Chapter 6

15 0 0
                                    

Name

Pagkagising ay narinig ko ang pag uusap nila Mommy at ng mga pinsan ko.

"What happened Ethan?" si Mommy.

"I don't know Tita, paglabas namin umiiyak na siya."

"W-We saw Kaius there too, Tita." si Owen bago bumaling sa akin.

Tumagilid ako sa paghiga at narinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto. Mariin akong pumikit at nagpanggap na natutulog.

Base sa tono at pagka-construct ng mga sinasabi nila, ay parang sinisisi nila si Kaius sa nangyaring iyon

"Gia, Anak..."

It wasn't his fault. Umiyak lang naman ako dahil narealize kong si Iris ang kasama niya. He didn't even do anything to me.

Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Hindi ko rin natiis at dumilat na ako at humarap sa kanya.

"Mom."

Narinig kong humikbi si Mommy. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa labas, sa pinto ay nakatayong lahat ang mga pinsan ko. All of them are watching me. Andito pa rin sila. Ang alam ko may trabaho ang iba sa kanila pero andito pa rin sila sa bahay.

"What are you all doing here?"

They all look so worried.

"W-Well uh, we can't leave you like this." si Czarina ang sumagot at tumingin sa sahig.

"Mom, let's not talk about what happened okay? I'm fine, you don't have to worry about me." I smiled.

Tumango lang si Mommy at hinayaan lang ako pero mayroon pa ring mga luha sa mata. 

"Sa baba na tayo mag usap, mag aayos lang ako." sabi ko sa mga pinsan.

"What really happened?" tanong ni Benj.

"Wala, nagkita lang kami don." sabi ko at kumuha ng pagkain.

"E bakit ka umiiyak? Anong ginawa non sayo?" si Ethan.

"Ethan pwede ba, will you calm down? Hindi nakakatulong sa sitwasyon ang temper mo." sabat ni Grae.

"Guys, I'm fine okay? Wag na kayong mag-alala. It's nothing. Nagkita lang kami sa parking lot at nag usap. That's it." sagot ko para matapos na ang speculations nila.

"Are you sure? You're fine?" si Owen. "Bakit ka umiyak?"

Tumango ako. "Wala, I don't wanna talk about it." I said.

"Are you sure hindi dahil kay Kaius 'yon?" si Joyce.

Tipid akong tumango.

"Okay, maya maya aalis na rin kami. Uh, you know may work pa." pag iiba ni Joyce ng topic nang naramdaman atang ayokong pag usapan ang nangyari kagabi.

Tumango ako. "Thank you sa inyo, at pasensya na kung may nangyaring ganon." ngumiti ako sa kanila.

"Do you have work today?" tanong ni Danielle.

"Meron sasabay na ako sa inyo sa pag alis." sagot ko.

Nag ayos kaagad ako dahil malilate na ako sa trabaho. I made sure that I won't look like I had a hangover. Naglagay ako ng kaunting makeup para matakpan ang mga bakas ng pinaggagawa ko kagabi.

"You done?"

Kaming dalawa na lang ni Ethan ang nasa loob ng bahay, lahat ng pinsan ay nasa sasakyan na.

"Yup."

Tumango siya at naglakad na palabas.

"Ethan!"

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon