Chapter 15

17 0 0
                                    

Heartbreak

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan. It was a normal day at work. Actually maayos nga dahil nagawa ko pang batiin ang mga kasama sa trabaho.

"Good morning, Fury." nakangiti kong bati kay Fury.

"Morning... Ma'am."

"Oh? Wala ka sa mood?"

"Medyo may hangover lang po." sabi niya sabay upo sa tapat ng table ko.

Tumawa ako at naupo na sa swivel chair.

"I'm sorry, kailangan kong umalis kagabi, hindi na kita nasamahan."

"Okay lang, Miss. Sinabi po sa akin ni Miss Kath na nauna na kayo."

Tumango ako at ngumiti.

Nagpunta ako sa cubicle para mag print ng ilang paperworks.

Napansin kong walang laman ang table ni Iris. Baka umabsent siya dahil nalasing kagabi at baka may hangover pa rin.

Ayan tuloy at pare parehong pagod at lutang ang mga katrabaho ko. Marami ata ang nainom ng mga ito kagabi.

"Good morning!" maligaya kong bati. "Ano? Hangover?" I laughed.

"Asus! Madaya ka e, ang aga mong umuwi!" si Olyn.

"Si Prince at Randall lang ata ang walang hangover dahil sanay na mag lasing ang mga iyan." tawa ni Kath.

"Hoy! Hindi ka man lang ba mag papasalamat na inalagaan namin kayo matapos niyong malasing kagabi?" si Randall.

"Che!" nagtawanan kaming lahat.

Nang bumalik sa opisina ay nakita kong nakatayo sa harap ng mesa si Oliver at nakapatong ang braso sa isang tambak na dokumento sa table ko.

Nang makita ang pagpasok ko at agad na tumingin sa orasan at umiling iling.

Oh? Ano ang mga iyan?

"Oliver." I said.

"Gawin mo ang mga 'to, kailangan ko 'yan mamayang lunch." sabi niya sa isang seryoso at iritadong boses. "And you're late?"

Late? And what? Imposible ata 'yon! Masyadong marami ang mga ito para matapos ko hanggang lunch.

Atsaka bakit sa akin inuutos ito e may assistant director naman siya?

"Uh, Imposible atang matapos nang lunch ito-"

"I don't need your incompetence here, tapusin mo ang mga 'yan o kung hindi mo matapos then you're not worth your position." sabi niya bago umalis sa opisina.

Naiwan akong laglag ang panga sa sinabi niya. Talaga bang sinabi niya na incomptent ako?

What the hell?

Pwes, patutunayan ko sa kanyang hindi totoo ang mga sinabi niya. Asshole!

Chineck ko ang mga pinapagawa niya sa akin, halos lahat ng nasa table ay trabahong hindi ko naman dapat ginagawa. Hindi na 'to sakop ng trabaho ko ah?

Hindi na rin ako nagreklamo pa. Bago ko simulan ang mga papeles ay nag ipit muna ako ng buhok at tinawagan si Kaius para mangumusta.

Medyo natagalan pa bago niya nasagot ang tawag ko.

"Hi, Kai, nasaan ka?"

"Hey, I'm sorry." choppy ang linya kaya napakunot ang noo ko. "I'm in Palawan, we're having a family vacation. Pinilit lang ni Mommy. I'm sorry, hindi ko kaagad nasabi." he said.

Naririnig ko pa sa background ang malakas na pag hampas ng mga alon.

"Oh. It's okay, enjoy Palawan!" nakangiti pa ako habang sinasabi iyon.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon