Chapter 16

28 1 0
                                    

Pictures

Dala dala ko papunta sa opisina ang mga files na pinatapos ni Oliver kahapon. Pagkarating na pagkarating ay dumiretso kaagad ako papunta sa opisina niya.

"Ito na yung mga pinapagawa mo."

I was confident dahil natapos ko ang mga iyon kahit na marami akong iniisip but at the same time, I feel awkward ngayong nasa iisang silid lang kami ni Oliver.

Inilagay ko sa table niya ang mga folders nang hindi siya tinitingnan. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Bumalik kaagad ang mga ala ala ko noong nasa bar kami, naisip ko ang mga ginawa niya noon. Lumingon ako at mabilis na pinalis ang kamay niya

"Anong ginagawa mo?!" defensive kong sigaw.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko at itinaas ang parehong kamay na para bang sumusuko.

"I-I'm sorry, Gia." yumuko siya, hindi makatingin sa akin.

Medyo nagulat din ako sa naging reaksyon ko pero justifiable naman iyon, agad akong umayos ng tayo at tumango.

"Wala iyon, aalis na ako." I said.

"No, Gia. Please, mag usap tayo."

"Ano bang pag uusapan natin? I don't want to talk to you. Kung tungk sa pamimilit na ginawa mo noong nasa bar, save it."

"I'm sorry, Gia. Pasensya na sa ginawa ko... hindi ko alam n-na may boyfriend-"

"Wala na akong boyfriend." I said bitterly. "At kahit na may boyfriend man ako o wala, hindi tama na namimilit ka, Oliver."

Nagulat ulit siya pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"I'm sorry for what I did yesterday. Hindi ko sinasadyang pahirapan ka."

Tumango lang ako.

Hindi sinasadya. My mind echoed.

"Sorry, Gia. I hope you can forgive me... and we'll be friends again."

No, I don't think so. Tinitigan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas sa kanyang opisina.

Paglabas ko sa opisina ni Oliver ay nakasalubong ko ang nakangising si Iris. Hindi ko siya pinansin kahit na mabilis na napicture ng utak ko ang litratong nakita ko kahapon.

Tumunog ang phone ko, tumatawag si Astrid.

"Hi." bati ko.

"Gia! What the hell is happening?"

She's panicking.

"Ano? Bakit?" medyo nag panic na rin tuloy ang boses ko ngayon.

"Tinawagan ako ni Kaius kahapon, he's worried. Anong nangyari sa inyo? Nag away ba kayo?"

Tumikhim ako at sumandal sa upuan. "Wala, wag mo na lang pansinin." I said and opened my bag.

Nakita ko ang iilang snacks doon katulad ng chocolates at tubig, hay Gian.

I smiled.

"Gia, what really happened? He said you blocked him sa Facebook pati sa phone mo. Hindi ka raw niya ma-contact."

Nawala ang ngiti ko nang magsalita si Astrid.

"Sa susunod ko na lang ikukwento, I'm not really in the mood to talk about it. I'm sorry, Astrid. I hope you understand."

"Fine, but please make sure you're okay."

Ibinaba ko ang phone at ipinagpatuloy ang trabaho

Naghuhugas ako ng kamay sa washroom nang may tumabi sa akin at nagbukas din ng gripo.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon