18

107 11 0
                                    

Mula sa first floor ng mall, umakyat kami ni Charli sa third floor para bumili ng tickets ng electric mall train na gusto niyang sakyan at para ro'n na rin hintayin sina Raven.

"Lima," nahihiyang sabi ko habang inaabot ang bayad. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako pumayag na bumili ng tickets. Hindi ko nga naranasan sumakay ng rides na pasok pa sa teens tapos ngayon sasakay ako sa train na para sa mga bata?

"Nandito na raw sila!" napatingin ang mga staff kay Charli dahil bigla itong sumigaw. Ilang hakbang lang naman ang layo niya sa'kin pero masyado ata siyang nadala dahil sa excitement. "Sasakay na tayo! Yeheeeey!"

Pa'no na 'ko ngayon aatras kung ganito siya kasaya? Baka mamaya bigla na lang niyang ibato ang kinakain na Raspberry Truffle ice cream sa'kin eh o baka umiyak 'yan na parang bata. Eh 'di kasalanan ko pa?

Gusto ko pa ring umatras pero hindi ko magawa lalo na kapag tumitingin ako sa mga mata ni Charli. Mukha siyang masaya pero pugto pa rin ang mga mata niya, bakas ng kaniyang matinding pag-iyak. Kaya pa'no ako makakahindi ngayon?

Staka hindi ba ito ang paraan para magpatahan ng bata? Ganito sila amuin? Ang ibigay ang gusto nila?

Napapaisip na tuloy ako agad kung mag-aanak pa ba 'ko sa future. Wag na lang kaya? Maging mayamang tita na lang siguro ako? Yung tipong ibibigay ko lahat ng gusto ng mga pamangkin at inaanak ko tapos kapag umiiyak na sila, ibabalik ko na sila sa mga magulang nila. Tutal sila naman ang gumawa sa mga batang 'yon kaya sila ang maghirap.

Hayop. Kung ano-ano nang pumapasok sa utak ko.

"Mga deputaaa!! Nandito na ang mga mababangong bilaaaat! Ay pota! Bakit nga pala tayo nasa third floor eh wala naman tayong mga bagets? Para sa mga fetus 'to, 'di ba?"

Itinaas ko ang limang tickets na binili ko para makita nila kaya agad silang naguluhan. Bakit nga naman ako bibili ng tickets? Wala naman akong kasamang bata. Mga isip bata lang.

"Care to explain why you bought those tickets?"

Sa halip na sagutin si Raven, nginuso ko si Charli na nakatalikod sa amin. Nakabuka ang mga braso nito at patalon-talon habang hinihintay na bumalik ang train. Para itong bata na ginagaya ang tunog ng train. Kaya lang puro 'tooot! tooot!' ang sinasabi niya.

"Wait, are you saying we're gonna ride that kiddie train?" ngumingiwi akong tumango. Parang biglang nawala ang kulay sa mukha ni Raven. Nanlalaki ang mga mata nito pero namumutla.

"Do I have to remind you how old we are? You may be the youngest but you're still too old for that! Pa'no pa kaya kaming mas matatanda sa'yo? So no, hindi ako sasakay--"

"Ayaw niyo ba?" pare-pareho kaming napalingon kay Charli na nakapalapit na pala sa'min. Halos humikbi na ito. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa mga mata niyang namumugtong o totoong naiiyak na siya. "Okay lang naman na hindi tayo sumakay eh."

Pinagdikit niya ang dulo ng kaniyang dalawang hintuturo saka yumuko. Tanging ang mga labi na lang niyang nakahikbi ang nakikita namin hanggang sa mga nakita na kaming kung anong tumutulo sa sahig. Mga luha.

"No! Sino ba ang ayaw? Wala naman 'di ba? Sasakay naman tayong lahat, right, girls?"

Lumiwanag agad ang mukha ni Charli at patalon-patalong naglakad papunta sa diresyon ng train na kakarating lang.  Nagdududa na tuloy ako kung totoo o pagpapanggap lang 'yung ginawa niya.

"Alam mo friend? Ang rupok mo," natatawang pang-aasar ni Hartt kaya Raven habang nakaakbay dito.

Walang nagawa si Raven kun'di ang bumuntong-hininga. Hindi na maipinta ang mukha niya pero pinipilit niyang ngumiti para hindi isipin ni Charli na napipilitan lang kami. Napansin na ng mga ito ang namumugtong mga mata ni Charli kaya imposibleng umatras pa sila.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon