Chapter 7

16 0 0
                                    

Okay

"Uy, pupunta raw dito yung anak nila Mr. Martinez ah." bulung bulungan sa labas ng office.

"Sino? Iyon bang nakakatakot? Naku!"

Hindi ko mahulaan kung kilala ba talaga nila ang anak ni Mr. Martinez o hindi dahil iba iba ang opinyon nila base sa naririnig ko.

Lumabas ako ng opisina para mag print ng files. Nasa cubicle kasi ang printer at doon talaga lahat nagpiprint ang mga empleyado.

"Ako na po nyan, Miss." salubong ni Fury.

"Hindi na, ako na. I-organize mo na lang ang mga papel doon sa drawer sa office ko. Salamat."

Tumango siya atsaka mabilis na naglakad pabalik sa office.

"Uy, Gia. Narinig mo? Pupunta rito ang anak ng boss natin." si Prince.

"Ah, oo! Sinabi niyo sakin kahapon." sagot ko. "Bakit parang... busy kayo at nagp-prepare?"

Napansin kong bigla silang naging busy nang mabalitaang dadaging si "Amy."

"Amy..." bulong ko habang inaayos ang mga ipiprint.

"Oh, kilala mo?" si Randall.

"Hindi." I chuckled.

"Maganda 'yon si Ma'am, mukha nga lang masungit. Atsaka nakakatakot, gusto noon malinis ang lahat e. Kaya kami nag aayos ng cubicle ngayon. Daig pa noon sila Mr. Martinez." singit ng katrabaho.

"Anong mukha? Masungit talaga." si Oliver.

"Mabait naman siguro! Don't judge the book by its uhm, attitude. Charot!"

Ngumisi lang ako sa kanila. Now I'm curious about her

"Gia, kape?" anyaya ni Oliver.

"Uy, si loverboy!" asar ni Iris.

Napatingin ako sa kanya, she's already looking at me. Nag iwas ako ng tingin at humarap kay Oliver.

"Sige lang, katitimpla lang ni Fury ng kape ko kanina. Salamat."

Bigla namang nagpakita si Fury.

"Nako, Fury ah. Inaagawan mo ng trabaho si Oliver." pang aasar ni Randall na kaibigan naman ni Prince.

"P-Po?!" litong tanong ni Fury.

Nagtawanan ang mga nasa cubicle. Inaasar na naman si Oliver ngayon.

"Ilang beses na bang pumunta rito ang anak ni Mr. Martinez? pag iiba ko ng topic.

"Isa pa lang ata e. Palipat lipat lang kasi ng bansa 'yon e. Alam mo na, mayaman ang magulang." si Olyn.

"Hmm. Hindi niyo alam ang pangalan bukod sa nickname?" tanong ko.

"Amanda." sagot ni Iris.

Amanda? Amanda Martinez?!

"Amanda?" tanong ko.

Bago pa sila makasagot ay narinig na naming lahat ang maingay na tunog ng heels.

"Good morning, Ma'am Amy." bati ng iba.

Nilingon ko kung sino ang binati nila.

Isang babaeng naka all white jumpsuit at red na sling bag. Pulang pula rin ang labi. Nakasuot ng sunglasses at naka high pony tail ang buhok.

"Amanda?" bulong ko sa sarili.

Oh gosh! Siya ang anak nila Mr. Martinez?

I hope nakamove on na siya sa nangyari noon. I hope she won't make my life a living hell here in the office. Tutal hindi na naman kami ni Kaius, maybe she'll spare me. But how about, Iris?

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon