08

153 14 1
                                    

Nakahalumbaba ako habang tinititigan ko ang sapatos kong natanggal na naman ang sintas. Kahit anong higpit ang gawin ko, natatanggal talaga eh. Should I look for Gabe to tie my shoelace again?

I sighed. Pati ibang tao aabalahin ko para sa kabobohan kong magtali ng sintas.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko saka tinali ko ulit ang sintas ng sapatos ko kahit alam kong matatanggal ulit ‘yan mamaya. Habang bumababa ng hagdan, tinitignan ko ang mga unread messages na hindi ko naman binubuksan pero isang bagong message ang dumating.

Kinabahan ako agad. Last year pa ‘yung huling palitan namin ng messages at sobrang ikli pa non. Knowing my father, he won’t send a message unless it’s important. But the question is, when did I ever become important to him?

From: Papa

Nasa Laguna ako. Let’s meet after your class.

Tinago ko agad ang phone ko nang makita ko si mama sa dining area. Sa pamamalagi ko dito sa Laguna, ito ang unang beses na nakita ko sya sa bahay. I’m not exaggerating. It’s a fact. Hindi ko alam kung kakarating nya lang ba o aalis nanaman sya.

“Good morning, Heart,” she sweetly said. Obviously just to ruin my mood.

“Ma, stop calling me Heart. Good morning din,” inis na tugon ko.

Kumuha nalang ako ng fried rice at hindi na sya sinubukang kausapin. Baka kung ano nanaman ang lumabas sa bibig nya at away pa ang maging almusal ko.

“By the way Heart--”

“Ma!”

“Okay, okay,” tumawa pa sya na halatang natutuwang asarin ako. Is she really my mom?

“What’s your plan for your birthday?” I rolled my eyes. Ang plastic talaga ng nanay ko.

“Don’t pretend like you’re not planning something grand, ma,” sabi ko nalang. Alam ko naman na gagamitin nya ang birthday ko para mag-imbita ng mga kaibigan nya at mga mayayaman o mga kilalang tao.

“I have to go na ma. Bye,” humalik agad ako sa pisnge nya at nagmadaling umalis bago pa nya ‘ko pigilan para pag-usapan ‘yung plano nyang party na kunwari ay para sa’kin.

Dahil maaga pa naman, dumiretso muna ako sa library. Ang aga kasi ng preliminary exam ngayong buwan dahil daw sa events ng school. Problema naman nila ‘yon kaya bakit kami ang sasalo? Mabuti nalang talaga at handa ako.

Ganon lang ang ginawa ko tuwing vacant. Tumatambay ako sa library para sa mga dapat kong pag-aralan at dapat isama sa reviewer ko. Hindi na nga ako bumaba sa canteen para kumain kaya binilhan nalang ako nina Luke ng lunch at sinamahan nila akong kumain sa room. Pagkatapos non, dumiretso na agad ako sa library.

“Hoy, Margot! Hoy! Hintayin mo kami!” nilingon ko sina Luke habang nagmamadali pa rin ako. Kanina ko pa kasi natanggap ang text ni papa na nasa Starbucks na sya.

“Pass! Pakihatid si Char-” kapag minamalas ka nga naman, nakabunggo pa.

“Yasmine!”

Pinigilan kong mapataas ang kilay ko nang makita kong nagmamadaling lumapit si Zayden sa babaeng nabunggo ko para tulungan syang makatayo. Hindi naman ganon kalakas kaya bakit napaupo ang babaeng ‘yan?

“Okay ka lang?” nilingon ko si Diego. Kasama nya nanaman si Rafael pero hindi sila nakangiti ngayon. Nakakapanibago. Ang seryoso kasi nilang tumingin sa’kin habang tinitignan ang kabuoan ko kung may nakuha akong galos.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon