Chapter 18

20 1 0
                                    

Too late

I was busy preparing for the party when Kaius called.

"Hey." kumaway ako sa screen.

Pambahay lang ang suot ko ngayon, isang loose t-shirt at shorts habang nakapusod ang magulong buhok.

Napansin kong nakahiga pa si Kaius sa kama, mukhang kagigising lang samantalang ako ay kanina pa nagising at nakakain na, masyadong excited na umattend sa convention.

"Hi." his voice was a bit hoarse. "I sent the dresses. You're getting ready?"

"Dresses?"

"Hmm, yeah. Dalawa iyon para may pagpilian ka."

"I trust your taste. Pero pwede namang isa lang." I said.

Narinig kong tumunog ang doorbell. Hinawi ko ang kurtina at sumilip ako sa bintana para tingnan kung sino iyon.

Nakita kong kinuha ni Ate Martha ang dalawang malaking puting box na may kulay itim na ribbon sa deliveryman. Medyo nagtagal pa ang usapan nilang dalawa bago tuluyang pumasok si Ate Martha sa loob ng bahay.

"Anong oras ka ba magp-prepare?" I asked and closed the curtain.

"Maya maya, I'll go to the restaurant first, ibibilin ko lang then I'll fetch you."

"Oh, okay. Sige, bababa lang ako, bye!" Nag flying kiss pa ako bago pinatay ang tawag.

Pinatay ko ang video call at bumaba papuntang sala.

"Ma'am Gia, good morning. Para sayo raw itong delivery." Ate Martha giggled.

Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. What's so funny? "Thank you, Ate." sabay kuha ko sa box.

"Ano 'yan anak?" Mommy asked.

"Dress po, mom. Pupunta po ako ng business convention ngayon, kasama si Kaius."

"Really? Ellie invited me too! Do you want to go there with me?... Oh! Or susunduin ka ni Kai?"

"Susunduin po ako," I smiled.

Binuksan ko ang naunang box. Nagningning ang mga mata ko sa emerald green spaghetti strap v-neck long gown. Sobrang daming glitters at sobrang eleganteng tingnan. Ang isa naman ay kulay navy blue na mermaid gown na may combination ng sweetheart at off shoulder neckline.

Nang isukat ko ay gusto kong mag histerya dahil hirap na hirap ako sa pamimili. Gusto kong isuot ito pareho kung pwede lang. Ang kulay emerald green na dress ay sakto ang fit ng top sa akin samantalang ang pinakababa nito ay medyo flowy at ang navy blue naman ay sobrang tight na talaga namang niyayakap ang buo kong katawan dahil sa yari.

"Gian!" I called.

"What?" narinig ko pa ang pagtunog ng sahig sa kwarto niya habang papunta sa kwarto ko.

"Tingnan mo nga, anong mas bagay sakin?" I went out of the walk in closet and showed him the both dress. Umupo siya sa kama ko.

"Parehong maganda, pero mas maganda para sa akin yung green kasi masyado kang sexy tingnan dun sa isa."

"Talaga? So sinasabi mong sexy ako?" I joked.

"Tss. Bahala ka, Ate."

Humagalpak ako ng tawa. Ang arte!

"I'm just kidding, how about the sandals?" inilabas ko halos lahat ng kahon ng sandals ko sa kwarto at isa isa iyong binuksan.

"Ang dami naman." nakita kong ngumiwi si Gian nang nakita ang mga sandals ko. "Makikita pa ba 'yan? E ang haba naman nitong gown mo."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon