Habang bukas ang iPad ko dahil ka-video call ko sina Brae at Raven, bukas din ang laptop ko dahil sa mga sinesearch kong details. Huwebes na agad bukas at hanggang huwebes lang ang pasok namin kaya malakas ang kutob ko na may magbibigay ng quiz bukas. Kung wala naman, gagamitin ko nalang para sa recitation.“Ano ba kayo! First week palang pero aral na kayo nang aral. Uhaw sa recognition, mga te?”
Napatingin ako kay Raven. Hindi naman sya nagrereview pero nagbabasa sya ng libro na related sa kukunin nyang kurso. Hindi ko nalang pinansin ang himutok ni Brae.
Sabi kasi ni sir Gonzales may preliminary exam monthly ang Rosehill kaya ngayon palang, gumagawa na ‘ko ng reviewer na magagamit ko rin sa mga quiz. Ayoko kasi ng nagc-cram at isa pa, kailangan kong manatili sa honors.
Hindi pa rin alam ng kuya ko na HUMSS ang kinuha kong strand at siguradong magagalit sya kapag nalaman nya kaya babawiin ko nalang sa grades.
“Kamusta na nga pala ‘yung bobita mong friend? Bukambibig mo kagabi ‘yon ah,” sabi ni Brae habang namimili sya ng susuotin. May lakad ata sya ngayon.
“Actually, she’s smart. Sya ang lagi kong kalaban sa recitations,” balewala kong sagot. Nahuli ko ang pagngiti ni Raven at ang pag-irap ng mga mata ni Brae.
Napapansin ko na parang gusto ni Raven na nagkekwento ako tungkol kay Charli. Siguro pareho lang kaming natutuwa kay Charli.
“Oh, talaga? Tanga pa rin. Oh sya, magpapadilig pa ‘ko ng tahong. Babu mga bakla!”
Nagkatinginan nalang kami ni Raven sa screen. Nanatili kaming magka-video call kahit wala naman kaming sinasabi sa isa’t-isa. Si Brae lang naman talaga ang maingay kanina.
Pagkaraan ng ilang oras, natapos ko na rin ang pag-aaral ko na araw-araw ko namang ginagawa. Wala kasi akong tiwala sa memorya ko kaya inuulit ko nang inuulit kaya halos masaulo ko na.
“Anong balita sa crush mo?” biglang tanong ni Raven. Mukhang tapos na syang magbasa.
“Sino don?” balewala kong tanong habang binubuksan ko ang phone ko at kino-connect sa wifi. Sunod-sunod ang notifications na dumating kahit nagbukas naman ako ng social media kanina.
“Si Mr. Dela Paz,” sagot nya. Umiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-iscroll.
“Sino nagsabing crush ko ‘yon?”
“Oh deny all you want! Or baka naman hindi mo nga crush," I looked at her. May halong malisya ang tono ng pananalita niya. "Maybe you like him already?"
“Raven! What the hell?”
“Margot, ikaw ‘yung tipong magkaka-crush kahit kanino.”
“So your point is?”
“Wala lang. I’m just wondering why you’re avoiding him,” nagkibit balikat pa sya at halatang nang-aasar.
“Hindi ba ‘ko pwedeng umiwas sa mga taong gusto kong iwasan?”
“It’s obvious you’re attracted to him, girl. I just don’t why you’re avoiding to cross paths with him. That is why I’m wondering if what you’re feeling is just a simple crush or something deeper. Kasi hindi mo naman iisipin ang background nya kung simpleng attraction lang ‘yan.”
Hindi ko pa rin maintindihan ang pinupunto nya kaya nagpaalam nalang ako na matutulog na kahit ang totoo ay nag-scroll pa ‘ko sa instagram at twitter bago natulog.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)