“Hey,” hinawakan ako ni Raven sa balikat para makuha ang atensyon ko.
Ngumiti agad ako sa kanya. Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa champagne na iniinom ko at siguradong uusisain nya ‘ko.
“I’m not stressed, babe. Nilalamig lang ako,” tumango siya at kumuha rin ng alak sa waiter na dumaan.
“Cheers?” pinagdikit namin ang mga baso namin na lumikha ng tunog. Pareho kaming sumandal sa pader at pinagmasdan ang mga taong nagsasaya sa party.
This is what I like about Raven. Hindi siya madaldal kagaya ni Brae though I love Brae like my sister kaya lang madalas hindi niya pinag-iisipan ang mga lumalabas sa bibig niya. She doesn’t know how to filter her mouth even it could hurt someone while Raven is very logical and rational woman.
“Sabihin mo sa’kin kapag natatapakan ko na ang buhok mo ha,” naguguluhan ko siyang tinignan.
“May dalawang gwapong lalakeng mukhang may gusto sayo pareho,” mas lalong kumunot ang noo ko. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.
“Gabe is just a friend,” kumuha ulit ako ng champagne sa dumaang waiter.
“You're not the type that falls fast for someone, Margot. Sure, for you he’s just a friend but I don’t think he feels the same way for him to be always there whenever you need him. That’s too good to be true pero in fairness, mas gwapo sya kay Zayden.” I secretly rolled my eyes after hearing Zayden’s name. He’s actually the reason why I’m stressed right now.
Para sa’kin, tama lang naman ang mga sinabi ko sa kanya kanina pero bakit parang nag-guilty ako? Bakit parang sarili ko na ang kalaban ko?
“Anyway, can you tell me if this is really your party because it’s your mom who’s enjoying the night, girl.” Natawa ako. Ako nga ang may birthday pero para akong outsider na nasa sulok at umiinom.
“Well,” Raven gave me another glass of champagne. Kanina ko pa napapansin na kapag hindi ako, siya ang kumukuha ng alak para sa’kin at minamaya’t-maya niya pa ‘ko. “Kaya nga may second celebration tayo, diba? Wait, how’s the resort?”
Inabutan nya ulit ako ng champagne bago sumagot. Si Raven kasi ang umasikaso ng second celebration ng birthday ko dahil kinailangan kong tumulong para sa party na ‘to at kakatapos lang din ng preliminary exam namin.
“Everything’s fine, babe. Don’t worry. I got this,” binigyan niya nanaman ako ng alak. Nararamdaman ko na ang init ng katawan ko.
“So, how’s your relationship with Mr. Dela Paz?” awtomatikong hinanap ng mata ko si Zayden na nahuli kong titig na titig sa’kin. Hindi ko alam kung sa alak ba ‘ko kumuha ng lakas ng loob para makipaglaban sa kanya ng titigan.
“Mukhang masaya naman sya kay Yasmine kaya bakit pa natin siya pag-uusapan?” nahuli kong ngumisi si Raven. Inabutan niya nanaman ako ng champagne habang tuloy-tuloy ang mga tanong niya.
“You’re jealous?” napanguso ako. Naalala ko nanaman kung paano nya tulungan sa harap ko ang babaeng ‘yon kahit napansin niya na palang may mali sa paa ko.
“Nagpapakita sya ng motibo pero kung sino-sinong mga babae ang dinidikitan nya lalo na ‘yung Yasmine na ‘yon. Akala nya ba hindi ko malalamang ex nya ‘yon? Sabi ni Luke hindi naman daw official pero pakshet, apat na taon sila! Ang aga lumandi sa iba!” narinig ko ang mahinang tawa ni Raven kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bakit siya natatawa eh naiinis na nga ang kaibigan nya?
“You like this guy? I mean, Zayden, do you like him?” hindi ko nagawang sumagot agad.
Pinaikot ko sa kopita ang laman nito at malungkot na tinitigan ‘yon. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko.

BINABASA MO ANG
I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)
Teen FictionMargot Heart De Vera (Marupok Series #1)