Chapter 22

8 0 0
                                    

Finally

"Anak, Eleanor invited us... over lunch. Pupunta tayo sa Artemis'." Dad said.

Nakatingin siya sa akin ngayon at tinitimbang ang magiging reaksyon ko. We're going to Artemis', ang lugar kung saan bumalik lahat ng ala ala ko.

Tumikhim ako. "Okay po, maghahanda na ako." I said.

Lumabas si Daddy sa kwarto saka ako naghanap ng damit. Napili ko ang isang yellow floral sleeveless dress. Kinuha ko ang itim na block heels para pang partner doon.

Habang naglalandas ang malamig na tubig sa aking katawan ay naisip ko ang lahat ng pinagdaanan. I've conquered my sickness, I came back to my life from Canada and get back with my boyfriend. I met an accident and lost all my memories. They came back after a couple of months and now I live happy.

Sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi ko na alam kung mayroon pa akong problemang hindi kakayaning lampasan. I am happy now together with my friends and family.

Sa nagdaang ilang buwan hindi ko pa nakakausap si Tita Eleanor. Hindi pa kami nagkakaayos but maybe, maybe today will be that day. Ang araw na matagal ko nang inaasam. Na mapatawad niya na ako sa ginawang pananakit kay Kaius at matanggap bilang daughter in law niya, kung magkataon. Sana.

Si Iris naman, hindi ko na nakita. Tiningnan ko ang Facebook account niya, in-unfriend niya na ako roon but she still follows me in my Instagram account. Hindi na ako nakatanggap ng kahit anong message sa kanya but I know now, she is the woman weeping and saying her apologies noong hindi pa ako nagigising. It's fine now, atleast she said sorry, kahit na hindi ko siya nakita noon. Atleast, I felt the sincerity. I forgave her already.

Lumabas ako ng banyo para magbihis. I blow dried my hair and put on a matte lipstick bago bumaba.

"Let's go?" si mom.

Tanging ang tunog ng radyo lamang ang naririnig sa buong sasakyan dahil walang nagsasalita. Magkatabi kami ni Gian at abalang abala siya sa pagkalikot ng phone dahil may ka-text.

"Sino 'yan?" sabi ko bago humilig sa kanyang balikat. "Your girlfriend?" I asked.

Bahagya siyang umusog kaya medyo nahulog ang ulo ko sa kanyang balikat. Kukunot ang noo ko.

"Adie. Not my... girlfriend." tipid niyang sagot.

Si Adie?

Iwas na iwas sa akin ang phone niya at ayaw na masulyapan ko ito. Natawa na lang ako sa ginagawa niya.

Umalis sa ako sa pagkakahilig kay Gian at itinext si Kaius.

Ako:

We're on our way, see you! I miss you. :(

Agaran ang reply niya roon. Siguro ay nandoon na sila ng pamilya niya sa restaurant.

Kaius:

I can't wait to see you, I miss you too. Please take care.

Sumandal ako sa bintana ng sasakyan at pinanuod na lang ang nadadaanang lugar. Ramdam na ang lamig sa loob ng sasakyan at kita na ang medyo malabong daanan. I suddenly felt something just by seeing the place.

"Okay! The next song is requested by Priscilla Suarez."

Priscilla Suarez? Si Priscilla?

Tumugtog ang intro ng kanta. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa labas ng sasakyan. The volcano looks good, the heaven is in bright sky blue and the silver lining of the clouds are glowing.

"I was young but I wasn't naive

I watched helpless as he turned around to leave

And still I have the pain I have to carry

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon