Chapter 4

13 0 0
                                    

Smooth

Kinabukasan pumasok ako sa trabaho, marami atang gagawin ngayon lalo na't hiring ang kompanya, may iilan kasing empleyado na nag resign ngayong linggo lang. Isasama raw ako sa mga magi-interview sabi ni Mrs. Velasco kaya dapat ay agahan ko ang pasok ngayon.

Nakasuot lang ako ng isang navy blue ruffled dress at puting heels. Dala dala ko ang aking bag at sa kabilang braso ay nakasabit ang coat.

"Good morning Miss." bati ng sekretarya ni Mr. Martinez.

"Good Morning." bati ko pabalik.

Pagpasok sa opisina ay agad kong namataan ang isang box na nakalagay sa aking lamesa.

"Good morning, Gia. :)" nakalagay sa note na nasa ibabaw noong box.

Binuksan ko ang box dahil kuryoso akong malaman kung ano ang nasa loob noon. My eyes widened when I saw a cake. Oh my! Paborito ko ito!

I can help but wonder who might leave that cake pr things like that in my table. Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga naiisip.

9:30 raw magsisimula ang interview at alas otso pa lang kaya inintindi ko muna ang iilang paperworks na naiwan ko doon.

Paglabas ay dala dala ko na ang resume ng mga nag apply. Nasalubong ko pa ang ilang interviewees.

"Claire, pakitawag mo na ang unang iinterviewhin. Salamat!"

"Good morning." pormal kong sabi.

"Good morning po, Ma'am."

Inilapag ko sa table ang dalang papel.

"Shall we start?" sabi ko sabay lipat ng tingin sa kanyang resume.

"Tell me about yourself."

"I'm Fury Alvarez, a fresh graduate at the Business Administration University, 20 years old. I took my ojt in Singapore at Lui Corporation. Also, I am a Cum Laude po." ngumiti siya.

I like the name. Fury.

"Why should we hire you?"

"Since I took my training in Singapore, I learned a lot of things in terms of business. I already have the knowledge in some works and I can say that I'm flexible. I can multitask and work independently too."

I saw myself in her. Sa ibang bansa rin siya nagkaroon ng experience and I can say it's a good thing dince it's not that easy to work there, to communicate dahil mangangapa ka sa lahat ng bagay.

Nang matapos ang interview ay agad akong bumalik sa office. Ginutom ako sa dami ng ininterview kahit na hinati na sa aming tatlo nina Mrs. Velasco at Prince ang mga ito.

I ate the cake for lunch dahil tinamad na akong bumaba sa canteen. Sino kaya talaga ang nagbigay nito?

I was going to devour the last bite of my cake when my phone vibrated for a text.

Unknown Number:

Hi Gia, can we meet at the canteen?

Hindi man lang nagpakilala? Who could this be?

Isinubo ko ang cake at uminom ng tubig bago nagpasyang bumaba sa canteen. Pagkababa ko ay kakaunti lang ang tao roon. Luminga linga ako atsaka nahuli ng aking mga mata si Iris na nakaupo hawak ang kanyang cellphone.

Lumapit ako sa kanya at inusog ang upuan sa tapat niya.

"Gia!" mukhang gulat pa siya sa pagdating ko.

"Ikaw ba ang nagtext sakin?"

"Uh, o-oo e." hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"May problema ba?" tanong ko.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon