Chapter 10

52 1 0
                                    

(Ashley)

Mag-a-alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin umuuwi si Blue.Kanina pa ako inaantok pero baka kasi pag hindi ko sya hinintay ay baka  lasing ayon at hindi nya kaya ang sarili nya.Sana naman ihatid sya ng kaibigan nya at wag na mag-drive.

Kanina ko pa sya tinetext pero wala akong reply na natanggap kahit isa.Oo,aaminin ko nag-aalala ako sakanya.Sino ba namang hindi eh baka mamaya mabangga yun kaya pala hindi nakauwi dito diba?Pero wag naman sana.

Wala naman akong number ng mga kaibigan nya kaya hindi ko alam kung pano ko sya mare-reach out.

Alas otso pa lang kanina ay nandito na ko sa bahay.Wala rin naman kasi kanina sina mommy sabi ng katulong namin eh.May pinuntahan daw kaya kumain na lang ako dun para hindi na ako mag abala na kumain sa labas bago umuwi dito.

Napaigtad naman ako ng tumunog yung cellphone ko tanda na may nag-text.Lumiwanag naman ang mukha ko at agad din yung napawi ng makita kong hindi si Blue ang nagtext.

Gosh!Asan na ba kasi yun?Ba't ba hindi pa umuuwi eh mamaya sisinag na di haring araw noh?

Kahit na nag-aalangan man ay hindi ko na talaga nalabanan ang antok at nakatulog ako.

Beep!Beep!

Naalimpungatan ako ng makarinig ng busina galing sa labas.Baka si Blue na yon!

Dali-dali naman akong pumunta sa gate at binuksan iyon pero nagtaka ako ng hindi sasakyan ni Blue ang nadatnan ko na kulay itim kundi pula.

Siguro sa kaibigan to ni Blue na si Zarith.

Tumigil naman ako sa pag-iisip nang lumabas ang isang sopistikadang babae na halatang namumungay na rin ang mata sa driver's seat.Sandali nya naman akong tinapunan ng tingin at umikot papunta sa passenger's seat at tumambad sa akin ang isang Blue na tulog at halatang nalasing.

"Uhm,Mrs. Santiago,right?"tanong ng babae sakin.

"Yes"

Tumango naman sya."Yeah.Blue told me.By the way,Elexa.Blue's ex-fiancee."

Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko pero pilit ko iyong hindi pinahalata at tinanggap ang kamay nya na nakalahad.

"Blythe.Blythe Santiago"

Tumango-tango naman sya."Alright.Ibababa ko lang sya at aalis na rin ako.Hinatid ko lang sya talaga dahil naparami yung inom nya.Minsan lang naman kasi kami magkikita dahil nasa U.S. na ako tumira simula ng maghiwalay kami ni Blue."

What the hell?Paki ko ba kung san ka nakatira?I don't care.

Kahit naiinis ako ay pilit akong ngumiti."Yeah.Salamat sa paghatid kay Blue.Papasundo ko na lang yung sasakyan nya sa bar"sabi ko.

Tumango naman sya at umalis na.

Bumuga naman ako ng hangin at tiningnan si Blue na nakahiga sa sofa.

So,ex huh?Why bother to go back here?Hindi nya ba alam na ikinasal na si Blue?I'm sure may rason sya kung bakit sya bumalik dito at yun ang hindi ko alam.

"E-elexa.Babe!Dito ka lang.Huwag mo kong iwan."

Nanigas naman ako sa tinuran ni Blue habang natutulog.Para akong binuhusan ng malamig na tubig na puno ng yelo sa narinig.

"What's with you and Elexa,honey?"sabi ko sakanya.Alam ko namang tulog sya kaya hindi nya ako maririnig na tinatawag ko sya sa endearment nya sakin.

"E-elexa.Please stay.Please don't leave me.I know you still love me.Please,babe.I still love you at kahit kailan walang makakapalit sayo"aniya na puro pagsusumamo ang tinig.

Walang makakapalit?So,anong ibig nyang sabihin?Na mahal nya pa hanggang ngayon?Bakit?Pano?What am I,then?Ano ako sa buhay nya?

Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko.

Bakit ba ako umiiyak?Bakit ba ako nasasaktan?

Alam ko namang na isa lang tong deal ang nangyari between our family.Isa lang tong deal kaya ikinasal kami.

Pero bakit?Bakit ako parang pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig ang mga salitang yun galing sa bibig nya.

Bakit?Hindi ko maintindihan?

Hindi ko alam kung may karapatan akong masaktan.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magselos.

I don't even know kung may karapatan ba akong ipaglaban sya?

Why am i acting like this?Posible bang mahal ko na sya?Posible bang magustuhan ko sya sa maikling panahon ng magkasama kami?Why?Bakit?

Sobrang gulo ng isip ko.Ang daming bakit sa isip ko na alam kong hindi masasagot.Natatakot akong tanungin sya.Natatakot akong baka sabihin nya ang totoo at mahal nya pa rin si Elexa.Natatakot akong mawala sya.

Damn!Baka mahal ko nga talaga sya.Siguro nga mahal ko na sya.

Putsa!Bakit ba hindi mo matanggap na mahal mo na nga Blythe?Bakit ba pilit mong itinatanggi?Ito ka na nga ngayon,oh?Nasasaktan ka dahil sa Elexa na yon.Nasasaktan ka kasi baka hindi ikaw ang mahal ni Blue because before you and Blue marry each other.There was Blue and Elexa that happily loving each other na pilit na bumabalik because of some unfinished business they had in the past that you don't know.

Natawa naman ako sa sarili ko.Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?Nababaliw na siguro ako.

Damn!I thought he's not going to hurt me like JC did before but what's this?Why am i hurting?

No,self!Let him explain.Nanaginip lang si Blue kaya kausapin mo sya bukas ng maayos.Kausapin mo sya ng hindi lasing.Hindi ka pa naman sigurado,right?

Iwinaksi ko ang mga ideyang pumapasok sa isip ko at iniwan ko na lang si Blue sa sala at dumiretso na sa kwarto.Iniwan ko lang na nakaawang ang pinto baka mamaya at magising sya.

Natulog na lang ako kahit na mabigat ang loob ko.

Kinabukasan nagising ako at agad na naligo.

Hinanap ko si Blue sa sala kung saan ko sya iniwan at wala na sya dun.Nagtrabaho ba sya?Hindi ba masakit ang ulo nun?

Tsk!tsk!

Agad naman akong napatigil ng makita ko sya sa kusina na nagluluto.

"Hey,m-morning"sabi ko.Hindi ko alam pero parang umurong ang dila ko.Dapat tatanungin ko sya eh.Dapat kailangan naming magkaliwanagan para naman aware ako,diba?

"Oh,gising ka na pala.Sit here"aniya at tinuro ang upuan.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?Lasing na lasing ka kanina nung hinatid ka dito ah"sabi ko.

"Medyo masakit nga eh pero uminom naman ang ako para sa hang over."

Tumango naman ako.

"Sya nga pala,sino yung naghatid sakin kagabe?Di ko kasi nakita yung sasakyan ko sa labas eh"

Shit!Nakalimutan kondin yung sasakyan nya kagabe.

So,hindi nya talaga naalala?Ano pa,lasing nga diba?

Sasabihin ko bang si Elexa?Wala namang masama dun,diba?

"Si E-elexa"

Agad naman nawala ng ngisi sa labi nya at kumunot ang noo."Did she say something?"

"Meron ba syang dapat sabihin?"balik ko.

Umiling naman sya."Nothing.Baka kasi ano yung pinagsasabi nun,baka lasing din sya eh"aniya.

You lied.No! You're hiding what's with her and you.

"Hindi naman sya lasing,nahatid ka nga nya kagabi eh"sabi ko."Ang ganda nya noh?Siguro may boyfriend na sya?"dagdag ko.

"Enough"aniya.

"Why?I didn't say anything wrong"sabi ko.

Hindi naman sya umimik.Ramdam ko rin na naiilang sya kaya tumahimik na rin ako.

Uncomfortable,huh?

Elexa?Bakit ka pa bumalik?What are you planning to do?

That Loveless Marriage(Completed)Where stories live. Discover now