02

205 15 0
                                    

“Rate him from 1-10, bitch! Gwapo ba? Daks ba? Ano?”

Napailing si Raven habang nagbabasa ng libro na tungkol sa Earth Science. Pagkatapos ko kasing magkwento tungkol sa nangyari sa CR ng Jollibee, ganito agad ang reaksyon ni Brae.

“Oh ano na? Bakit kasi sa video call pa tayo nag-uusap eh pwede naman tayong magkitang tatlo. Kita nalang tayo ngayon, dali!”

Ako naman ang napailing. Wala pang isang oras simula nung maghiwa-hiwalay kami para umuwi tapos gusto niya na naman makipagkita sa’min. Bored na bored na ba talaga si Brae sa buhay niya?

“Gurl, it’s already 3 in the morning. Matuto ka ngang tumigil sa bahay mo,” sita ni Raven kay Brae. Sumimangot agad si Brae at rinig na rinig namin ang pagdadabog niya. Brat.

“Whatever. So ano? I-rate mo na kasi!”

Napatitig ako sa jacket na nakatupi sa kama. Usually, nakakalimutan ko kaagad ang mga mukha ng mga lalakeng sandali ko lang nakita pero malinaw na malinaw ngayon sa’kin ang imahe ng lalakeng ‘yon.

“He’s… nine,” wala sa sariling nasabi ko nang hindi tumitingin sa kanila sa screen.

Nakarinig ako nang pagbagsak ng libro kaya napatingin ako ulit sa screen. Nabitawan pala ni Raven ang binabasa niyang libro at si Brae naman, nakabukas na ang bibig. Hindi makapaniwala sa narinig niya.

“He’s what?!” kailan pa naging bingi si Raven?

“I said he’s nine. 9/10.”

“Bitch, are you sick?! Oh baka naman sinuko mo na ang bataan kung kanino kaya ka nagkakaganyan?” exaggerated na sabi ni Brae. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya at mukhang naghihintay pa sya na sabihin kong joke lang ang sinabi ko.

“Hindi ko pa sinusuko ang virginity ko, you bitch! Bakit ba kasi ganyan ang reactions nyo? You guys are exaggerating. Seriously.”

“We’re not! Hindi lang kami makapaniwala na sa taas ng standards mo, may umabot ng rate na 9 sayo. Naalala mo ‘yung guy na nakita natin na super duper hot? Binigyan namin siya ng rate na 10/10 pero ikaw na gaga ka, 5 lang ang binigay mo.”

Kasalanan ko ba kung hindi ko talaga natipuhan ‘yung lalakeng ‘yon? Tss.

“Anyway, 'di ba bukas na ang enrollment mo sa papasukan mong school? Do you want us to come with you?” singit bigla ni Raven.

“Hindi na. Sasamahan daw ako ni mama at Sharlene."

Tumango-tango silang dalawa. Nagpatuloy ang pag-uusap naming tatlo na napunta sa kung saan-saang topic hanggang sa magpaalam na si Raven dahil kailangan nya pang gumising ng maaga bukas. Si Brae naman, nakanganga na ngayon at mahimbing na natutulog kaya pinatay ko na rin ang call.

Makakatulog pa ba ‘ko? Alas tres na rin ng madaling araw kaya imposibleng makatulog pa ‘ko.

Sinubukan kong magpaantok pero gising na gising pa rin talaga ang diwa ko kaya minabuti kong bumaba nalang para labhan ang jacket na pinahiram sa’kin ng lalakeng hindi ko kilala.


Pagkatapos kong labhan at i-dryer ang jacket, tinupi ko ‘to nang ayos at itinabi sa isang paper bag saka ako bumaba ulit. Tinignan ko muna ang kapatid kong si Sharlene na mahimbing na natutulog sa kwarto niya. Dahil sa pagmamadali ko kanina, hindi ko na sya nakausap.


Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni mama. Hindi na ‘ko nagulat nang hindi ko siya nakita do'n. For sure nasa hospital na naman siya. Busy sa mga pasyente nya, as always.

I Deserve a Happy Ending (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon