Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng parang ang likot? Kinabahan ako bigla. Noong huling beses kasing nakaramdam ako ng pagyanig, nakahiga ako sa kama ni Brae at nahuli ko syang may…nahuli ko syang may… ah basta!
Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita kong nasa van pala ako kaya ang likot. Teka,
“Paano ako napunta dito?” nilingon nila akong lahat.
Kumpleto kami. Andito si Hartt, Raven, Brae at Charli. Andito rin sina Zayden, Gabe, Rafael, Diego, Luke, Sam at Sid. Ito ata ‘yung van na ginagamit namin para sa outing?
“Ano ba ang huli mong naaalala?” nakangisi si Luke na parang may alam syang hindi ko alam.
Napahawak ako sa ulo. Medyo masakit kasi ang ulo ko at bukod don, wala akong masyadong maalala tungkol sa nangyare.
“May party. Pinakilala ako ni mama sa mga kakilala nya tapos dumating si Hartt pero ‘di ko na masyadong maalala kung anong nangyare. Tapos-ano na ba ang sunod?” nahuli ko ang tingin nila sa isa’t-isa na may kahulugan.
Naalala ko rin na nakita ko si Mr. Lopez. Ang alam ko tumayo ako para kausapin si mama pero wala na ‘kong maalala kung anong nangyare.
“Umalis ka mama Margot tapos matagal bago ka nakabalik kasama si Gabe. Panay pa nga ang sandal mo sa balikat nya kasi gusto mong matulog tapos tumakas tayo sa party. Niyaya mo kaming pumunta sa Mcdo para magkape tapos bumalik tayo sa hotel. Kukunin sana natin ‘yung mga gamit na dadalhin sa Batangas kaso nakatulog ka na. Kami ni Raven nagpalit ng damit mo tapos sina Hartt at Brae ang nagtanggal ng make-up mo. Binuhat ka pa ni Zayden para lang isakay dito.”
Nasapo ko ang ulo ko. Wala akong maalala sa mga sinabi ni Charli. Alam kong iniwan ko sila sa table at medyo naalala ko rin na pumunta kami ni Gabe sa rooftop pero bukod don, wala na ‘kong maalala. Hindi ko nga alam na nakabalik pala kami sa party.
“And you did something naughty, girl,” nakakunot ang noo ko nang tignan ko si Raven. Sumipol ang boys at nagtawanan naman ang girls.
Naughty? Ako? Gagawa non?
“I did that?!” hindi ko naiwasang mapasigaw nang ikwento ni Raven ang ginawa ko kay Zayden.
Kulang nalang hampasin ko ang ulo ko. May mga naalala ako but I still cannot determine which is true. This is the first time I’ve been drunk maybe that’s the reason why I can’t determine which of my memories are true and which is just imagination? Ewan. Hindi ko na talaga alam.
Paano nalang kung may ginawa pala akong kahihiyan? Base sa mga kwento nila mukhang hindi ko pinag-isipan ang mga ginawa ko kagabi.
Bakit ko naman kasi sinabi at ginawa ‘yon?!
“Nahihiya ka na bang bruha ka? Gaga, panindigan mo ang ginawa mo kay Zayden!” I feel like my cheeks are flushed by Brae’s words.
Hindi ba nila alam na gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil kahihiyan tapos uulit-ulitin pa nila? Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Zayden na nasa harapan. Nakatingin din sya sa’kin kaya ako na ang umiwas.
Gaga ka talaga, Margot Heart!
“Anong oras na ba?” sinubukan kong baguhin ang usapan at nagtagumpay naman ako dahil hindi na nabalik ‘yung topic kanina.
“Alas dos ng umaga. Malapit na tayo sa Batangas,” hindi ako tumingin kay Zayden kahit sya pa ang sumagot.
Naramdaman ko ang pagsiksik sa’kin ni Charli. Mukhang hindi nya sinasadyang makatulog dahil nasa kamay nya pa ang cellphone nya na umiilaw ngayon dahil sa tumatawag.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)