Chapter 1

35 1 0
                                    

Simula

"If I give up on you, I give up on me

If we fight what's true, would we ever be?

Even God Himself and the faith I knew

Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you."

Tulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking kwarto, tinitingnan ang piraso ng mga niyebeng bumabagsak mula sa itaas at dinadama ang kantang tumutugtog galing sa aking laptop.

Patuloy ang agos ng luha mula sa aking mata. Sobrang sakit. It's been two years since Kai and I broke up. And I'm still here, still broken. Shattered into pieces. Hurt by the fact that we cannot be together anymore.

Dalawang taon na akong walang gana sa lahat. My friends and family are always so worried about me.

Ni hindi alam kung dapat ko bang pagsisihan ang mga naging desisyon ko? Hindi ba dapat masaya ako, dahil sa pagkakataong ito, siya ang pinili ko. Kapakanan niya ang inisip ko.

"Gia?"

Hindi ako sumagot. I closed my eyes.

"Gia, kumain na tayo anak." nag-aalalang sabi ni Mommy.

"I'm fine po, Mommy. Kayo na lang muna." humikbi ako

"It's fine Mom, dadalhan ko na lang siya ng pagkain mamaya." dinig kong sabi ni Gian.

I'm still thankful for my family and friends. Kailanman, hindi sila nawala sa tabi ko noong nawasak ako nang todo.

"Iyong bagahe sa likod Gian kuhanin mo, ang Dad mo na ang bahala sa bagahe ni Gia." Mommy said.

"Ako na po, kaya ko na Mom." I smiled.

My brither looked at me. "Ako na dyan Ate..." he said carefully.

Napatingin ako sa kanya at binitiwan ang dalang bagahe. Ngayon, cross body bag at iPad na lang ang dala ko.

"Come on Gia! Let's party! Kababalik mo lang, are you staying here for good or vacation lang?"

Halos magsigawan kami sa lakas ng sounds sa loob ng bar, we can't hear each other properly.

Naningkit ang mga mata ko at hinawakan ang aking tenga. "Astrid, what? Pwede bang lumabas tayo? I can't hear you!" sigaw ko.

Agad kaming tumayo para lumabas, dala dala ko pa ang baso ko na may lamang cocktail.

Sa parking lot kami ng bar nagpunta, tinungo namin ang papunta sa sasakyan.

"Ang sabi ko, dito ka na ba titira ulit o nagbabakasyon ka lang?" si Astrid habang nakahilig sa aking sasakyan.

I spent five years in Canada, nag aral ako roon at nagtapos ng Business Management. Nakapagtrabaho rin ako sa loob ng ilang buwan doon bilang HR staff sa isang kompanya.

"Nakakuha ako ng trabaho rito." tahimik kong sambit.

Wala akong ibang ginawa sa ibang bansa kundi magtrabaho at mag aral. Nawala na sa isipan ko lahat ng bumabagabag sa akin dahil sa sobrang busy ko, and I think that factor helped me move on.

A wide smile quickly formed in her lips. "Oh my gosh! So it means?"

"Yeah, dito na ako titira. But it depends kung may magandang offer abroad... then." nagkibit ako ng balikat.

"Then, you're still going to live here because your friends and family are here! Right!" she laughed.

Nagkibit balikat ako. "Let's see. Pero syempre, dito muna ako dahil kauuwi ko lang atsaka gusto kong magtagal muna sa trabaho bago lumipat sa iba kung meron mang lilipatan. Hindi maganda sa record na hindi ako tumatagal sa trabaho." dagdag ko.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon