Chapter 8

17 1 0
                                    

Vulnerable

Nininerbiyos ako habang inaantay ang sagot niya sa reply ko. Humiga ako sa kama nakalimutan na ang planong kumain ng dinner dahil sa pagiging pre occupied.

Teka lang, bakit ba ako nag iintay?

Oo nga, bakit ba ako nag iintay e hindi naman kareply reply ang reply ko?

Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko sa text ni... Astrid!

Akala ko naman...

Astrid:

Ano, nagreply na ba??

Ako:

Hindi. :)

Bumaba ako at pumunta sa kusina para icheck ang pagkain na iniwan para sakin.

Inilapag ko ang cellphone ko. Nakita ko ang nakahandang plato sa kitchen bar namin. Inilagay ko sa microwave ang ulam para uminit iyon. Habang nagaantay pa rin sa reply ni Kaius.

Ilang minuto pa ang lumipas at magkasabay na tumunog ang oven pati ang cellphone ko.

Hindi ko malaman kung ano ang uunahing buksan.

Pero inuna kong ilabas ang ulam sa oven. Muntikan ko nang maibagsak ang ulam nang mapaso ako. Hindi ako nakapag lagay ng pot holder sa kamay.

This isn't because of him, okay? It's because marami akong ginagawa, right. Marami akong ginagawa. Kaya nagkakanda gulo ang utak ko. Hindi ako maka focus!

Nang maiayos ang kakainin ay huminga ako nang malalim para makalma. Nagsimula akong isubo ang pagkain bago nagcheck ng cellphone.

Kaius:

Not in here. I want to talk to you in person.

Oh? Edi anong irereply ko rito?

I typed my reply.

Ako:

Uh... O sige, saan tayo magkikita? At anong dapat kong isuot?

Mukhang naman yatang masyado akong interesado kapag ito ang reply ko?

Nag isip pa ako ng pwedeng ireply, iyong tipid pero makukuha agad ang gustong iparating.

Ako:

Okay, sige saan? Bukas ba? Anong oras?

Hindi ganyan! Masyadong... ugh, ewan! Ang dami kong sinabi.

Sa wakas, nakapag tipa na ako ng reply.

Ako:

Okay.

Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa sarili ko o ano. Bakit wala akong maireply? Pwede naman akong hindi pumayag ah.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

Hmm. Bilis magreply ah.

Kaius:

Where do you wanna talk?

Astrid:

Baka naman ang bilis mong magreply? Kalma!

Ako:

Excuse me, hard to get ako.

Astrid:

Oh really? Don't make me laugh!

Halos marinig ko ang pang aasar ni Astrid sakin.

Muntikan ko nang malimutan ang pagrereply kay Kaius kaya nagmamadali ako ngayon sa pagtatype.

Ako:

Bahala na. You decide.

Kaius:

I'll pick you up tomorrow. 7:30 pm. See you.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon