Chapter 3

16 0 0
                                    

Iris

Maaga akong nagising. It's Sunday today at kagabi pa lang, naalala ko nang sinabi ni mommy na sisimba raw kami ngayon sa bayan.

Bumangon kaagad ako at iniayos ang comforter ng kama. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Ay, Ma'am pasensya na po. Akala ko tulog pa kayo, ako na po ang mag ayos ng kama." sabi ng katulong.

"Sige Ate Martha, gigisingin ko na si Gian."

Nagsuklay lang ako saglit at naghilamos bago pumunta sa kwarto ng kapatid. Sinadya kong hindi kumatok para magulat siya.

Mabilis kong binuksan ang pinto at saka sumigaw.

"Good morning! Rise and shine, sleepy head!"

Hindi niya ako pinansin pero narinig ko ang mahihinang pag iinarte niya.

"Mom! Si Gian ayaw daw sumimba!" I shouted.

"Ate!" sigaw niya atsaka mabilis na bumangon.

I laughed at his reaction. Hay! Namiss kong kulitin ang isang 'to. Noong nasa Canada kami ay hindi gaanong masaya dahil sa mga problema. Ilang taon din bago nawala ang mga problemang hinaharap namin.

"Gianluca Constancia!" si Mommy.

"Ang mahuling bumaba, hindi makakakain ng cake na binake ng mommy niyo ah." sigaw ni Daddy.

Nagkatinginan kami ni Gian at agad na bumalikwas para makababa.

"Ate Martha pakiligpit ang kama ko!"

Habang pababa ay tumigil ako sa hagdan para mapatigil din siya pagkatapos ay agad na binilisan ulit sa pagbaba.

"Mine!" sigaw ko habang kinukuha ang kutsilyong panghati sa cake.

Masayang masaya ako nang nagtagumpay sa pagkain ng cake. Nasa akin ang huling halakhalak Gianluca! Habang kinakain ko ang cake ay nagtaas ako ng kilay para mas lalo siyang maasar.

"Hay nako, para kayong mga bata! Gian, meron pa roon sa loob." sabi ni Mommy habang nakangiti.

"What!? Seriously, Mom?"

Traydor!

Humagalpak ng tawa si Gian habang iniinis ako.

"Takbo ka pa ah!"

"Kainis."

"Look how happy we all are. Sana ganito tayo palagi." si Daddy.

"Dad, ganito naman na tayo pagkatapos nang nangyari sa Canada." sabi ko.

"Oo nga, Dad. Kalimutan na natin 'yon. Masaya na tayo ulit ngayon." si Gian habang nginunguya ang chocolate cake na itinabi ni mommy para sa kanya.

After eating, kanya kanya na ang paghahanda namin sa pagpunta ng church. Nagsuot ako ng isang kulay sky blue na dress at isang beige dollshoes. Itinali ko rin sa ponytail ang aking buhok, naglagay ng nude lipstick at dinala ang isang maliit na bag para lagyan ng wallet at cellphone.

Sa simbahan, nagpasalamat ako sa lahat ng blessings na natanggap ko. Dahil ngayon, masaya na kami ulit. My parents' business is okay, ang trabaho ko, pati pagaaral ni Gian at lalong lalo na, ang health namin.

The truth is... we went to Canada to treat my illness. Kinailangan kong magkaroon ng kidney transplant, hindi lang 'yon, iba't ibang komplikadong bagay pa ang ginawa para lang gumaling ako, muntik pang maging kritikal ang buhay but fortunately, gumaling ako. I also decided to study there since wala pa akong tapang at lakas na bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng lahat ng nangyari. I am too embarrassed too.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon