Chapter 17

15 0 0
                                    

Heart

Sa amin nagpalipas ng gabi si Kaius. Kinaumagahan sabay sabay kaming nag breakfast nila Daddy.

"So, what really happened between you two?" si Mom.

Hindi talaga ako titigilan nitong si Mommy hangga't hindi nalalaman ang nangyari.

"Mom? Wala bang good morning muna? Talagang yun agad ang panimula?" si Gian.

Halos matawa ako sa attitude niya ngayon. Well he has a point though. Ayoko ring sagutin ang tanong ni Mommy, awkward iyon lalo na't sa hapag kainan pa paguusapan. Isa pa, the problem is between me and Kaius, hindi dapat nila ganoong inuusisa iyon.

"Oh! I'm sorry, my bad." hilaw na humalakhak si mommy. "Good morning. Hehe." she said.

"Good morning po, Tita, Tito." si Kaius.

"Let's not talk about that here." seryosong si Daddy.

Tahimik na natapos ang breakfast namin. Ihinatid ako ni Kaius sa trabaho at nangakong susunduin ako.

"Do I call you when I'm done or I'll wait for your call?" I asked.

"No, call me when you're done."

"Okay, ingat ka. I love you."

"I love you too, please take care." he smiled.

Pagpasok ko pa lang sa trabaho ay nakita ko na agad ang isang malaking crowd sa mga cubicle.

"Oh, Fury anong meron?" tanong ko.

"Miss, e si Iris nagwawala."

Oh? Anong naman ang nangyayari sa kanya ngayon?

"Oh! dumating na pala ang kabit!" she immediately pointed her finger on me.

Mabilis na naglakad si Iris patungo sa akin at itinaas ang dalawang braso para sabunutan ulit ako.

Shit, ang hilig niyang manabunot!

Tumakbo kaagad si Prince at Randall para pigilan siya.

"The hell, Iris? Ano bang sinasabi mo kay Gia ha?!" si Kath.

"Iris!" sigaw ni Prince.

Nakaiwas kaagad ako sa kanya kaya halos natapilok siya sa ginawa ko.

"You!"

"Iris, hindi pa ba tapos 'to? Hindi ka pa ba nag sasawa?"

"Really? Alam mo bang kinausap ako ni Kaius? Pinapalayo niya na ako sa pamilya niya! Kasalanan mong lahat iyon!"

"At paano ko naging kasalanan 'yon? Pwede ba, Iris. Wala akong panahon sayo, at kung gusto mong pag usapan 'to, wag kang gumawa ng eskandalo."

Papasok na sana ako sa opisina ko nang nagsalita pa ulit siya at umambang susugurin ako.

What the hell is her problem? Gusto niya ba talagang palagi kaming nagsasabunutan? Ano ang problemang maaayos sa pananabunot?

"Iris tama na!" si Randall. "Damn..." bulong niya.

"Shit, ano bang nangyayari kasi?" si Olyn na ngayon ay palapit din sa amin.

"What? Bakit? Ayaw mong malaman ng office mates natin na kabit ka?"

"Kabit? What the heck?!" umalingawngaw ang boses ni Amanda sa buong opisina.

Napasinghap ako. Ito na nga ba ang iniiwasan ko, baka mamaya makarating pa ito sa boss namin.

"M-Ma'am Amanda," sabay na napaatras si Randall at Prince.

"Iris, ano 'to?" Amanda asked.

"I-I, Ma'am... I'm sorry.." nakatungo si Iris ngayon sa harap ni Amanda.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon