“Thank you po talaga,” pagpapasalamat ko ulit sa may-ari ng restaurant na initerview namin.
“Kanina ka pa nagpapasalamat, hija. It’s a win-win situation din since you promised you’ll upload a photo with a caption about us. Sa dami ng followers mo siguradong kikita kami at isa pa, isa ako sa followers mo, hija. Kumpleto ako ng copies ng mga libro na sinulat mo,” mas lalo akong napangiti. Halos lahat kasi ng mga nakikilala kong fans ko sa pagsusulat ay teenagers o hindi nalalayo ang edad sa’kin kaya bago sa’kin ang ganitong pakiramdam.
“Kukunin ko muna sa sasakyan. Masyado akong na-excite na makita ka eh,” tumango ako at ngumiti saka nagpaalam na babalik muna sa table namin habang hinihintay sya.
Kumakain na ang mga kasama ko. Ang plano talaga namin gagawin na namin dito ang report pero sabi ni Charli sya nalang daw ang gagawa ng powerpoint pero dahil ako ang may alam sa details na ilalagay, mag-oovernight daw sya sa bahay. Nakakutob ako na gusto nya lang talagang matulog sa bahay.
“Mama Margot, tikman mo ‘to oh. Ang sarap,” hindi na ‘ko nakaangal nang subuan ako ni Charli ng cheesecake. Kanina pa sya kumakain nyan pero parang wala syang kabusugan.
“Pre, salamat ha kahit gago ka. Mas inuna mo pa kaming tulungan bago ang kagrupo mo,” napatingin ako kay Zayden. Alam kong may ganito rin silang activity dahil iisa lang naman ang teacher namin sa ICT. Hindi ko lang inakalang uunahin nya kaming asikasuhin.
Isa-isa silang nagpasalamat kay Zayden. Tumingin silang lahat sa’kin nang ako nalang ang hindi nagpapasalamat. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis na inuna nya kami kahit nasa amin na ang pabor.
Nakaligtas ako dahil dumating na si Mrs. Olivares dala ang lahat ng libro na sinulat ko. May cover pa talaga lahat ng libro para raw hindi madumihan o lumuma agad.
“Wait, mag-uutos ako ng waiter para picturan tayo.”
“Tita, ako na po,” biglang singit ni Zayden. Nilabas nya ang Iphone nya at umaktong kukuhanan kami ng litrato.
Lumipat kami ng lamesa para pirmahan ang mga libro. Kinuhanan kami ni Zayden habang pumipirma ako. May kuha rin na kami lang ni Mrs. Olivares sa iba’t-ibang bahagi ng restaurant.
“Kukunin kitang endorser ha,” nakangiting sabi ni Mrs. Olivares. Ngumiti nalang din ako kahit hindi ako sigurado kung totoo ang sinabi nya o biro lang. Kinuha nya kasi kanina ang number ko.
“Ia-upload mo ba ‘to sa Instagram mo?”
Zayden’s now browsing my pictures on his phone. Gusto ko rin sanang makita kaya lang ayokong lumapit sa kanya.
“Oo,” I replied without looking at him. Ayokong tumingin sa kanya dahil alam kong nakatingin na sya sa’kin.
“Let’s take more photos, Margot. Yung ikaw lang,” bigla nyang sabi at pwenesto ako sa part ng restaurant na may paintings.
“Huh?”
“Influencer ka, diba? Ikaw ang gustong makita ng followers mo kaya dapat may pictures ka na mag-isa,” seryosong sabi nya habang may kinakalikot sa cellphone nya.
Tumango nalang din ako at tumayo ng ayos. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap nya. Naiilang ako.
“Turn around,” lumipat pa sya ng pwesto. Naghahanap ata ng magandang anggulo.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Ficção AdolescenteMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)