Chapter 5

69 1 0
                                    

(Blue)

"I,now pronounce you husband and wife"pagbigay bendisyon samin ng pari.

Hindi ko sya hinalikan sa labi dahil baka mabatukan nya ako.Yun pa man din yung dahilan kung bakit nya ako inaway nung nakaraang araw.

Inaasar ko lang naman,nagpapaniwala agad.I don't know pero nag-eenjoy ako pag nakikita ko yung mukha nyang nakabusangot.I find it cute,well.

"Huy,Blue."pukaw nya sakin mula sa malalim na pag-iisip."Kanina pa kita tinatawag dyan,lutang ka na naman.Abnoy ka ba?"nang-aasar na wika nya.

What the hell?!

"Alam mo,ikaw.Pwede bang kahit ngayon lang na araw ng kasal natin maging mabait ka naman?Asawa mo na ako't lahat lahat,ganyan ka pa rin"saad ko na kunwawari nagtatampo.

"At bakit,ha?!Bigyan mo nga ako ng dahilan kung bakit kailangan kong maging mabait sayo?Sige nga.At kasama ba sa nakasulat sa kontrata na pag nagpakasal tayo ay kailangan maging mabait ako sayo?"pagmamaldita nya.

"Wala nga pero syempre kusang-loob mo na lang na maging mabait sakin,ano"sabi ko.

"Ah,basta.Ayoko maging mabait sayo.Baka pag naging mabait ako sayo, abusuhin mo pa ako"

So,ano?Ganito kami habang magkasama kami?What the heck?At hindi naman ako abusado ah.

"Huy!Anong nginunguso mo dyan baka ingudngod ko yang nguso mo mula dito sa altar papunta dun sa may pinto!Oh,ano gusto mo?"

Umiling naman ako at sinamaan sya ng tingin.

"At ano ba kasi ang iniisip mo bakit nangingiti ka dyan?"

"W-wala ah.May naalala lang ako"sabat ko.Ikaw,ikaw yung naalala ko.

"Oh,siya.Pumunta na tayo dun sa reception at andun na yung iba nag-aantay satin.Ikaw naman kasi,kanina pa kita tinatawag,nakatulala ka.Abnoy ka ba talaga?"aniya.

"Alam mo,isa mo pa talagang tawag sakin ng abnoy dyan at mapikon ako talagang bubuntisin na kita"sabi ko ng nakangisi.Bigla namang sumama yung mukha nya.

"Hoy!Ikaw lalake ka.Ako matagal-tagal na ring nagtitimpi sayo ah.Namumuro ka na talaga sakin,baka di ako makapagpigil at mapatay kita!"

"Hoy!Kayong dalawa dyan,ano?Mag-aaway na lang na talaga kayo?Kasal na kasal eh,mukhang aso't pusa.Ano na?!"sita naman ng ate ni Blythe samin.

"Eh,sya kasi ate parang abnoy"reklamo ni Blythe.

"Wag mo sabing sabihin na abnoy ako at di ako makapagtimpi sayo mapa-aga yang paglaki ng tyan mo."Binatukan nya naman ako.

"Bahala nga kayo dyan!Ako naiirita sa inyo"sabi ng ate nya at nagwalk out.

Sinamaan namin ng tingin ang isa't isa.

Nang matapos ang reception ay gabi na.Dumiretso na kami sa bahay talaga namin ng uwi,since nandito na rin lahat ng kailangan naming gamitin.

"Hoy,Blue"tawa sakin ni Blythe habang nagmamaneho papasok sa village.

"Hmmm?"

"Mamaya wag kang tumabi sakin matulog,ah"

"Huh?Eh,san ako matutulog?Yung kwarto na isa na para sa baby natin wala pa namang dun kama."

"Edi sa sofa ka basta ba wag kang tumabi sakin baka gapangin mo ako"aniya.

"What the hell?Eh,ano naman kung gapangin kita?May magagawa ka ba?Mag-asawa naman tayo ah"sabi ko.

"Wag nga sabi,ayaw kitang katabi nga"reklamo nya.

"Bahala ka sa buhay mo basta sa kama ako matutulog or else"pambibitin ko.

That Loveless Marriage(Completed)Where stories live. Discover now