Dahil maaga akong nagising, dumaan muna ako sa Starbucks sa Halang para bumili ng kape bago ako dumiretso sa school. Nag-post ang page ng Rosehill na civilian attire ang susuotin ng grade 11 students kaya nagsuot lang ako ng pants at shirt na tinuck-in ko.
“Susunduin pa ba kita, neng?” tanong ng driver namin. Hindi pa rin ako bumababa kahit halos isang minuto nang nakaparada ng kotse sa harap ng school.
“Hindi na po,” sagot ko. Malapit lang naman kasi ang bahay namin. Nagpahatid lang talaga ako dahil dumaan pa ‘ko sa Starbucks.
Inayos ko agad ang damit ko pagkababa ko ng sasakyan. Sa lobby agad ng school ako dumiretso dahil don ko nakita ang bulletin board noong nagpaenroll ako.
I was right. Dito ko nga makikita kung saang room ako dapat pumunta. Nandito na rin ang mga pangalan at kung saang section sila nabibilang.
Room 101, First floor.
Kahit na maaga ako para sa orientation, marami na ang nasa loob ng Room 101. Tumingin silang lahat sa’kin nang pumasok ako. Mukhang magkakakilala na sila.
Ilang segundo akong nakatayo kaya ilang segundo rin silang nakatingin sa’kin. Ang iba pa sa kanila ay tinitignan ang kabuoan ko sabay bulong sa katabi nila pero wala naman akong pakialam. Naglakad nalang ako at pumwesto sa likod.
Maraming lumilingon sa’kin. Yung iba umiiwas kapag nahuhuli ko pero ‘yung iba, sadyang makakapal lang talaga ang mukhang pagmasdan ako.
Pinanatili ko ang poise ko at aware naman ako na masungit akong tignan. Pero mas mabuti na ‘yon kaysa isipin nila na mabait ako.
Ilang minuto palang akong nakaupo nang magbukas nanaman ang pinto. Umugong ang bulungan at may narinig pa ‘kong nagtawanan na parang may kenekwento silang nakakatawa tungol sa pumasok kaya napatingin na rin ako.
Tinago ko sa masungit kong mukha ang pagkagulat ko nang makita ko si Charli. Iba nanaman ang hairstyle nya, yakap yakap nya nanaman ang stuffed toy nya at may lollipop nanaman sya sa bibig nya. Nilibot nya ang mata nya para maghanap ng uupuan.
Napangiti ako habang pinapanood kong manlaki ang mata nya nang makita ako. Umawang ang bibig nya kaya nahulog ang lollipop sa bibig nya pero hindi nya na ‘yon pinansin. Tatakbo sana sya nang may demonyitang nagpatid sa kanya kaya sya napaluhod.
Nagtawanan ang karamihan habang iba ay umiwas nalang ng tingin para hindi madamay. Tumingin sa’kin si Charli na parang naiiyak na.
‘Don’t cry’ I mouthed. Dapat sa mga piling tao nya lang ipapakita ang kahinaan nya kung hindi, gagamitin ‘yon ng mga tao laban sa kanya.
Tumayo ako para tulungan syang tumayo. Nakita kong nandon pa rin ang paa ng pumatid sa kanya kaya tinapakan ko ‘yon. Hindi ko rin alam kung bakit gigil na gigil ako dahil sa ginawa nya.
“Ouch! Aray! Masakit, ano ba?!” mas lalo ko pang diniinan bago ko inalis ang paa ko at nagpanggap na hindi ko sinasadya.
“Oh, nandyan pala ang paa mo? Bakit kasi nakaharang?” ngumisi ako pero nandon pa rin ang talim ng mga mata ko.
Hindi nya nagawang makaimik kaya hinawakan ko nalang ang kamay ni Charli saka sya dinala sa likod. Mabuti nalang at namula lang ang tuhod nya kaya pinunasan nalang namin.
Hindi na rin naiiyak si Charli kaya umayos nalang ako ng upo. Habang hinihintay naming dumating ang teacher na mag-oorient sa’min, daldal nang daldal sa tabi ko si Charli.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)