Chapter 10

17 1 0
                                    

Guilty

The morning after, nagising akong kinakabahan. This is the day where I get to finally see his family again. Maaga akong pumasok sa opisina para agad na matapos ang lahat ng gagawin.

"Uy, magandang umaga sa magandang dalaga!" panunuya ni Prince.

"Good morning!" lumapad ang ngiti ko sabay lipat ng tingin sa mga kasama.

"Miss, kape po?" inabot ni Fury sa akin ng isang cup ng kape.

"Salamat. Nagawa mo ba Fury, yung mga iniwan ko sayo last time?"

"Yes po Miss, ito yung nauna. Hiniwalay ko po ng lalagyan."

"Okay, that's good. Sige I'll check this, if you want you can go to your cubicle." I smiled.

"Sige po, tawagin niyo lang ako kapag mayroong gagawin o ituturo."

Chineck ko ang mga documents na ginawa ni Fury. I was impressed when I saw that her works were almost flawless.

Lunch break nang lumabas ako sa opisina para sana magyayang kumain sa mga nasa cubicle.

"Oh, kakain ka na Gia?" si Randall.

"Oo, pumunta ako rito para yayain kayo. Tapos na ba kayo?"

"Hindi pa, kakain pa lang din. Aayusin lang namin 'to." si Kath ang sumagot.

Agad na naglikom ng gamit ang mga katrabaho bago nagsitayo para pumunta sa canteen. Halos hindi ko mapansin si Iris na sumama pala sa amin dahil sa sobrang tahimik.

"Ano pong meron dyan?" tanong ko

"May Caldereta, Sinigang, Sisig..."

"Anong sayo?" nagulat ako nang nagsalita si Iris.

Napalingon ako sa kanya. Nasa likod ko lang.

Nakita kong medyo namamaga ang mata niya at haggard siya ngayong araw.

What happened to her?

"Uh, Sinigang na lang po."

"Ako rin ate Sinigang." si Kath.

Nang makaupo ay nagsimula na kaming kumain.

"Nagiging madalas ang pag punta ni Ma'am Amy dito ah."

"Oo nga e, Gia chineck niya nga ang opisina mo kahapon. Tapos tinatanong ka niya samin." inosenteng sabi ni Prince.

"Talaga? Ano namang tinanong niya?"

"Kung kailan ka raw hinire, anong trabaho mo at bakit may sarili kang opisina, atsaka kung...may boyfriend ka na raw."

"Oh."

Bakit niya tinatanong iyon?

"Chismosa talaga 'yang si Amanda kahit noon pa." umirap si Kath.

"Magkakilala kayo?" si Oliver.

"Oo, kaklase namin ni Gia noong highschool 'yan naku!"

"Oh? Small world!"

Pansin kong hindi pa rin nagsasalita si Iris ngunit gumagala ang paningin habang pinag uusapan namin si Amanda.Gusto ko sana siyang kumustahin pero ayoko namang mapansin pa ng iba naming katrabaho na ganito siya.

Nang natapos kumain ay nagpahuli ako sa pag akyat para makausap si Iris.

"Iris, ayos ka lang?"

Nilingon niya ako at nagulat ako nang nakita ko ang ekspresyon niya. Mukhang pabagsak na ang mga luha ngunit pilit na pinipigilan.

"What happened?"

Medyo nagpapanic na ako dahil ang daming tao sa canteen at marami ring makakakita kung iiyak siya.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon