Chapter 13

17 0 0
                                    

No buts

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Nang tingnan ko ang buong kwarto ay napagtanto kong ako na lang ang naiwang natutulog.

Inayos ko kaagad ang aking mukha at bumaba.

"Good morning!" si Astrid.

"Gia! Good morning,"

Parehong naghahanda ng pagkain si Astrid at Kath noong bumaba ako.

"Good morning, anong oras na?"

"9 am." turo ni Kath sa orasan.

"Shit!? Malilate ako!" natataranta akong kumuha ng plato at nag lagay ng pagkain doon.

"Oh, anong oras ang pasok mo?" tanong ni Kath.

"Dapat 10:30 nasa office na ako. Wala ka bang pasok?"

Ngumiti lang siya at umiling. Nakuha ko pang obserbahan si Astrid kahit na nagmamadali na ako sa pagkain. She seems okay now.

Nang matapos kumain ay kinuha ko kaagad ang mga damit na binili kahapon sa sasakyan. Mabuti na lang at bumili ako ng damit!

"Pasensya na, kailangan kong mag madali ah?"

Suot ko ngayon ang isang puting one shoulder top at kulay army green na stirrup pants. Itinali ko sa isang messy bun ang aking buhok habang pababa ng hagdan.

"It's fine, thank you for dropping by here. Sorry sa abala."

Mahigpit akong niyakap ni Astrid.

"No problem, please tatawagan mo ako kapag ganito, okay? I love you." I said.

"I love you too, ingat ka."

"Ingat, Gia!" si Kath.

Lumabas ako ng bahay at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Halos makipag unahan ako papasok ng elevator para lang makapasok on time. 10:27 ako nakarating sa trabaho. Hinihingal pa nang mag scan ng i.d.

"Miss! Ayos ka lang?" sinalubong ako ni Fury.

"Ayos lang." I chuckled sabay punas ng pawis sa noo gamit ang kamay.

"Gia, panyo." si Oliver sabay lahad ng kulay itim na panyo.

Malapad akong ngumisi sa kanya. "Thank you, wala akong dala e."

Dumiretso ako sa aking opisina at naupo sa swivel chair. Taas baba ang dibdib ko habang nakaupo. Hawak ko ang magkabilang arm rest ng upuan.

Nang makabawi sa pagod ay nagsimula na akong magtrabaho. Abala ako sa aking laptop nang napansin ang figure ng taong nakatayo sa labas ng aking office.

Itinaas ko ang tingin ko roon at nakita kong si Iris ang nakatayo at nakatingin sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad siyang nagulat at umalis doon.

Kumunot ang noo ko habang nagbabasa ng files. That's weird perk hindi ko na iyon pinansin at itinuon na lang ang pansin sa trabaho.

"Miss, lunch po oh."

"Oh? Saan galing?" kinuha ko ang box na dala ni Fury at inilapag sa desk.

"Kay Oliver, Miss."

"Oh! Uhm, okay."

Tinapos ko pa muna ang ginagawa bago ko buksan ang pagkain. Ngayon, aware na talaga ako na nagpapahiwatig na siya ng nararamdaman sa akin.

The feeling was actually foreign. Sa tagal kong hindi nakaranas nang ganito, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat mararamdaman, although in Canada, meron namang sumusubok manligaw pero hindi ako pumapayag. Ang hirap na ngang mag move on noon para sa akin, hindi ko kaya na magkaroon ng bago habang hindi pa ako nakakamove on.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon