang intsik na nalugi sa negosyo, lalo na at may pagka chinito sya

Nung makaalis si Lexter, agad naman akong naupo. Hindi naman na namin natuloy yung laro dahil dumating ang pagkain namin. Saktong kabababa ng huling order ay dumating si Lexter

"Palit na tayo, Kee An" sabi nya sa akin

Agad naman akong umiling, "Ok lang naman Lexter. Dyan ka nalang"

Nginitian nya muna ako bago sya naupo sa tabi ko, na kung saan ako kanina nakaupo. Payapa kaming lahat nag sikainan, ng biglang bumagsak si Yasin. Since si Evron ang katabi nya na mas malapit sa kanya, nasalo nya ito agad

"Ano bang nangyari kay Yasin? Kanina ko pa sya napapansin na parang hindi sya ok" alalang tanong ko na

Umiling iling si Evron, "Tsk, sabi na eh nag lasing na naman ito kagabi. Excuse me lang ah, dalhin ko lang sya sa clinic" pagkasabi nya non ay agad na nag excuse si Evron kay Derron para makadaan sila ni Yasin

Walang malay si Yasin, kaya naman binuhat na ni Evron ito mula canteen hanggang sa clinic. Agaw pansin naman silang dalawa dahil malamang, may bitbit si Evron na babae

Well, walang malisya. Magakamag anak naman yung dalawa

Napatingin naman ako sa dalawang lalaking kasama ko. Si Lexter, bakas sa kanya na nag aalala sya for Yasin. Habang si Derron, ayun seating pretty lang na parang hindi naclinic si Yasin

"Nag lasing na naman yung babaeng yun. May problema na naman siguro yun" narinig kong bulong ni Lexter

Agad ko syang nilingon, "May problema?"

Tumango naman sya at tinignan ako, "Pag nag lalasing sya, isa lang ang rason nya. May piangdadaanan sya"

Sandali akong nag isip. If my conclusion is right......

"Diba magkalapit lang bahay nilang dalawa?" Tanong ko sa dalawang kasama ko

Si Derron ang sumagot sa katanungan ko, "Pinalabas lang na magkalapit, but they live in the same house para pag nag lasing si Yasin, just like what happened, mapipigilan ni Evron"

So, tama nga yung hula ko

Nangunot naman noo ko, "But nalasing sya. Meaning hindi ba naagapan?"

"Walang alam si Evron na nag lasing sya, base sa expression nya kanina" sagot ni Lexter sa akin

Napatingin ako sa entrance ng canteen na kung saan lumabas sila Evron kanina

I'm pretty sure, may tinatago sa amin si Yasin. Maski kay Evron, may hindi sya sinasabi

"Tara, kumain nalang tayo bago maubusan ang oras natin" pag iiba ni Lexter ng usapan

Kahit lutang ako ay nagawa ko pa rin maubos ang pagkain ko. Next class ko ay History, at kung sinuswerte ka nga naman ay kasama ko si Derron doon. Si Lexter kasi ay Biology class after nitong lunch break

----------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon