Chapter 14

12 0 0
                                    

Home

Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. Gusto kong ipahinga ang sarili sa lahat ng nangyari at sa lahat ng mangyayari pa. Paniguradong pag pasok ko ay ibang iba na ang pakikitungo ni Iris sa akin. At anong malay ko? Baka nasabi niya na ang nangyari sa iba, I hope not.

"Mommy, papasok na po ako ngayon." I said.

"Okay Anak, are you sure you're fine now?"

"Yes Mom, Dad. Alis na po ako."

"Mag iingat ka anak." si Daddy.

Naikwento ko kona Mommy at Daddy ang nangyari, lahat lahat kaya medyo hindi normal ang mga kilos ko nitong nakaraang araw.

Si Mommy ay agad na naintindihan ang sitwasyon pero halos gustong sugurin sa trabaho si Iris para sa pananakit niya sa akin. Si Daddy naman ay may kaunting iritang naramdaman kay Kaius dahil nangyari iyon sa akin.

Pumasok ako sa opisina at agad inintindi ang mga gagawing trabaho.

"Good morning Miss!" si Fury.

Ngayong linggo ay matatapos na ang training niya sa akin, magtatrabaho na siya.

"Hi, Fury."

"Ma'am, alam mo ba. Na promote si Oliver! Siguro dapat Sir Oliver na ang tawag ko sa kanya ano?"

"Talaga? Anong position?"

"HR Director po."

"Really? That's good to know."

Ibig sabihin mas mataas na ang posisyon ni Oliver kaysa sa akin, so tama si Fury siguro nga dapat ay 'Sir Oliver' na ang tawag namin sa kanya.

Lumabas ako ng opisina para pumunta sa cubicle at icheck kung naroon pa si Oliver. Diretso at taas noo akong naglakad papunta roon. Nakita kong naglalagay ng mga gamit si Oliver sa isang box.

"Ma'am!" si Randall.

"Gia!" bumati si Oliver.

"Hello!"

"Dalawang araw kang absent ah?" si Prince.

"Ah, oo. Uhm, may mga ginawa lang.."

Narinig kong umismid si Iris.

Bumaling ako sa kanya at nakitang umirap siya habang nakatitig sa computer. Nakita ko rin na nilingon siya ng mga kasama.

Hindi ko na iyon pinansin.

"Naku, itong si 'Sir Oliver' na promote, Ma'am." si Olyn.

"Oo nga e! Congrats, 'Sir Oliver'." pang aasar ko.

Nagtawanan ang lahat ng nasa cubicle maliban kay Iris na seryoso pa rin at walang pakialam sa nangyayari roon.

"Ayun! Sir na rin ang tawag ni Ma'am Gia sayo."

"Alam mo ikaw Prince, tumigil kayo ha. Kailan niyo pa ako tinawag na 'Ma'am' ha?"

"Ah wala po, Ma'am mali kasi na first name basis tayo rito sa trabaho." sagot ni Priscilla.

"Asus! Napagalitan lang ni Amanda ang mga iyan," si Kath.

"Really? Bakit?" kuryoso kong tanong.

"E kasi narinig na 'Gia' lang ang tawag namin sayo Ma'am." si Prince.

"Ah, ganoon ba." tumango tango ako. "Anyway, may celebration ba tayo sa promotion mo, 'Sir Oliver'?" pag iiba ko sa topic.

"Oo naman! Punta tayong Prestige mamaya." tinutukoy niya ang bar malapit sa building namin na kabubukas lang nitong nakaraang linggo.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon