Chapter 21

19 1 0
                                    

Swimming

Kasama kong bumalik sa bahay si Kaius. Sa sasakyan ay hindi kami nag usap. Tahimik lang at wala ni isang nangahas na magbukas ng topic.

Hindi ko alam ngayon kung paano ko ba siya dapat pakitunguhan. Nahihiya ako at para sa akin ay awkward dahil sa tagal naming hindi nagkita at nagkausap. Hindi na ako sanay na mayroong boyfriend.

"Anong ginagawa mo rito?!" umalingawngaw ang lakas ng boses ni Mommy sa buong bahay nang makita niya ang pag pasok ni Kaius sa pinto namin kasama ko.

Nanlaki ang mata ko at nagtataka ko siyang tiningnan. "Kasama ko siya, Mom!" I said, gulat sa ipinakita niya kay Kaius.

I held Kaius' hands. Naramdaman ko ang lamig noon, naramdaman ko rin ang pag lingon ni Kaius sa akin at ang pagbaba ng tingin sa kamay naming dalawa.

Anong problema ni Mommy? She looked shocked when I was the one who answered her question for Kaius.

"H-Hija, do you..."

"I remember now, Mommy."

"Good evening, Ma'am." bati ni Kaius.

Tumango lang si mommy at sumulyap kay Kaius pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa akin. "Do you remember everything?" she asked.

"Yes po."

"Even the..." hindi niya maituloy ang gustong sabihin.

Kahit na alam ko na naman kung ano iyon.

"The night of the accident-" natigil ako nang dumiin ang pagkakahawak ni Kaius sa akin. "Yes. Everything. I remember everything." nilingon ko siya.

Titig na titig siya sa akin.

"Oh, hija!" niyakap ako ni Mommy bago siya bumaling kay Kaius. "And you. I thought your girlfriend is Viktoria Meneses?" umismid siya.

Anong meron at bakit hindi tinitigilan ng mga babae si Kaius? Masyadong guwapo? Mayaman?

"Isa lang po ang girlfriend ko, Ma'am."

Ma'am? Isinatinig ko kung ano ang nasa isip.

Kumunot ang noo ko at napalingon kay Mommy. "Ma'am? Mom? Bakit ganyan ang tawag ng boyfriend ko sa inyo?" I asked.

"Uh, well hija..." she chuckled nervously.

Bumaling ako kay Kaius gamit ang nagtatanong na mga mata. What drama is it now? Why is he addressing my mom as "Ma'am"?

"Can we sit first? Can you chill, Anak?" sabi ni Mommy at umupo sa sofa.

Pinilit ko ring umupo kahit na takang taka pa rin sa nangyayari.

"When you met an accident, well uh, I kinda blamed Kai for that. I... said I don't treat him as family anymore and that he's not allowed to call me "Tita"-"

"What? Mom?!" protesta ko. "Hindi niya kasalanan ang nangyaring iyon sa akin." mariin kong sabi.

Mabilis na nalukot ang mukha ko. Why is she blaming Kaius for the accident? Bakit siya umaarte na parang ipinagtanggol niya ako kay Tita Eleanor noon. Edi sana ay hindi ako umalis.

I'm not blaming anyone. Jinujustify ko lang na hindi dapat niya sisihin ang iba gayong isa rin naman siya sa dahilan kung bakit may nangyari noong gabing 'yon.

"I-I know hija, it's mine. If only I didn't took Eleanor's side then-" tumungo siya at kinalikot ang mga kamay.

"Hindi po ako naninisi sa nangyari sa akin. Tapos na po iyon, I just want everything to go back to what it was before." I said. "Marami na akong nasayang na oras, that instead if spending those times with the people I love, I was laying in my bed for the past six or seven months, not even able to remember anything." matapang kong sabi.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon