“Akala ko ba iiwas na, pre? Haha wala ka pala eh. Kumakain ka ng salita.”
“Gago. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan siyang matumba? Nahimatay na nga eh.”
“Bobo ka eh ang dami niyo ro’n. Sabihin mo hindi mo lang matiis.”
“Hindi ah, hindi ka nagkakamali. Umalis ka na nga! Cutting kang gago ka eh. STEM ka pa namang hayop ka.”
Ang sakit sa tenga ng mga mura ni Zayden at ng kausap niyang lalake na hindi ko kilala. Required ata sa kanila ang pagmumura kapag may kaibigan silang kinakausap eh.
“Gising na siya, pare. Una na ‘ko. Landi well, tukmol!” malakas na tinapik no’ng lalake si Zayden sa likod kaya napalapit siya sa hinihigaan ko pero umatras din siya agad, halatang ayaw mapalapit sa’kin.
Pigil na pigil akong mapairap habang tinutulungan ko ang sarili kong makaupo. Nataranta nga siya bigla. Hindi alam kung lalapit sa’kin para tulungan ako o manatili na lang na malayo para hindi niya ‘ko madikitan.
Nakakainis! Daig ko pa ang may nakakahawang sakit ah? Kung gusto niya pala akong iwasan eh ‘di sana iniwan niya na lang ako dito!
“Salamat,” I said coldly without looking at him, without sincerity. “Pero okay na ‘ko kaya pwede mo na ‘kong iwan dito.”
Bumuntong-hininga siya at kumuha ng upuan para roon maupo habang hindi tinatanggal ang mga mata sa’kin. I gathered all the courage I have to look in his direction and to meet his hot stare. Para kaming mga tanga na hindi umimik pero nakatitig sa mga mata ng isa’t-isa.
“Uminom ka ba kagabi?” finally, he broke the silence. His forehead creased as if he didn’t like the idea of me drinking last night. Pero bakit kahit mukhang masungit ang hot pa rin tignan?
Malanding De Vera, tss.
“Medyo?”
“Medyo wala nang maalala dahil sa kalasingan?” umirap ako. Para siyang tatay na hinuhuli ang anak niyang babae na tumakas kagabi!
“Medyo?” sandali akong tumigil dahil sinamaan niya ‘ko ng tingin. Matapang naman ako pero bakit parang umurong? “Medyo totoo ang sinabi mo.”
“Tss. Diyan ka lang,” he said, still annoyed as he glanced at his phone as if he’s waiting for a message. “May kukunin lang ako sa labas.”
Hindi ako sumagot. Luminga-linga na lang ako para pagmasdan ang itsura ng clinic ng Rosehill Academy. Ito kasi ang unang beses na nakapasok ako dito pero wala namang interesting dito eh. Para lang ‘tong mga kwarto sa hospital kung saan ako madalas sinusugod noon.
Kung anong posisyon ko nang iwan niya ‘ko, gano’n pa rin ang posisyon ko nang bumalik siya na may dala-dalang paperbag na may green siren.
“Hindi mo ginalaw ang pagkain mo kanina kaya nagpabili ako sa labas. Baka ganahan ka kapag hindi pagkain sa canteen ang bibilhin ko.”
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)