Prologue

1.5K 24 2
                                    

“Masungit, suplada, matalino, mataray.”

Tinignan nila nang masama si Anne pero nang makita nila akong nakangiti, nakahinga sila nang maluwag saka inamin na pare-pareho sila ng first impression sa’kin.



I'm not shocked, really. If you'd ask around about what they think about me at first, especially the boys, they'd say the same.


Kunsabagay, mukha naman talaga akong masungit at mataray lalo na at sobrang bihira lang ako kung ngumiti o tumawa.


Ito naman ang pagkakakilala sa’kin ng mga tao. Isang babaeng matalino at laging seryoso, malalim mag-isip, hindi palakaibigan at mataas ang standards sa lahat ng bagay kaya hindi na nagtataka ang mga kapatid ko na wala silang nababalitaang naging boyfriend ko.



Totoo naman ang balitang wala pa ‘kong nagiging boyfriend at wala pa akong balak sa ngayon. Hindi dahil ako ‘yong tipong inuuna ang pag-aaral kun’di dahil takot ako sa commitment.



Kung MU ang pag-uusapan, hindi ko na mabilang pero wala halos nakakaalam pero walang nagtatagal. Sa lahat ng ‘yon, ako ang bumitaw lalo na kapag nararamdaman kong mas naa-attach na ang lalake sa’kin dahil alam kong hindi ko mabibigay ang gusto nilang relasyon.



I had this kind of reputation of being called a 'heart breaker' because of all the guys that cried and chase after me . Karamihan sa kanila ay naghabol pero wala akong binigyan ng chance kasi para sa’kin, kapag tapos na, tapos na. And nothing's ever changing that.



Marami rin ang nagtatanong kung bakit halos mabaliw sila sa’kin at paano ko nababaliktad ang mga pangyayare na nagreresulta sa laging pagsuyo sa’kin ng lalake. Simple, hindi ako marupok at masyadong mataas ang pride ko para manuyo, para maghabol.



But not until I met someone I didn't know I'd love the most. The one who taught me how to lower my ever-so-high-up pride, down.


Ang nag-iisang lalakeng paulit-ulit kong sinuyo at hinabol.



Lalakeng bumali sa mga pinaniniwalaan ko.



Ang dahilan kung bakit ako bumali sa mga rules na ginawa ko para sa sarili ko.





Nawala ang babaeng mataas ang pride.



Nawala ang babaeng mataas ang standards.



Nawala ang babaeng magaling magmanipula ng mga lalake.



Maybe this is Karma being the real bitch it is. Isang lehitimong karupukan para sa pag-ibig na hindi inaasahan.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon