Chapter 11

51 1 0
                                    

(Blue)

"Hon,pwede bang hatid mo ako sa office?Papakuha ko na lang mamaya yung sasakyan ko sa bar"saad ko.

"Sige,pwede naman."

"Ako na lang magda-drive papunta dun tapos ikaw na lang pagkauwi"saad ko.

Ngumiti naman sya.

"Hon,bakit ang tahimik mo?May mali ba?"tanong ko habang nakaupo sya sa sala.Kakatapos lang mag-agahan at hinihintay ako.

"Hmm?W-wala naman.May iniisip lang"

"Care to tell?"

Tiningnan  nya naman ako at agad din nyang binawi iyon.

"Nah.Hindi naman importante yun.Sa bahay lang"sagot nya.

Ipinagkibit balikat ko na lang.

"Sige na,pumunta na tayo sa office mo.Baka malate ka pa"aniya at lumabas.Sumunod naman ako sakanya.

Pumasok sya sa passenger's seat at ako naman ay umupo na rin sa driver's seat at agad pinatakbo ang sasakyan nya papunta sa kompanya.

"Oh,sige Blue.Mauna na ako.Pupunta pa ako sa bahay eh bibisitahin ko sina mama.Hindi kasi kami nagkita nitong nakaraan eh"aniya ng makapag-park ako.

"Huh?Hindi ka papasok na?"kunot-noong tanong ko.

Umiling naman sya."Hintayin na lang kita mamaya sa bahay.See you"

Tumango naman ako at nagpaalam na papasok na sa loob.

Naaninag ko naman ang kotse nya na nagdrive palabas ng parking lot.

So weird.

Bakit ang cold nya?I'm not used to it.Mas nasasanay akong mabunganga sya at sesermonan ako dahil inumaga na ako ng uwi at lasing pa.

May mali ba?O di kaya may sinabi si Elexa sakanya?Damn!

Si Zarith naman talaga ang magahatid sakin kagabe but ihahatid nya rin daw yung ka-fling nya and Elexa insisted so wala naman akong magawa dahil lasing na ako at wala ng lakas pang magmaneho.

Umiling na lang ako at tinahak ang daan paakyat sa opisina ko pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin maiwaksi sa isip ko kung bakit parang bad mood si Blythe ngayon.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang babae.

"H-hi,Elexa"bati ko ng sagutin nya ang tawag

"Yes,babe?May kailangan ka?"aniya.Hindi ko alam pero naiirita ako sa pagtawag nya sakin.

"Stop calling me that way,Elexa"suway ko.

"Oh,what's with Elexa now,Blue?Kagabi naman halos ayaw mo ng humiwalay sakin.You keep calling me 'babe' yesterday night."

Pumikit naman ako at nagtiim-bagang.

Hindi ko alam kung aning ginawa ko kagabi kaya naman parang tanga ako ngayon.I didn't know what happen.

"Lasing lang ako nun,Elexa"paliwanag ko.

Bahagya naman syang tumawa"Alright.So,why calling?"

"Pwede ka bang pumunta dito?May itatanong lang ako sayo"sabi ko.

"Surely.On my way"at pinatay ang tawag.

Gusto ko lang makasiguro kung ano ang pinagsasabi nya kagabi sa asawa ko.

Maya-maya naman ay may kumatok kaya pinapasok ko iyon.

"Miss me?"ani Elexa na may nakakalokong ngiti.

That Loveless Marriage(Completed)Where stories live. Discover now