Chapter 12

18 0 0
                                    

Girlfriend

I'm a bit stressed because of work. Sobrang daming ginagawa ngayon dahil ang HR ang isa sa mga pinakaimportanteng parte ng isang kompanya.

Ngayong linggo ay kinailangan ko talaga ang tulong ni Fury sa trabaho. At kung wala siya, baka araw araw ay nag-oover time ako.

"Miss, andyan na naman daw si Ma'am Amanda."

Sumulyap ako kay Fury na ngayon ay nakaluhod at nag aayos ng folders sa drawer.

"Talaga? Kailan dumating?"

"Kanina po, galing ibang bansa ulit. Nagdiretso lang dito para raw bisitahin ang parents."

"Oh okay."

Ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil may mas mahalaga akong kailangan gawin kaysa ang isipin si Amanda.

Sobrang daming documents ang nakapatong sa aking table at sumasakit ang ulo ko ngayon kung paano ito aayusin at pagsusunod sunurin.

Bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Fury roon.

"Oh, miss! Hindi ka pa nag lunch?"

Lito kong tiningnan si Fury habang nakakunot ang noo.

"Pasado ala una na po." sagot niya agad nang makuha ang pagiging lito ko.

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa orasan. "Talaga? Hindi ko na napansin ang oras." Ni hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang abala sa trabaho.

"Ako na niyan Miss, kumain po muna kayo."

"Sige, salamat, Fury."

Lumabas ako ng opisina dala ang wallet at phone ko bago pumasok ng elevator pababa sa canteen. Isang palapag pa lamang ang ibinababa ng elevator ay bumukas na ito at pumasok si Amanda.

"Gia! Hindi mo na ako nasabihan kung kailan tayo kakain sa labas."

"Uh, oo. Busy kasi talaga, Amanda. Pero sasabihan naman kita kaagad kung kailan pwede."

"Ugh! Nakauwi na ulit ako galing Australia. Magtatampo na ako sayo nyan e."

"Pasensya na. Promise, I'll text you whenever I'm free."

"Fine, papunta ka sa canteen? Lunch? Late na ah?"

"Oo. Hindi na namalayan ang oras e."

"Goodness, you're too busy! Sasabihan ko nga si Dad, ang dami atang pinapagawa sayo."

"Naku, Amanda hindi na. It's okay, trabaho ko naman iyon."

"Whatever, basta! Sige na, you eatwell okay? Masyado kang payat ngayon."

Bahagya akong napatingin sa repleksyon ng aking katawan sa loob ng elevator. "Right, thank you." I smiled.

Lumabas ako ng elevator at naglakad papasok sa canteen.

Nang matapos kumain ay nagpunta muna ako ng washroom para mag retouch ng lipstick. Inilabas ko ang lipstick ko na nasa loob ng wallet bago naglagay sa labi.

Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Hindi na rin ako nakakain ng hapunan dahil agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.

Hirap na hirap pa akong gumising kinaumagahan dahil panay ang bagsak ng aking mga mata. Ayaw pang bumukas at gusto pang ituloy ang pag tulog.

Kinuha ko ang aking cellphone sa taas ng study table ko at nag check ng social media accounts.

Bago ko pa mabuksan ang mga account ko ay bumungad na sa akin ang maraming messages.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon