“Margot Heart De Vera, where the hell are you? Bitch, kanina pa kami dito!” nilayo ko muna sa tenga ko ang cellphone ko. Si Brae kasi, umeeskandalo nanaman ang boses.
I think she’s not aware of how irritating her voice is.
“Baliw ka ba? Baka kasi nakakalimutan mong kakarating ko lang sa Calamba. Let your bitch rest please.”
“Mas maraming nababaliw sa kagandahan ko--wait, anong konek? Pero bitch, andito na kami ni Raven. 3 hours na. Sino ba naman kasi nagsabing magbarko ka mag-isa eh pwede ka namang ipasundo ng mama mo.” Hinayaan ko lang na magsalita nang magsalita si Brae habang nagsisintas ako ng sapatos.
Siguro dapat si Raven nalang ang tinawagan ko since siya naman ang mas matinong kausap sa kanilang dalawa. May topak na naman ata itong si Brae.
“Oh ano na?”
“I’m actually on my way. Babye!” Pumara ako ng tricycle kasi wala namang taxi dito sa Laguna.
Muntik pa kaming magkagulo nung driver kasi hindi ko masabi kung saang Jollibee ako nagpapahatid. Buti nalang tinext sa’kin ni Raven kung saan. Ang bilis talaga makaramdam ng isang ‘yon.
Pagkatapos magbayad, bumaba agad ako at naglakad lakad para hanapin kung saan ang Jollibee. Sa Mcdo kasi ako binaba ni manong eh. Mabuti nalang talaga at nakita ko ‘yung Jollibee kaya pumasok ako agad.
Nilabas ko agad ang phone ko para sana tawagan sina Raven at Brae pero mabilis ko silang nakita dahil sa boses nilang dalawa lalo na ni Brae.
“Ano ba, miss?” Hindi ako nakalapit agad. Nakikita ko kasing naiinis na talaga si Raven. Si Brae naman natatawa pa nung una pero mukhang napikon na rin dahil sa babaeng nasa harap nila na umiiyak. Sila ba nag-paiyak dyan?
Pinakiramdaman ko muna sila. Alam ko kasing may attitude talaga ang mga kaibigan kong ‘yan pero hindi naiinis si Raven dahil lang sa wala.
For sure may ginawa ang babaeng ‘yan na hindi tama o hindi nila nagustuhan.
“Kuya, awatin mo na kaya,” rinig kong bulong ng isang crew sa security guard kaya lumapit agad ako sa kanila bago pa sila umaksyon.
“Uhm hi!” kapag talaga ‘to natapos, sasabunutan ko sila Raven at Brae. Hirap na hirap na nga akong makipag-usap sa ibang tao tapos gagawin ko pa ‘to.
“I’m Margot De Vera po, kaibigan po nila. Don’t worry po, ako na po bahala sa kanila. Papatigilin ko na po sila sa prank na ginagawa nila.”
“Prank?” Looks like they’re processing information as what I see right here.
“Vloggers po kasi mga kaibigan ko pero don’t worry po. Hindi sila manggugulo… ng sobra,” I tried to explain further. Kinagat ko agad ang dila ko dahil sa pagsisinungaling ko.
Geez! Patay talaga sa’kin ‘yung dalawang ‘yon. Mabuti nalang naniwala si manong.
“Sige po, kayo na po ang bahala ma’am.” Gusto ko sanang irapan ‘yung crew na kumindat pa sa’kin ng pasimple pero hindi pwede.
“Sure!” Nag-iwan pa ‘ko ng napakatamis na ngiti na sobrang labag sa loob ko bago ko sila tinalikuran para puntahan ang mga kaibigan kong nawawalan nanaman ng bait.
Patuloy pa rin sa pag-iyak ‘yung babae na medyo ikinairita ko. Sya kasi ang nagmumukhang biktima sa mga taong nanonood eh.
“Excuse me, itigil mo ang pag-vivideo sa mga kaibigan ko or else I’ll sue you,” pagtataray ko sa ilang teenagers na palihim na nagvivideo.
BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)