Chapter 9

22 1 0
                                    

Museum

Tahimik ako sa sasakyan habang pauwi kami. Iniisip ang naging desisyon kanina lang.

"Are you okay?" concerned niyang tanong.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Still unfocused and confused.

"By the way where did you get my number?" tanong ko.

"From Astrid."

I knew it. Naisip ko na iyon pero gusto ko lang bigyan ng benefit of the doubt si Astrid na hindi niya ako ilalaglag kay Kaius pero nagkamali ako. That girl!

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Pinindot ko ang lock ng seatbelt para matanggal ito. Lumabas naman si Kaius para buksan ang pinto.

Nang makababa ay binigyan ko ng mababaw na halik sa pisngi si Kaius.

Natigilan siya sa ginawa ko at hindi agad nakabawi.

"Good night. Text me when you're home." bulong ko habang nananatili siyang nakatingin sa akin.

"Good night, I will." he said huskily.

Pagpasok sa pinto ng bahay ay bumungad sa akin si Mommy at Daddy na hindi maipinta ang mukha sa pag aalala.

"Hija!"

Mabilis na tumungo si Mommy sa kinaroroonan ko at yumakap. What happened?

"You're late." mariing sabi ni Daddy.

"I'm sorry po. May nilakad lang."

"And you're not answering your phone!"

I checked my phone to make sure. Nakita kong naka silent iyon. Shit. You're in trouble, Gia.

"Dad, naka silent po. Pasensya na, hindi na po mauulit. Mom."

Tumingin ako kay Mommy at umasang sasanggain niya ang apoy na ibinubuga sa akin ni Daddy.

"Napapansin kong ilang araw ka nang ginagabi. Saan ka pumupunta?"

"I'm busy with work at ngayong gabi may kinita lang po." sabi ko sa isang maliit na boses.

"Ignacio, tama na 'yan. Alam niya na ang mali niya." lumapit si Mommy kay Daddy at tumingin sa akin.

It was like she's telling me that "I already did my part, bahala ka na dyan."

"Sino iyan at inaabot ka ng ganitong oras sa labas? Alam kong matanda ka na pero kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo, hindi ako magdadalawang isip na i-ground ka."

Grounded ako? What the hell, I'm too old for that!

Mahinahon pero may diin ang bawat salita. I get it though, kahit ako ay napapansin ang madalas na late kong uwi pero grabe ang galit ngayon sa akin.

"Ignacio, wag ka ngang ganyan! Kumalma ka!" si Mommy. "She's an adult for goodness' sake! Hindi na bata si Gia para iground."

"It's okay, mom. Naiintindihan ko po, sorry hindi na po mauulit... Akyat na po ako, pagod na." pagod akong ngumiti.

Umalis ako at umakyat na papunta sa kwarto. Nasa pangatlong step pa lamang ako ng hagdan ay narinig ko na ang reklamo ni Daddy.

"Hindi pa ako tapos-"

"Ignacio! Ano ba!?"

Napatigil si Daddy sa sigaw ni Mommy. Nagpatuloy naman ako sa pag akyat, this day is too tiring para pa sa mga ganito. Kung bukas ay galit pa sila sa akin, bukas ko na lang sila kakausapin.

Magiisang oras na akong nakahiga lang at nakatingin sa ceiling ng kwarto. Hindi makatulog dahil sa kung ano anong iniisip.

I'm overthinking. Ang daming nangyari ngayong araw.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon