Chapter 2

16 1 0
                                    

Kaius Isaiah Ruiz Adriano

"Miss?"

"Gianna Artemis Constancia. Gia na lang po." ngumiti ako at kinamayan ang babae.

"Ito ang office mo. Hindi ganoon kalaki, pero kung aayusin well it could be spacious." paliwanag niya.

"Yes, thank you po." sagot ko atsaka nilibot ang opisina.

Pinagiisipan kung paano aayusin ito. Tatlong araw na pagkatapos kong magsimula sa trabaho, sa cubicle lang ako noon pero ngayon ay lilipat na alo sa opisina. Hindi ko pa rin ganoon kakilala ang mga katrabaho pero dito naman nagtatrabaho si Kath na kaklase ko noong high school.

Sobra akong na-tempt na ayusin ang opisina, gusto ko ay maging minimalist ang design nito at maging pare pareho ang kulay ng mga gamit para magandang tingnan.

Hindi iyong pagod ka na nga, pagkapasok mo pa ng office at nakakastress sa gulo nito.

"Gia! May meeting daw ang HR ngayon, pasensya na nakalimutan daw sabihin ni Mrs. Velasco sa'yo kanina, nawala raw sa isip."

"Uhm, saan daw ang meeting Kath?"

"Oh doon sa katabing office lang ng dating cubicle niyo. 10 am."

"Okay, salamat!"

So far, maayos naman ang trabaho. Hindi ganoon kapagod pero may mga times na nakakadrain din. Ang pasweldo? Maayos, pati environment sa trabaho. Friendly ang mga kasamahan, ang boss ay maayos makitungo.

"Gia! Sama ka mamaya? Kakain kami ng dinner kasama ang mga boss, magttreat daw sa lahat dahil sa magandang performace ng kompanya." si Oliver, katabi ko noong nasa cubicle pa lang.

"Oh, talaga. Sige titingnan ko ah. Pero invited ba ako?" I smiled.

"Oo naman! Lahat ng empleyado rito imbitado sa mga ganoon. Sige, pero sana makasama ka. Mas masaya kasi kung marami tayo e"

"Ang sabihin mo, mas masaya ka kung kasama si Gia! Asus!" sigaw ni Kath.

"Naku, Kathara! Tigilan mo ang dalawang 'yan, kabago bago pa lang ni Gia rito ay iniissue mo na kaagad!" sigaw ng isang katrabaho.

Okay, this is awkward.

"Alam mo Iris, dapat lang iissue si Gia 'no. Ang tagal na nitong walang jowa! Baka panahon na para magkaroon ng bago. Malay mo, Oliver." makahulugang sabi ni Kath sabay hagalpak ng tawa.

"Pasensya na Gia ah." nahihiyang sabi ni Oliver.

Sa totoo lang, sanay na naman ako kay Kath. Kahit noong high school pa. Dahil sa pang aasar nila ng iba pang mga kaklase ay... well.

Napakamot na lang si Oliver sa kanyang batok atsaka umalis. Ganito ba ang ginagawa ng mga lalaki pag kinakabahan o nahihiya?

Hindi naman sa nagiging ignorante ako pero parang maaga pa yata para rito. They're already shipping me with someone, ni hindi ko pa nga ka-close and not my type. But I think we can be friends.

Hapon nang matapos sa trabaho ay pinuntahan ako ni Prince sa opisina.

"Ano, Gia? Sama ka?"

"Uh, saan daw ba kakain?"

"Ang dinig ko kanina'y Artemis' daw? Hindi ko sigurado, alam mo namang bigatin ang nakatataas sa atin."

Artemis'? Isa 'yon sa mga pinakamalaking food chain sa bansa ah.

The name, it's really interesting.

"Osige, sasama ako. Mag aayos lang."

"Okay! Maaga pa naman, hintayin ka namin sa cubicle."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon